CHAPTER TWO:

Cleaning Operation

Lyn POV

Nagising ako dahil sa ingay ng mga kasamahan ko dito pshhh!

Humikab muna ako bago bumangon. Naghilamos muna ako at nagmumog bago lumabas sa kuwarto.

" Hoy Elle diba ikaw mag saing ngayon?"

" Tongno bat ako? Ako kaya kahapon nagsaing Rayhanna, diba Joli?"

" Ewan basta tapos na ako maghugas ng plato, k dot!"

" Tas ehh di sino mag saing ngayon?"

" Ehh di ikaw, ikaw na dyan Girl. Masarap ka naman mag saing eh HAHAHAHA,"

" Mga langya, as if my choice pa ako diba tsss!"

Napa iling na lang ako habang bumaba ako sa hagdan. Oo nasa isang bahay lang kaming anim pero iba-iba ang kuwarto namin.

" Ohh ayan gising na pala si sleeping beauty," pansin sa'kin ni Jane habang umiinom ng kape habang nanonood ng tv kasama si Joli at Elle.

" Magandang umaga din Jane," sarkastik kong sabi sa kanya at dumiretso na sa kusina.

" Hoy Lyn ikaw maglinis ngayon!" Sigaw ni Joli. Di na lang ako sumagot at pumasok na sa kusina.

" Good Morning Annah " bati ko sa kanya nung nakita ko siyang nag cucup ng rice sa rice cooker.

" Good Morning din Lyn, may chocolate pancakes na ginawa si Grace diyan," sagot niya naman.

Ngumiti na lang ako at nag timpla ng coffee latte. Si Grace kasi ang hilig mag luto sa amin. Kaya nga chef ang kinuha siya para ipagpatuloy ang kahiligan niya.

" Speaking of Grace, nasa'n pala siya? Bat di ko napansin sa baba?" Tanong ko sa kanya habang umuupo na at kinukuha ang pancake daw ni Grace.

" Nasa labas, sa kanya kasi ang pagdidilig sa garden ngayon," sagot niya habang umuupo na din.

Tumango tango na lang ako.

Today is Saturday kaya wala kaming pasok. At sa tuwing walang pasok ganito kami, may naka assign na agad na mga gagawin namin dito sa bahay.

Pag ka sunday naman 'yan ang araw namin para sa preparation of school para sa monday. Gaya ng paggawa ng mga assignments, projects, study and so whatever. Para pagka-monday, okay na lahat wala ng problema.

Few minutes, pagkatapos kong magkape at kumain ng pancakes ni Grace, legit masarap siya!!!!

Tinali ko muna ang buhok ko into ponytail saka nagsimulang mag linis sa bahay.

Di naman siya mahirap dahil may vacuum cleaner tas di naman gano'n kadumi ang bahay namin. Magwawalis ka lang gano'n.

Sa sala, kusina, sa veranda, mini library at sa banyo lang naman lilinisan ko. May kaniya kaniya kaming CR sa kwarto namin pero may extra CR kami dito sa baba para sa mga bisita or sa amin din.

Just imagine, ihing ihi ka na tas aakyat ka pa para umihi, ewan ko lang kung di ka makaihi niyan HAHAHAHAHA.

Pero sa kwarto namin, kanya-kanya na kaming paglilinis. Depende na 'yan sayo kung ano ang ayos ng room mo.

About sa paglalaba ng damit namin, nag papa-laundry lang kami. Diba iba talaga pag sosyalin ang mga kasama mo.

" Hooh I'm Donnnneeee!" Sigaw ni Grace ng pagkabukas ng pagkabukas niya sa pintuan.

Kala mo talaga kung ano ang ginawa, nag dilig lang naman ammmp HAHAHAHA.

" Guys nilinis ko na din ang pool baka want niyo ding magtampisaw sa ilalim ng araw?" Tanong niya habang paakyat sa hagdan.

" Wala kayong date ni Zander ngayon?" Tanong ni Joli sa kanya.

Huminto muna siya at humarap sa amin habang nagwawalis pa din ako.

