Chapter 27

"See that mountain ranges? It serves as the border of Cerro Roca to the north. It's an ancestral home to a native tribe. They're very territorial that's why outsiders are prohibited. I barely got out of that place alive," kuwento ni Langdon habang nagmamaneho.

Pagkatapos niyang ma-discharge sa ospital ay agad siya nitong niyayang lumabas. Long ride raw and the rest will be a surprise. It will fasten her healing daw kaya sumama siya pero kahit hindi siya nito sabihan nang ganun ay sasama pa rin naman siya.

Mula sa pagtanaw sa bulubundukin ay mabilis na napunta dito ang tingin niya. "What? Nakapasok ka diyan? It's so dangerous! Paano ka nakalabas?"

Langdon smiled while remembering something. "I got a friend. Siya ang tumulong sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya, baka wala na ako rito. Lucky Langdon."

"Bakit ka pala napunta doon?" curious na tanong niya sabay bukas ng chocolate drink. Nilagyan niya ng straw ang isa bago ibinigay kay Langdon at nagbukas ng panibago para sa sarili.

"It's some sort of a dare from my sibling. That woman, Cahil, dared me to go up there knowing I don't know that it's prohibited. She really wanted to kill me."

"You adore her," nakangiti niyang sambit. "And you miss her."

"I do. All the time. All brothers are like that when it comes to their younger sisters."

"I can relate. Kayong mga kuya ay napaka-protective rin. Halos ayaw na nga akong palabasin ng kuya ko sa tuwing nasa bahay ang mga kaibigan niya. And the curfew. Mas mahigpit pa siya sa parents namin. One time, his friend invited me to his sister's party. Children's party na iyon pero hindi niya ako pinayagan so I sneaked out."

"Ah, so you're a pain in the ass."

"Hindi, ah. Unang beses ko lang iyong ginawa sa buong buhay ko. Kasi naman, the party's theme is llama. It's llama! When I was a child, I am so obsessed with them. I had my entire room transformed into a llama-themed one time. Ang cute cute kasi nila. Noong nalaman ko na iyon ang theme ng party ay gumawa na agad ako ng paraan para makatakas kahit nakokonsensiya ako."

"And here I thought you're a one good kid. Pasaway ka rin pala. Well, I can also relate. Didn't I tell you I have that cliche nickname?"

"What, iyong black sheep of the family?"

A corner of his lips twitched into a smile. "So you're not really sleeping that night. You were listening."

Nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize niya na nadulas siya. And oh, he caught her so good in his trap.

"Being named a black sheep of the family is not really that bad, Lang. You are the kindest black sheep of the family I know. You protect me, you give me roof to stay, you feed me, you save me, and most importantly," Itinaas niya ang hawak na maliit na karton dito. "You give me this. Kaya dapat palitan na nila ang pangalan mo. Gawin na nilang white sheep of the family."

He snickered. "You have a good way of bloating my pride. Continue doing it and I might consider giving you more of me."

"Hmmm, I wonder kung ano iyon." Ibinaba niya ang iniinom saka ibinuka ang mga kamay patungo rito at pinagdikit ang gilid ng mga ito para magsilbing sisidlan. "Maybe, your heart?"

Nang tumingin ito sa kaniya mula sa pagkakatutok sa daan ay nahihiyang ngumiti siya saka inayos ang salamin sa mata. "Sorry, nakalimutan kong kasal ka na pala."

Langdon scoffed. "You know why. You heard all of it. Don't lie."

She looked at the view outside the window and nodded. A long silence settled in the air. She decided to drop the topic to begin another one.

"Saan ba talaga tayo pupunta, Lang? Lilibutin ba natin ang buong Cerro Roca o may iba tayong lugar na pupuntahan?"

"Ikaw? Saan mo gustong magpunta? To be honest, I don't have a place in my mind. Let's just go to wherever you want."

Hindi na niya kailangang mag-isip. Isang lugar lang ang gusto niyang puntahan ngayon din.

"You have any dream place? Let's just go there."

