Chapter 24

Animo sasabog ang dibdib niya sa sakit habang nasa loob ng taxi. Her ears kept ringing. Her hands are numb and shaking.

Lang, am I too late? Please... Don't let him be married. Please Lord, paabutin niyo po ako, sa loob loob niya.

"Dito lang po manong. Bababa po ako."

Lumabas siya ng taxi at matulin na tinakbo ang daan papunta sa Edralin Church.

The door is still closed. Wala pa masyadong mga tao sa labas kaya hindi pa tapos ang seremonya. Makakahabol pa siya.

Pinahid niya ang namumuong luha at tinawid ang pathway para makaliko patungo sa nagsisilbing garden ng simbahan. Doon ay iilang hakbang na lang siya papasok sa pinto ng simbahan.

Hinawi niya ang puno ng santan at humakbang palabas nang marinig niya ang sigawan ng mga tao.

"No..."

She took five steps forward and felt her heart getting ripped into thousands of pieces at the sight.

The groom and the bride look so painstakingly good together. Nakaangkla sa braso ni Langdon si Yvonne na napakaganda sa suot na puting traje de boda. Her husband is equally dashing in his Barong Tagalog.

Husband.

Langdon is really someone's husband right now.

They were bathing with flowers thrown at them while talking to their proud parents and other family members. Naalala niya ang mga bulaklak na natanggap niya kaninang umaga mula rito.

Masayang-masaya ang mukha ng dalawa habang nakikipag-usap sa mga bisita na na nasa bungad ng simbahan.

The weather is so nice, just a bit of the sunshine and wind in place. Everyone is so happy except her who could not even move a single step.

Agad siyang nagtago sa likod ng halaman at sumilip na lang sa mga nangyayari nang maglakad na ang pareha papunta sa nakaantabay na kotse.

They are moving but everything for her is standing still. Ang nakangiting mukha lang ni Langdon ang tanging nakikita niya, ang mga mata na nagniningning habang nakatingin sa asawa. He never looked at her that way. Kahit kagabi ay hindi niya ito nakitang tingnan siya sa paraang ito.

Nang makasakay ang dalawa at tuluyan nang umandar ang kotse ay doon pa siya kumilos para sabayan ang mga ito. Naglakad siya sa tabi ng kalsada at sinundan ang prusisyon ng mga sasakyan.

She didn't dare run nor call for his name. She just slowly walked while staring ahead and processing everything that occured.

Nang makalagpas ang huling sasakyan ay doon pa siya huminto at pumikit. When she opened her eyes, she began running like crazy, arms in the fastest swing she could afford.

"Lang!" she shouted at the top of her lungs, tears pooling down her face. "Lang! Come back! Please! Please come back!"

Tigmak na ang buong mukha niya sa luha at naliligo na siya sa sariling pawis pero nagpatuloy pa rin siya sa walang direksiyon na pagtakbo.

Papaliit at papaliit na ang bumper ng huling kotse gaya ng tuluyang pagkapatay ng kung anumang pag-asa na natitira sa puso niya.

Finally she stopped and lifted her head to look at the clear sky. Ang ganda talaga ng panahon, nakikisama sa kakatapos lang na pagdiriwang.

"Pero paano naman ako?" bulong niya habang naghahabol ng hininga. "Kailan kaya ako pakikisamahan ng panahon? Kailan ako babalikan ni kuya? Kailan ako mamahalin ni Langdon? Kailan ako makakaramdam na buo ako?"

How could a very beautiful day end like this? Langdon gave her flowers. He gave her ten bouquet of flowers and even put a handwritten note on each one of them.

So why is he smiling from ear to ear while looking at his wife earlier? Why does he have to give her hope and then shatter it afterwards?

Bumalik siya sa plaza at namahinga sa lilim ng mga puno ng mangga. Kanina pa tumatawag si Andrea pero hindi niya ito sinasagot. Nagpadala lang siya ng text na may emergency siyang kailangang puntahan.

Pagkaraan ng ilang minuto ay tumayo siya at naglakad paikot sa simbahan. Dinala siya ng mga paa papunta sa dagat kung saan sila nagpunta noon ni Langdon. Naupo siya sa kaparehong spot na inupuan nila at tumitig sa malalakas na alon na humahampas sa hindi pa tapos na parte ng dike.

"Buti ka pa, naiintidihan mo ako ngayon. I'm in so much pain right now but your waves somehow calm me." Naaalala niya ang ikinuwento sa kaniya ni Langdon tungkol sa sirena. "If only I have an unfinished dike I can tear down for him to continue repairing it."

Pumikit siya at dinama ang hangin. Biglang lumitaw sa balintataw niya ang mukha ng kapatid.

"Kuya, nasaan ka na ba. Kunin mo na ako rito. Sunduin mo na ako." Niyakap niya ang sarili. "I'm cold... I'm hurt and there's no one I have right now. Kuya... Ayoko na rito. Please come home to me. Save me kuya just how you would always do."

Inalis niya ang salamin at itinapon sa dagat tapos isinubsob ang mukha sa mga kamay at humagulhol.

Sumapit ang hapon na wala pa rin siya sa tamang huwisyo. Kanina pa mugto ang mga mata niya at wala siyang ganang kumain. Tumayo siya at naglakad na naman ng walang patutunguhan.

"Bakit ba ako nandito?" bulong niya sa sarili at tiningala ang mataas na building ng Fuentebella Hotel kung saan ginaganap ang reception ng kasal.

"Ma'am, guest po ba kayo ng mga ikinasal? Pumasok na po kayo sa venue. Ilang oras na po kayong late. Malapit na po iyong matapos," ang sabi ng guard na lumapit sa kaniya nang mapansing kanina pa siya nakatitig sa entrance.

