Chapter 9: Present
Damon POV
"Nakakainis." Bulong ko saka hinagis ang cellphone na hawak ko.
"Anong meron?" Napatingin ako sa katabi ko na takang nakatingin sa akin, huminga ako ng malalim saka sumandal sa kinauupuan ko at nag cross arms sabay pikit ang mata.
"Walang lumalabas sa google kung paano mamatay ng di nasasaktan." Sabi ko, narinig ko ang pag ubo niya kaya naman napatingin ako sa kanya na nabulunan sa iniinom niya.
"Baliw ka ba? bakit ba gustong gusto mong mamatay?" Tanong niya, muli ko na namang narinig ang pag dasal niya at pag hingi ng patawad sa kausap niya. Ang babaeng ito, hindi talaga mawawala sa kanya ang pagka weirdo.
"Wala ka na doon." Sabi ko saka tumayo mula sa kinauupuan ko at kinuha ang telescope na nasa tabi ko.
"Sira ulo." Bulong niya saka napailing, sinilip ko na lamang ang telescope na hawak ko saka pinagmasdan ang minamanmanan namin.
"Nasubukan mo na bang mag patingin sa doctor?" Biglang tanong niya kaya natawa ako. Binaba ko ang telescope na hawak ko saka tumingin sa kanya.
"Nasubukan mo na bang itahimik ang bibig mo at wag mangealam sa mga bagay na wala namang kinalaman sayo?" Tanong ko, bigla siyang natahimik at umiwas ng tingin, natawa lang ako saka bumalik sa ginagawa ko.
"Ikaw palang kase yung taong nakilala ko na gustong gustong mamatay." Sabi niya kaya natigilan ako.
"Isa pa, noong unang araw na makita kita, akala ko kailangan mo ng tulong kaya tinulungan kita at pinigilan, pero hindi ko naman alam na gusto mo palang mag pakamatay." Sabi niya. " May ilang mga tao ang gusto pang mabuhay ng mahaba at makapag explore sa mundo na hindi na nabibigyan ng pagkakataon, may ilan na lumalaban para mabuhay pero ikaw--"
"Hindi ako sila, iba ako iba sila." Malamig kong sabi saka tumingin sa kanya ng blangko. "Wag mo akong pangaralan, wag mo din akong pakealaman sa gusto ko kung gusto mong tulungan kita." Sabi ko kaya napayuko siya.
"Hoy Damon, inaaway mo na naman ba si Erelah?" Dinig kong tanong ni Gazer na papalapit sa dereksyon namin, kasalukuyan kasi kaming nasa isang Park at kaya kami naririto upang gawin ang unang assignment naming dalawa ni Gazer na magkasama, walang kaalam alam si Erelah na kaya namin siya sinama dito ay dahil sa pakay namin, ang tanging alam niya lamang ay hahanapin namin ang pumatay sa tatay niya.
Hindi ako sumagot at pinagpatuloy na lamang ang ginagawa ko, ang mga babae, kung makasermon akala mo sila ang mga nanay namin, nakakabwiset, ayoko sa lahat ang pinapakealaman ang mga desisyon ko sa buhay.
Kung gusto kong mamatay wala na siya doon, hindi naman siya ang mamamatay.
"Erelah, inaaway ka na naman ba ng suicidal maniac na ito?" Dinig kong tanong ni Gazer kay pakealamera.
"Hindi, nag uusap lamang kami." Sabi ni Erelah kaya napairap ako at binaba ang teleskopyo saka tumingin sa kanilang dalawa.
"Inaaway ko siya, ano naman?" Tanong ko kay Gazer saka binitawan ang teleskopyo at kinuha ang maliit na bag na may lamang mga bomba.
"Kahit kailan talaga hindi ka gentleman, napaka--saan ka pupunta?" Tanong ni Gazer ng maglakad ako patalikod sa kanila.
"Mag papasabog ng galit." Sabi ko habang di sila nililingon. Agad akong lumayo sa kanila at ginawa ang pinag uutos ng demonyong bumubulong sa akin.