" Ewan, wala naman siyang sinabi sa'kin," sagot niya at dumiretso na sa taas.

" Bat kayo Joli meron?" singit na tanong ni Jane at kinuha ang remote para ilipat sa kabilang channel ang pinapanuod.

" Mamayang 10, manonood kami ng sine," sagot ni Joli.

" Kami mamayang gabi pa 8 pm," habol na sagot ni Annah na galing sa kusina.

Tinapos ko na ang pagwawalis at umupo na din sa kabilang sofa. Sana all diba *-*

" Ako din, date with my books till the day end," sabi ko sa kanila sabay kuha sa librong babasahin ko na naman. A

" Ewan ko talaga sayo Lyn, buti di nasisira mata mo dyan noh," Joli asked while nanunuod ng palabas.

" May eye protector kaya ako," sagot ko naman sa kanya.

" Kung saan ka masaya girl, go na lang kami. Pero pag gustong gusto muna magka-jowa just call us and We'll be there," ewan ko kung nang aasar ba 'tong babae na ito Aishhh!

" Alam niyo naman wala pa akong plano dyan. Study first muna," kindat ko sa kanilang sagot HAHAHAHAHA.

" Whatever," sabi na lang ni Joli at nanonood ng taimtim.

Ako lang kasi sa amin ang single kaya out of place na naman ako when it comes in relationship pero buti na lang books save me yiiieeee HAHAHA

Si Jane kasi may jowa yan kaso nasa ibang bansa kaya LDR muna sila. Hanggang skype, call at text muna sila ngayon.

Tas yang si Annah ganyan ganyan lang yan. Pero, she's dating one of the hottest boys in our school.

Si Joli naman, ewan kung mag jowa na ba sila bat kasi ayaw pa sagutin kung pareho naman yung feelings diba. In short wala pang label pero wag ka nililigawan lang naman siya ng basketball captain ng school naman, diba antaray.

Saka yang kay Grace, sabi since birth na daw magkadugtong mga puso nila hehehe ibig kong sabihin, magkakabata na sila ng jowa niya daw so super duper magkakilala na sila niyan. Hindi taga school namin, his from a popular adonis school.

And Elle Yeahhh Si Frank nga ang bass member ng banda ng school namin. Hoping na sana ma-fix na nila ang problema nila.

Sinilip ko si Elle habang nanunuod ng TV, tumawatawa tawa din ito pero di niya talaga matatago ang pagkalungkot ng kanyang mga mata.

Minsan napapatigil ito sa pagsabay sa kanila at napapayuko. Laban lang Elle.

And last but not the least, syempre ako. Ang ako na taga sandalan at taga comfort sa kanila. Ang ako na walang ibang mahal kundi ang aking mga libro.

Diba ang bongga ng mga jowa nila. Hindi basta basta. Pero ako di na umasang makakaranas ng ganyan, syempre iba ako sa kanila eh. Ang layo.

" Witweewww!!! "

Naagaw ang pansin namin no'ng nag whistle si Annah habang nakatingala.

Nakita namin si Grace na naka pampaligo attire. Naka shades, sport bra and sport short na may bitbit na towel. Take note, pink lahat.

" OHH MY GOSSHH! WHY DO I FORGOT IT, MY DEBUT IS COMING!!!" Biglang sigaw ni Jane habang tumitingin sa phone.

Napahinto naman kami at napaisip.

Today is September 12 then Jane Birthday is on September 18. Umay malapit na nga tas debut pa yan Yiieee. With in a week na lang pero wala pang plano. Patay add to do list na naman!

" OMGG OO NGA UWAHHHH!"

" WE'RE SO EXCITED."

" TAS DEBUT PA NA YAN GIRL OMO! WITH 18 FLOWERS AND 18 CANDLE NA YAN KYAAAAHHHHH! "

" Hoy tumigil nga kayo sa kakatili, sakit sa tainga,"

" Sorry Lyn but I'm so excited."

" And speaking of that may party talagang mangyayari at dapat Lyn nando'n ka talaga no buts! "

O--O

Sinasabi ko nga ba eh HUHUHUHU good luck na lang talaga self -_-