Nginitian niya si Langdon habang ang utak ay kanina pa naglalakbay sa lugar na sinilangan.

"Monte Vega," ang wala niyang paligoy-ligoy na sagot. "Gusto kong magpunta doon," wala sa loob na sambit niya. Ibinaba niya ang bintana ng kotse at hinayaang pumasok ang malamig na hangin sa umaga. Alas-nuwebe na pero hindi pa rin mainit, isa sa mga nagustuhan niya sa Cerro Roca.

The winding roads are filled with a number of cars most of which are carrying agricultural produce to be sold to the other cities. On either side of the road are big boulders of rock extending up until a few kilometers away until it gives way to strings of pine trees ahead.

"Monte Vega? It's just next to Sevilla. Kung gusto mo ay pumunta tayo doon ngayon din."

"Hindi na. Nabalitaan ko kasi na wala na rin doon ang gusto kong bisitahin na lugar. Alam mo iyong falls na walang pangalan? Nalaman ko mula kay Andrea na sarado na iyon sa public. Nabili na yata ng isang developer ng housing."

Malungkot siyang tumanaw sa labas. Isa-isa na ngang isinakatuparan ng mga Asturia ang matagal na nitong plano sa Monte Vega. Nauubos na rin ang mga lugar doon na dati ay pinangangalagaan at pagmamay-ari nila.

"Then let's just go my way then."

Tumigil sila sa gilid ng isang malaking rock formation sa tabi ng bundok. Karaniwan na raw itong dinadayo ng mga rock climbers mula sa iba't ibang panig ng bansa.

"Lang, picture tayo."

Hinila niya ito palabas para makapag-selfie sila. Nagpaunlak ito ng ilang shots pero nang mapagtanto nito na hindi na siya tumitigil ay inakbayan siya nito at kinuha ang cellphone saka lumayo ng ilang metro.

"You stay there and I will take pictures of you."

Malaki ang ngisi sa mukha na pumuwesto siya ng tayo at nag-peace sign. Sa gulat niya ay ibinulsa nito ang cellphone niya at kinuha ang sariling cellphone at iyon ang ginamit para kuhanan siya ng pictures.

"I think you should take off your jacket, Cin. It's blocking your beautiful dress," tukoy nito sa light yellow spaghetti strapped dress na suot niya na hanggang sa binti niya ang haba.

Hinubad niya ito at ibinigay rito. Ito pa nga mismo ang nag-ayos ng strap niya sa balikat at nagdesisyon na ilugay niya ang mahabang buhok.

"Should I take off my glasses too?" tanong niya nang hindi na mawala ang tingin nito sa mukha niya.

"A-Ah, n-no. You look so cute and phenomenal in it." Kumurap ito ng ilang beses bago tumikhim at sa nagmamadaling kilos ay bumalik sa posisyon nito kanina.

Nagtataka man sa naging reaksiyon nito ay hindi niya na iyon binigyan pa ng ibang kahulugan. Ibinigay niya ang pinakamatamis na ngiti sa camera.

"Another one." Itinaas nito ang isang daliri sa kaniya.

"More!" he clamored but her lips are already tired from too much smiling when they don't even have a nice decent picture together.

"Tayo naman, Lang." Patakbong lumapit siya rito at inagaw ang cellphone. "Picture tayo ng magkasama."

Nilagyan niya ng timer ang camera saka ipinatong sa isang bato. Tinuruan niya ito na mag-pose nang papaubos na ang oras.

"Ganito ba?" natatawang ginaya nito ang paglalagay niya ng kamay sa ibaba ng baba na parang sinasalo ang sariling mukha habang ang isang kamay ay naka-peace sign. "Puro ganito ang posing mo kanina. Advocate ka yata ng world peace, e."

Tumawa lang siya saka humawak sa braso nito. "Hawak ako a," paalam niya.

Langdon just laughed and smiled at the camera. Pagkatapos ay bumalik na sila sa biyahe. Huminto lang sila sa isang kainan sa daan para mananghalian.

Umulan ng malakas kaya tumigil muna sila at sumilong sa ilalim ng puno.