"Ah, hindi ako bisita kuya. May hinihintay lang po ako rito."

"Ganun po ba. Sa loob niyo na lang po sa lobby hintayin ma'am. Mukhang uulan po kasi. Ang dilim ng langit."

Nag-angat siya ng tingin. Nagsisimula na ngang maipon ang itim na ulap sa iilang parte. Napangiti siya nang mapait. Heto na nga at kinakasihan na siya ng panahon.

"Salamat po kuya."

Pumasok siya sa loob ng hotel at naupo sa upuan sa lounge area. Sa harap nila ay ang malaking screen kung saan may coverage sa kasal kanina. Ipinapalabas ang mga baby at teenage pictures nina Yvonne at Langdon.

Muntik na siyang mapaluha nang lumabas ang isang larawan nito na naglalaro ng polo sa lupain ng mga Asturia sa Monte Vega. She was instantly reminded of the young Langdon on his horse while she peeped beside the bushes.

Sumunod ang mga photos ni Yvonne na tumutugtog ng piano. She can also do that. She can easily do that. Bigla ay naisip niya ang dating buhay. Siguro ay magkakaroon siya ng mas malaking chance sa binata kung nasa kaniya pa rin ang dating social status. Baka ang kanilang kasal pa ni Langdon ang maghihilom sa matagal ng alitan ng dalawang pamilya.

The camera panned to an earlier recorded footage and showed the guests roaring and requesting for a kiss from the couple. Both smiled then Langdon cupped Yvonne's face and kissed her torridly. Hindi na niya nakayanan ang pinapanood kaya tumayo siya at tumakbo palabas ng hotel.

Gabi na at umuulan sa labas pero hindi niya iyon inalintana. Mas mabuti nga iyon para maitago niya sa mga tao ang pagluha. Madilim pero parang mas madilim ang loob niya. Maulan pero mas ramdan niya ang unos sa kaibuturan niya. Malamig pero mas malamig ang puso niyang nagdurugo.

She stepped into the rain and let her tears flow. Tinanggal niya sa tali ang mahabang buhok at naglakad nang blangko ang utak. Gumuhit ang kidlat at dumagundong ang kulog pero hindi siya natakot. Dati-rati ay kailangan niyang yakapin ang kapatid para mawala ang takot niya sa tuwing umuulan pero ngayon, wala siyang maramdamang iba kundi ang hapdi lamang sa dibdib niya. Para bang may naghuhukay sa loob niya, binubutasan ang puso niya hanggang sa mamaga ito at maimpeksiyon.

Tumitila na ang unos nang makarating siya sa tulay na nagdurugtong sa Cerro Roca sa Monte Vega. Jam packed ang traffic dahil sa dulas ng daan at sa mga nakasarang lane na kinukumpuni.

Tumigil siya sa paglalakad sa gilid ng daan para titigan ang lawak ng dagat na naghihiwalay at nagdurugtong sa Cerro Roca at sa Sevilla na kanugnog lang ng Monte Vega. Inililipad ng hangin ang medyo tuyo niyang buhok at ang basang damit.

"I miss you so much my Monte Vega." Ngumiti siya na nauwi na naman sa pagtangis. "I've failed to make him love me," pagsusumbong niya rito. "In the end, he still married another woman."

Wala sa sariling inihakbang niya ang mga paa patawid para makarating siya sa ibayong lane. A blinding headlight followed by a loud honk intercepted her but she wasn't fazed at all. Parang walang narinig na tiningnan niya ang kotse sa harapan gamit ang walang buhay na mga mata.

She blinked once, twice, and thrice before letting her tears fall once again. Pinaglalaruan ba talaga siya ng tadhana o paborito lang siyang biruin nito? Kahit wala siyang suot na salamin, nakakaaninag siya nang maayos sa malayo kaya nakikita niya si Langdon kasama ang asawa nito sa loob ng kotse. They look so good with their wedding clothes on. Must have been on their way to their honeymoon, their first night together.

Muling bumuhos ang maliliit na butil ng ulan habang nasa gitna siya ng tulay at umiiyak na nakatitig sa lalaking mahal na mahal. Hindi niya makita ang reaksiyon nito at iyon ang isa sa ipinagpapasalamat niya. She can preserve Langdon's memories in her mind just the way she wanted to.

"Marry Yvonne? I don't want to. I won't marry her. Kung may gusto mang akong pakasalan, it's Cas. Only her... But..."

Hindi pa rin inihihiwalay ang titig kay Langdon na dahan-dahan siyang naglakad paatras papunta sa sirang parte ng tulay.

"Your feelings will not be my responsibility. We were not committed to each other. Suit yourself. With what you're doing, you're letting me step on you."

Pumikit siya at ikinuyom ang mga kamay.

Don't you really care for me, Lang? I wonder if you would do something...

She wondered if he will also take responsibility for her feelings contrary to what he said.

If you try to save me now, I'll swear I'll be by your side forever.

Nilingon niya ang karagatan na nangingitim na. It looks inviting. Parang tinatawag siya nito. Parang gusto siya nitong payapain sa lahat ng sakit at pighati.

Dulot na rin ng gutom, pagod, at paninikip ng dibdib, nagpatianod siya sa mga paa hanggang nasa tapat na siya ng sirang railings. Naging mas marahas ang hangin. Lumakas din bigla ang mga patak ng ulan. Nilingon niya si Langdon na nakababa na sa kotse at tumatakbo papunta sa kaniya dala ang isang payong.

Tumulo ang mga luha niya saka hindi inihihiwalay ang tingin kay Langdon na nagpatihulog sa tulay at walang pagdadalawang-isip na tumalon sa dagat.

"Cin!"