Chapter 6

NAPANGITI si Randall nang makita ang dalaga na mahimbing ng natutulog sa kama. Nilapitan niya ito at umupo sa tabi nito. Bahagya niya pang inayos ang suot nitong roba dahil kaunting galaw na lang ay makikita niya na ang dibdib nito.

Kung ibang babae lang siguro ang kasama niya, siguradong kanina niya pa ito sinunggaban at hindi niya hahayaang matulog ito hangga’t hindi siya nakaka-score but Krystal is different. He found himself smiling just to look at her face.

Dahan-dahan niyang inalis ang tuwalyang nasa ulo nito. Ayaw niyang magising ito dahil baka makatikim na naman siya ng palo, sipa, o kurot mula dito. Gusto niyang buhatin ito at i-usog sa kabilang side para makahiga na siya sa tabi nito kaso ayaw niya nga itong magising kaya ipinagkasya niya na lang ang sarili niya sa maliit na space. Muli niya na namang pinagmasdan ang mukha ng dalaga.

First, she’s not really his usual type. Mas attracted siya sa mga babaeng sexy magdamit, but Krystal love wearing simple clothes.

Second, she doesn’t even put too much make-up on her face but he likes seeing his women na akala mo laging may pupuntahang photoshoot kung makapaglagay ng kolorete sa mukha.

Third, he hates it when girls shouting at him but Krystal is an exception and his mother, of course.

Fourth, ayaw niyang nakikitang umiiyak ito o kaya ay nasasaktan dahil mas doble ang nararamdaman niya. Kung hindi lang masama ang manakit ng pisikal sa mga babae, siguro ay bugbog na sa kanya ang mag-ina kanina at kung nakakamatay lang ang masasamang titig ay sigurado siyang patay na ang ex-boyfriend ng dalaga ngayon.

Bakit ba nito nagustuhan ang lalaking ‘yon? ‘Di hamak naman na mas guwapo siya doon at walang-wala ‘yon sa ka-guwapuhang taglay niya.

Fifth, he likes her. Hindi niya alam kung kailan nagsimula but his feelings are going stronger the more na nakakasama niya ito at mabilis niya itong nami-miss. It sounds gay but he doesn’t care. He likes this woman kahit alam niyang hindi siya gusto nito.

Nanigas siya nang gumalaw ito at niyakap siya. Sumiksik pa ito sa kanya.

“Damn!” mahinang mura niya.

Kung ibang babae lang talaga ito, kanina niya pa pina-ibabawan ito pero hindi. Natatakot siyang gawan nang kabalastugan si Krystal. Baka kasi magalit ito sa kanya at hindi na siya pansinin. Ipinikit niya ang mga mata niya at ilang beses pang napamura sa isip niya nang lalo itong sumiksik sa kanya at tinanday pa ang isa nitong hita sa kanya. He’s sweating now.

“Come on, buddy. Keep yourself still. This woman is not yet yours so please, behave,” he murmured to himself. He could feel his boxer shorts tightened.

***

ISINIKSIK ni Krystal ang katawan at mukha sa matigas na bagay sa tabi niya. Bahagya niya pang naamoy ang gamit nitong shower gel na ginamit din niya. Sobrang inaantok pa talaga siya kaya ayaw niya pang magmulat ng mata. Isa pa, napasarap ang tulog niya at walang distorbo this time.

Gumapang ang kamay niya pataas at pilit iminulat ang mata dahil hindi unan ang nahawakan niya, sigurado siya doon. Matigas na bagay ang ngayon ay binabagtas ng malambot niyang mga kamay. Abs?

Gumapang muli ang kamay niya pababa at napatigil lang nang may kamay na humawak sa palapulsuhan niya.

“Don’t dare to touch my buddy, sweetheart. Unless, gusto mo nang magkaroon ng anak after nine months.” Sa hindi malamang dahilan ay napamulat ang mata niya sa boses na nagsalita. Bahagya siyang nag-angat ng tingin at ang nakangiting si Randall ang bumungad sa kanya. “Good morning, Krystal.”

Mabilis na pinasadahan niya ng tingin ang posisyon nilang dalawa at agad siyang napaupo ng tuwid sa kama. Siya kasi ang nakayakap dito at nakatanday pa talaga ang hita niya, not aware na naka-robe lang siya and undies under it.

“Nonstop ang ulan, sweetheart. I think we need to stay here for another night. Hopefully, gumanda na ang panahon,” wika nito nang nakadapa at nakatingin lang sa kanya. “What do you like for breakfast?”

“Kahit ano na lang. I still want to sleep.” Tinignan niya ang oras. Yeah, six in the morning pa lang.

“Fine, let’s continue sleeping and cuddling,” pagsang-ayon nito at hinila siya pahiga ulit. Paralisado na naman ang katawan niya. Hinapit siya nito papalapit dito at niyakap. “My turn, sweetheart. Quota ka na, magdamag kang nakayakp sa akin.” Namula ang mukha niya. Hindi niya naman kasi alam.

Ilang oras pa siyang natulog at hindi na pinansin ang mga yapos ng katabi dahil mabibigat pa talaga ang talukap ng mata niya para bigyan pa ng pansin si Randall.

“Randall, wake up! Answer your damn phone,” paggising niya dito dahil kanina pa kasi nagri-ring ang phone nito hanggang sa nagising na lang din siya.

“Answer it, sweetheart,” he groaned and snake his arms around his waist.

“Hello?”

“Who are you!?”

“He’s still sleeping. Tawag ka na lang ulit mamaya.”

“Girlfriend niya ito. Why you have his phone? Where is he?”

“Siguro magkasama kami kaya hawak ko ang cellphone ng boyfriend mo? And I said, he’s still sleeping. Yeah.”

“Bitch! Give that damn phone to Randall!”

Aba, siya pa ang bitch ngayon!? Hindi siya magpapatalo dito. Naramdaman niyang gumalaw si Randall.

“Sweetheart, give me the phone,” sabi nito nang nakapikit pa. Siguro narinig nito ang galit na boses ng kasintahan.

“Oh!” Ibinigay niya dito ang cellphone at padabog na tumalikod ng pagkakahiga.

“Break na tayo. Bye.”

Napabalikwas siya at muli itong hinarap na nakapikit ulit at hinapit na naman siya.

“Bakit ka nakipag-break?”

Siya ba ang dahilan? Well, the hell she cares. Mas maganda ngang maghanap na lang ito ng ibang babae, ‘yung may manners.

“I don’t like her anymore. She’s possessive and I hate that,” sinagot siya nito kahit alam niyang inaantok pa din talaga ito. Bakit ba kasi ang sarap matulog kapag malamig ang panahon at umuulan?

Napayakap siya nang wala sa oras dito nang marinig ang malakas na kulog sa labas. Rinig pa din sa loob ng kwarto.

“Para kang bata.” Hindi niya ito pinansin kahit asarin pa siya nito. “Come closer, sweetheart.” Siya naman ay parang tanga na sumunod sa utos nito at nagkumot pa talaga sila.

Magkayakap lang naman sila. Walang malisya. Tingin niya ay gano’n din si Randall sa kanya dahil kung mayroon, kagabi pa siya nito pinagsamantalahan.

Ngayon, sigurado na siya that Randall doesn’t really like her. Well, the feeling is mutual.