"You can take a nap here." He patted his thigh. "I'll just wake you up when the rain is tolerable enough for us to continue."

He reclined the seat and gently pulled her to him. Nagpaubaya siya rito at tuluyan nang nahiga. Kinuha nito ang jacket niya at ginawang kumot sa kaniya.

"Hindi ka ba mamumulikat?" nakatingala niyang tanong rito.

"No, don't worry about it."

"Mabigat ako. Sasakit lang ang hita mo," she insisted.

"Oh you're so slim, Cin. Ilang kilo ka lang ba? 42?"

"Grabe siya. Dagdagan mo naman ng kalahati."

"Kalahating kilo?"

"Oo."

"You're only 42 and a half kilos?!"

"Oo eh. Hehe."

"Puro ka kasi inom lang ng tsokolate. Try eating healthier food."

"Kumakain ako ng lumpia. May gulay doon."

Natatawa na lang ito na napapailing.

"You and your foolish reasoning. You're really the Cin I know."

Sumandig ito sa upuan at pumikit, ang isang palad ay nasa kaniyang balikat at magaan siyang tinatapik na parang nagpapatulog lang ng bata.

"Ikaw yata talaga sa ating dalawa ang inaantok, Lang. Tingnan mo o, naghihikab ka na."

Ngumisi lang ito saka kinurot ang pisngi niya. "Sleep. You're too noisy."

Inabot niya ang kamay nito na nasa pisngi niya at ipinagsalikop sa kamay niya saka hinalikan ang kamay nito. Dama niyang natigilan si Langdon pero hindi ito gumalaw o nagsabi ng kung ano. He just let her. Pinisil niya ang kamay nito saka nagpasalamat sa ulan. Nakatulog na siya sa kakatitig dito.

Ginising din siya ni Langdon nang tumila na ang ulan. They spend the rest of the day just talking about their childhood, of some of the random things they could talk about, and of course, stopping by an eatery to take a break and eat.

Nalaman niya na graduate ito ng Computer Science sa Spain bago ito bumalik sa New York pero hindi na nito iyon napractice. Mayroon din raw itong mga alagang exotic pets dati noong nagbabakasyon ito sa Monte Vega.

Naghintay siya na banggitin nito ang tungkol sa mga kabayo na usap-usapan dati na sa Monte Vega na one of the finest raw pero hindi nito iyon nakwento. Even Nathan who is an enthusiast when it comes to horses shows his curiosity about Langdon's collection.

She also noticed that there's not a single mention of his family. It seems like he want to completely disregard them.

"You have your animals while I have my musical instruments. Meron akong piano, cello, at violin. I used to play a lot pero hindi na ngayon. Naibenta na namin lahat para sa everyday expenses namin."

Her tone doesn't have any hint of bitterness in it, just pure acceptance of their fate. Gusto niyang makabalik sa dating buhay para sa mga kamag-anak hindi dahil sa kayamanan na dati ay tinatamasa nila.

"I wish you could play some for me."

"Sure, Lang. Kaso kinakalawang na ako. I'm not as good as I am before."

"Okay lang iyon," he assured her. "Hindi ko rin naman mahahalata. I'm tone deaf."

Natawa silang dalawa sa sinabi nito. Nang makita ni Langdon na makulimlim na ang paligid ay binilisan na nito ang pagpapatakbo. Maya-maya pa ay pumapasok na ang kotse sa isang malawak na mountain trail saka tumigil sa clearing na medyo pamilyar sa kaniya.

"We'll stay the night here. Wear your jacket. Napakalamig dito. I'll just set up our tent."

Nauna itong lumabas habang hindi pa rin maalis ang mata niya sa kapaligiran. There's something homey about the place. It's like she's been here before. Nagmamadali siyang bumaba matapos isuot ang jacket.

"L-Lang? A-Are we in M-Monte Vega?" nangingilid ang luha sa mga mata na tanong niya. "Nandito ba talaga tayo?"

He smiled at her while assembling the tent.

