CHAPTER EIGHT:
Strange Doings
Elle POV
" Where's Lyn? Is she still sleeping pa din ba? As far as I know maaga yong gumigising ahh," tanong ni Joli habang sumusubo ng kanin. Oo kumakain kami now and alas diyes na ng umaga but still wala pa din si Lyn, dati rati naman siya yong nauuna pa sa amin gumigising at nakahanda na agad.
" Paabot nga ng tuyo Grace," utos ni Annah kay Grace. Agad naman nitong inabot yong tuyo o the dried fish, yeahh I love that tuyo too ang sarap ulamain talaga like isawsaw mo sa suka owshii heaven talaga ang sarappp!!!
Every breakfast kasi naman puro dried foods like fried eggs, tocinos, hotdogs, bacon and dried fish. But among them, ang tuyo ang may kakaibang level wewww.
Halos nakakamay lang kaming lahat dito, like normal lang. And nakikita ko din ang satisfaction at saya sa mga mukha nila, I love this girls so much.
" Ohh Hi Lyn late morning, breakfast is ready na and your favorite tuyo is hereeeee!!!!" Bati at siglang sabi ni Grace kay Lyn habang bumababa ito sa hagdan na with matching magulong buhok ayttt.
" Kaya nga, umupo ka na dito at sabayan mo na kaming kumain," nakangiting sabi naman ni Jane sa kaniya.
Para namang biglang nagbago ang mood nito at mabilis na bumaba sa hagdan at umupo na sa pwesto niya.
" Ayan kain ka marami," lapit ko sa kaniya ng tuyo. She smiled perfectly and makikita mo talaga sa mata niya na natatakam na siya kumain. Sa kaniya nga din namin to natutunang kumain ng ganito ehh. Sabi nga niya, this is her favorite daw.
Ang kaniyang excited na mukha ay napalitan ng masama, hinawi niya yong tuyo at tinakpan ang bibig saka tumakbo sa sink, she's vomiting, nag susuka siya?
" Lyn anyare okay ka lang ba?" tanong ni Annah at sinundan ito. Hinahagod niya ang likuran ni Lyn.
" You know what, ayaw kong manghusga pero ayaw ko sa naiisip ko now," biglang sabi ni Grace.
Napatingin naman kami sa kaniya. What she mean ba?
" Don't jump to the conclusion girl, baka masama lang ang gising niya," sagot ko naman sa kaniya. Tumango tango naman ito.
" Yeah, sana nga, what ever," sagot niya habang inaayos ang plato niya. Ito talagang attitude girl ammmp.
" Anong nangyare ba Lyn? " tanong ni Annah sa kaniya habang nag mumog si Lyn.
" Ewan parang binaliktad ang sikmura ko pagkaamoy ko nong tuyo," paliwanag niya para magsilakihan ang mga mata namin.
" Ohh My Goshhh??? "
" OMG!!!! "
" Umayy!!!! "
" Goshh!!! "
Nagkatinginan kaming lahat at para bang nakakonektado ang aming isipan. Pare-pareho kaming nasa isip.
" BUNTIS KA BA? "
" ARE YOU PREGGY??? "
Sabay naming lingon at tanong kay Lyn dahilan para magulat at nabitawan niya yong baso sa sahig.
" ANOOO???? NAGBIBIRO BA KAYO? AKO BUNTIS LANGYAAAA??? " sigaw na sagot nito sa amin sabay irap sa amin.
Langya hindi ba? Diba ganiyan yong mga movie???
" Wag nga kayong praning, siguro naano lang ako, kakagising pa lang kasi. Tigilan niyo ako sa mga tingin na yan, paano ako mabubuntis? Hello I'm confidently na virgin pa ko uyy amp. " Inis na sagot niya sa amin at naglakad paalis.
O_O
Walk out???
Si Lyn ba yon?
Parang may something na nagbago?
" Woahh I really smell something fishy talaga," biglang sabi ni Jane. Kaya nga ehh nakaka-trigger lang. Parang may ano na ewan basta di ko masabi.
" Ako din, parang may iba sa kaniya eh," sang ayon naman sa kanya ni Annah, hala ka tama ba ito? Di namin chinichismis si Lyn ha baka sumbong niyo kami, nagsasabi lang naman kami sa napapansin namin sa kaniya.
