Chapter 21
The next day, Langdon locked himself in the room again. Hindi na ito lumabas kahit anong katok ang ginawa niya. She's bored so she decided to go out of the neighborhood. Gaya ng una at ikalawang bahay na natirahan nila, this one is also only on its developing stage. Ang layo ng mga bahay sa isa't isa at marami pang mga bakanteng lote.
Dahil walang magawa ay nagpasya siyang lumabas sa subdivision. Maghahanap lang siya ng street food. Alas-kwatro na ng hapon pero hindi pa siya nanananghalian. Wala siyang gana dahil buong araw niyang hindi nakita ang binata.
"Ganito ba talaga pag in-love? I don't have energy to do things when I can't see him."
Paglabas niya sa guardhouse ay agad na namataan niya ang isang kariton na nagbebenta ng samalamig at turon. Excited siyang tumawid para bumili.
Tumayo ang babae na kasing-edaran niya na nakaupo sa sidewalk para asistehan siya. Nakasuot ito ng lumang t-shirt at pajama at may nakasampay na maliit na towel sa balikat. Payat ang babae, maganda, at maitim ang kutis dahil sa pagbibilad sa araw. Matagal niyang tinitigan ito. May kamukha kasi ito sa mga pinsan niya. Magaan din ang loob niya rito.
"Salamat," nakangiti niyang tinanggap ang mga pagkain at umupo katabi rito sa kalsada.
"Bakit dito ka nagbebenta? Walang masyadong mga tao na dumadaan dito. Bakit hindi ka dun sa plaza?"
Pinahid nito ang pawis sa noo gamit ang tuwalya. "Doon ako nakapwesto noong una. Pinaalis nila ako doon kasi hindi daw ako nagbibigay ng renta sa leader nila. Kaya dito na lang ako. Matumal ang kita pero tahimik at walang nanggugulo sa akin."
Naawa siya rito. Oo mahirap ang naging buhay niya pero isang tingin pa lang niya sa babae ay masasabi niyang mas mahirap ang pinagdaraanan nito sa kasalukuyan.
"I'm Alcindra. Anong pangalan mo?"
"Karina."
She smiled while eating her turon. "Karina," ulit niya. "What a nice name. Alam mo bang may tito ako na gustung-gustong magkaanak ng babae tapos Karina daw ang ipapangalan niya. But sadly, he didn't have a daughter that's why he loves all his nieces. He spoiled us so much." Binalingan niya si Karina. "Nice meeting you, Karina."
Nahihiyang ngumiti ito sa kaniya. Nagtagal pa ng ilang minuto ang kanilang pag-uusap bago niya napagpasyahang umuwi. Pero bago iyon ay pinakyaw niya muna ang natitirang tinda nito.
"Salamat, Cin. May ulam na ako na maiuuwi."
"Walang anuman." Kumaway siya rito at patakbong tumawid.
Binigyan niya ng pagkain ang mga guards bago bumalik sa bahay ni Langdon. Pagbukas pa lang niya ng pinto ay dinig na niya ang boses nito.
"Cin! Cin! Cin..." paulit-ulit na tawag ni Langdon na nasa sahig at nakauklo habang hawak sa kamay ang bote ng alak.
Inilagay muna niya ang pagkain sa kusina saka binalikan ito na nakalugmok na sa carpet. Kumuha siya ng unan at kumot para maging komportable ito.
"Cin. Cin. Cin."
Nakapikit itong hinahanap ang kamay niya. He's totally wasted she wondered if how many bottles of liquor he consumed this time.
"Yes, Lang. Andito na ako." She held his hand and laid it to her lap.
"Where did you go?" he asked and squeezed his face to her waist area.
"Sa labas. Kumain ako ng turon at samalamig. Bumili rin ako ng para sa iyo. Gusto mong kumain?"
"Hmmm." Iniyakap nito ang braso sa bewang niya. "I'm not hungry."
She brushed his hair aside and stared at his flushed face. He reeks of alcohol and he's obviously not the Langdon she knows. This one is very clingy which she likes.
"Cin, bakit hindi mo pa ako iniiwan? You should go. Leave me already. I will just hurt you. Save yourself from me. Please."
"I love you, Lang. You don't know how much I love you I'm willing to be hurt just to be with you. I will do anything for you. Okay lang kung masaktan ako kung makakasama kita."
"They all left me. All those who said will stay left me in this world," parang batang sumbong nito.
Her heart pains to see him like this looking like a lost child.
"You will marry Yvonne. Hindi ka na mag-iisa kapag nangyari iyon." Nagsimulang mag-init ang gilid ng mga mata niya pagkabanggit sa salitang kasal.
"Marry Yvonne? I don't want to. I won't marry her. Kung may gusto mang akong pakasalan, it's Cas. Only her... But..." Humina ang boses nito na waring may gusto pang idugtong.
"Go on," udyok niya rito kahit masakit na ang kaniyang lalamunan sa kakapigil sa pag-iyak. Hinaplos niya ang pisngi nito sa nanginginig na kamay.
"I remembered the first time I met her. It was on a party of an Alcantara, our enemy. I didn't see her face but I danced with her, spent the entire night with her just talking. I met her the day after, and I saw the most beautiful woman I have ever seen in my entire life. She's perfect. Cas is so perfect."
"Talaga?" Pinahid niya ang mga luha at tumikhim. "She must have been so beautiful, Lang."
Gumalaw ito para tumihaya. "She is. Cin reminds me of her. Ah, that girl." He laughed. "She's so persistent. That cute conservative little one."
"Bakit hindi na lang siya... Bakit hindi na lang si Cin ang mahalin mo, Lang?"
Tumagilid ito ng higa at hinanap uli ang kamay niya. "Then I'll be breaking a promise. I promised one thing to her grave that I'll never love anyone else. And even if I do, I don't have feelings for Cin. That pitiful lovely girl."
Gusto niyang umalis na dahil hindi na niya kinakaya ang sakit. Para siyang sinasakal. Masyadong mabilis ang pag-ikot ng mundo na parang lalamunin na siya ng buhay nito.
"Napag-aaralan ang pagmamahal, Lang. Maybe..." Her voice grows faint. "Maybe if you just knew her, you'll love her. Why don't you try, Lang?"
He shook his head a few times. "I can't. Hindi ako ang tipo ng taong nagpapaasa. Cin is better off without me. Nasaan na ba iyon? Bakit hindi pa siya umuuwi?"
Pinigilan niya ito nang sinubukan nitong tumayo.
"Cin is home already. She's asleep."
"Good. Baka mapahamak pa iyon."
Tuluyan na itong nakatulog sa tabi niya habang hawak niya ang kamay nito. Wala pa ring patid ang pagtulo ng mga luha niya. Tiningnan niya ang natutulog na lalake. Dahan-dahan niyang ibinaba ang mukha para halikan ito. Kasabay nang paglapat ng kaniyang labi sa pisngi nito ay ang pagtulo ng kaniyang luha sa labi nito.
"Tanggap ko nang hindi mo ako kailanman kayang mahalin. And it's okay. I'm okay. I will be okay. Love should not be forced. Love should be free."