"We are at its border. This forest is technically a part of Monte Vega. Why? Are you that happy?"

"Oo naman." Dinama niya ang nag-iinit na mukha. "Sobrang saya ko." Tumakbo siya sa parang at ininspeksiyon ang mga puno. Kung hindi siya nagkakamali ay may mga iniwan silang mga magpipinsan na mga markings sa mga puno.

"Ito na nga iyon," bulong niya at napaiyak na lang nang makita ang mga pangalan nila na nakaukit sa puno. "Oh my lord. I'm here. I'm really here at Monte Vega."

Nagmamadaling bumalik siya kay Langdon na naglalagay na ng mga collapsible chairs mula sa trunk ng kotse.

"I'm here at Monte Vega. I'm really here," hindi pa rin makapaniwalang saad niya. She's only dreaming to be back here again and yet here she is.

"Yes you are," said Langdon, amused.

"Hindi talaga ako makapaniwala. Dati-rati ay dito pa kami naglalaro. Binibilang namin ang mga puno rito at isinusulat ang mga pangalan namin. At ngayon ay nakabalik na ako rito," bulong niya sa sarili. "Thank you, Lang. Thank you so much."

"Well, we don't have a choice. We had to make a detour to find a good place to sleep for the night and it's the nearest place I could think of."

She's not that familiar with the area but she's quite sure they passed several inns in the place.

The night came so they decided to put up a mat outside the tent. They both laid on it while looking up at the star-filled sky.

"Ginagawa namin ito dati ng mga pinsan ko kapag nagkakaroon kami ng pagkakataon na makatakas. Napaka-strict ng parents ko sa akin kaya noong hindi ko na talaga kaya ang inggit na hindi makita ang mga sinasabi ng mga pinsan ko na mga constellations, umiyak ako sa harapan ni kuya para samahan niya ako rito."

She lifted her finger and pointed at the sky to draw out an image from the scattered stars. "It's the Orion constellation, the great hunter. That's his belt, his head, his legs, his arms. Have you read a mythology story about him? Did you know that his life is a tragic..." Nabitin ang kaniyang sasabihin nang imbes na sa taas nakatingin si Langdon ay nakatitig na ito sa kaniya.

"Bakit?" she whispered, perplexed.

Parang noon lang din ito natauhan sa ginagawa. Tumikhim ito at natawa sa sarili. He snapped his finger and shook his head.

"What about Orion? How tragic his life is?"

"I think it's not necessarily tragic. It's just a consequences of his actions, of trying to challenge the gods. Actually there are many versions of Orion from different culture and their mythology stories..."

Matapos ang lagpas kalahating oras ng pagkukuwento rito ay kontento siyang ngumiti at muling iginuhit sa langit ang constellation.

"Wow, it took you almost an hour to talk about the Orion guy. Hindi naman halatang gustung-gusto mo siya. Must be hard to keep it to yourself for years."

"Kaya lang inaantok na ako," ani niya at umusod palapit dito.

He moved to take off her glasses and took her in his arms inside the blanket. Sa kalagitnaan ng kaniyang kaantukan ay may naalala siyang tanungin rito.

"Lang, meron ka rin bang dream place?"

"Hmmm. I'll spoil our date if I'll tell you."

Kinikilig na ipinikit niya ang mga mata sa narinig. Tinawag nitong date ang lakad nilang dalawa ngayon. He considered it their date. A freaking date.

"Lang, kapag ginising kita mamaya dahil naiihi ako samahan mo ako, a. Natatakot kasi ako. Takot ako sa dilim."

"Umihi kang mag-isa mo. Takot din ako sa mga multo rito," biro nito. "O 'di kaya pababain mo si Orion para samahan ka."

Nangingiting isinubsob niya ang mukha sa leeg nito. "Wala ka namang kinatatakutan, Lang. You're fearless."

"You don't know anything, Cin. Fearless people are the most coward deep inside."

Hindi niya na masiyadong narinig ang mga sinabi nito dahil tuluyan na siyang nakatulog sa loob ng yakap nito.