" Let's not talk about her na, baka isipin pa niya na pinagkaisahan natin," eksena ni Grace sabay tayo at nilagay ang plato sa sink. She's done na agad? Bilis lang ahh, para namang just now lang liit lang talaga kain niyan.
" Yeah, let's observe na lang muna and shut up," sang ayon ko naman sa sinabi ni Grace. They just nod and continue eating.
*Ding *Dong *Ding *Dong
" Ako n-- "
" Nahh ako na, akin yon," putol niya at eksena ni Lyn habang tumatakbong bumaba sa hagdan. What's with this woman? Kanina parang wala sa mood tapos ngayon ang hyper na, so weird.
" Okay," surrendered Grace said. Siya sana kasi ang magbubukas kaso pinutol siya ni Lyn.
" Wew she's acting really weird, dunno what to say," I said out of nowhere then drink my coffee. Yeah naging hobby na namin ito, pag kumain ng tuyo paparesan namin yan ng coffee, you can try it, its pretty perfect hmmmm.
" Yiieeee so excited na mabuksan ito ackkk!" Masayang bungad ni Lyn sa amin habang nakangiti pa ng wagas. Weww what's with that?
" Ano pala yan?" Usisang tanong ni Jane sa kanya. Ngumiti lang ito ng wagas saka nilapag yong plastic na bitbit niya.
" Hmmm hilaw na mangga with bagoong na maanghang ackkkkk so yummyyy ^_^ " masayang tugon niya sa amin.
Ano nga uli sabi niya?
Mangga na may bagoong?
Goshh? What's with her?
What kind of craving is that?
" Say what?" Gulat na tanong ni Annah habang nakangiwi pa ito, seems nagulat din siya, di lang siya dahil halos lahat kami.
" Sabi ko Mangga na may bagoong," sagot niya sabay open sa supot, may isang transparent plastic tupperware na may mangga na already to eat na, saka may isang lalagyan din na may bagoong.
" Yesss! Then some ice creams, it's perfect! " Masayang sabi niya saka pumunta sa refrigerator at kumuha ng isang round ice cream, cookies and cream flavor. Parang di ko gusto yong gagawin niya next brrrrr!
Napatakip ako sa ilong ko nung binuksan niya yong bagoong, ang sangsang ng amoy. Tiningnan ko sila, di ko alam if tatawa ba ako or what? Halos sila nakatakip sa mga ilong nila at nandidiri na expression sa mukha.
Halos na freeze lang kaming lima habang tinitingnan si Lyn na masayang masaya sa kanyang ginagawa.
Umupo na siya saka inamoy lahat at nag-reready na para sa isang labanan.
" Guys, gusto niyo?" Alok niya sa amin para matauhan kami at natataranta na umaayaw sa kanya.
" Nahhhhh! "
" Sayo na lang yan"
" Go, eat"
" We're still full, busog pa kami,"
Samut saring sagot namin, ewan matatawa ka na lang siguro sa mga inakto namin. Napapangiti ka na lang sa mga reactions.
She get one piece of the mango then deep it to the bagoong, grabe yong expression niya yun bang takam na takam na sarap na sarap pero
" Don't tell me errrr," Joli.
" I can't take it anymore, gonna go upstairs bye," Grace.
" Hugasan ko lang yong pinggan," Annah.
" Maliligo muna ako," Jane.
At nagtatakbuhan na silang apat, ako na lang at si Lyn ang natitira dito.
" Don't tell me Elle, pati ikaw din aalis?" She asked. I saw in my bare two eyes how she put mango with bagoong on her ice cream and took it. Her expression seems satisfying, goshhh it's kinda so weird. Anong lasa kaya niyan, strawberry ice cream, with sour mango, then a taste of bagoong salty and chilli, what a weird combination grrrr!
" Yeah, I think I need the comfort room, enjoy your food ciao," sagot ko sa kanya at patakbong pumunta sa CR umayyy, parang binaliktad ang sikmura ko. What's with her talaga? Nasusuka ako talaga ackkkk! Helpppp!!!!