(Ano na Damon tapos ka na ba ha?) Napairap ako ng marinig ko na naman ang boses ni Havacco, isa sa mga kasamahan namin, kanina pa siya nag iingay at naririnig niya ang pinag uusapan namin ni Erelah. May device na naka-kabit sa akin para sa misyon naming dalawa ni Havacco, maliban sa misyon namin ni Gazer, may misyon din akong dapat tapusin, apat na misyon ang binigay sa akin, pag tapos nito ay maaari na akong umalis sa trabaho ko at gawin lahat ng nais ko.
"Pwede ba tumahimik ka? Papunta na ako sa target." Iritang sabi ko, narinig ko ang pagtawa niya dahilan para mas lalo akong mainis.
Lumiko ako sa isang iskinita dito sa park saka tumigil sa pag lalakad.
"Nakikita ko na sila." Sabi ko saka nilabas ang baril na nasa bag na dala ko, agad kong binitawan ang bag at kinasa ang baril.
(Unahin mo yung mataba, you have---)
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng agad kong binaril ang mga nasa harap ko.
(Fuck! Damon wala kang silencer?!)
Hindi ko pinansin si Havacco na nag mumura na, agad kong kinargahan ng bala ang baril ko saka muling pinag babaril ang higit sa labing limang taong nasa harap ko, napapikit ako ng may tumalsik na dugo sa mukha ko, natawa ako saka tumingin sa huling nakatayong lalaki na naka tingin sa akin at bakas ang takot sa mukha.
"Ikaw yung bumaril sa mayor tama ba?" Tanong ko sa lalaking nasa harap ko, akmang ilalabas nya na ang baril nya ng agad ko siyang paputukan sa kamay nya dahilan para mamilipit siya sa sakit.
"Bakit mo inagawan ng papatayin ang partner ko?" Natatawang tanong ko.
"Lumayo ka sa akin!" Sigaw niya ng mag lakad ako palapit sa kanya.
"Sinong nag utos sayo?" Tanong ko habang papalapit sa kanya.
"Lumayo ka sa akin!" Agad o siyang pinaputukan sa kaliwang paa niya dahilan para mas lalo siyang mamilipit sa sakit. Umupo ako sa harap niya habang may demonyong ngiti sa labi ko.
(Hoy Damon, tapusin mo na siya dahil paparating na ang mga police.) dinig kong sabi ni Havacco sa earphone na naka suot sa kaliwang tenga ko.
"Draco ang pangalan ng nag utos sayo tama ba?" Tanong ko kaya nanlaki ang mga mata niya, tama ang hinala ko, Tauhan sila ni Draco.
"Parang awa mo na, wag mo akong papatayin." Natatakot niyang sabi kaya natawa ako.
Tumingin ako sa baril na hawak ko saka muling tumingin sa kanya.
"Sige, pero sagutin mo muna ang tanong ko."Sabi ko habang nakatingin sa kanya ng seryoso.
"Paano mamatay ng hindi nasasaktan?" Tanong ko, kumunot ang nuo niya.
(Damon ano ba? Wag mo na idamay yan sa pagiging suicidal mo, patayin mo na yan!)
"H-hindi ko alam." Sagot niya kaya natawa ako ng pagkalakas lakas saka tinutok sa kanya ang baril.
"Masakit ba ito?" Tanong ko saka pinutok ang baril sa ulo niya, napapikit ako ng may tumalsik na dugo sa mukha ko, dahan dahan akong natawa habang nakatingin sa katawan niyang wala ng buhay.
(Umalis ka na jan, nasa Van na sila Gazer. Sa kaliwa ka mag lakad.) Dinig kong sabi ni Havacco pero hindi ko siya pinakinggan, umupo ako sa gilid at kumuha ng sigarilyo saka sinindihan.
(Hoy Daman ano ba?!)
Umihip ako sa sigarilyong hawak ko saka tumingin sa mga katawan na nasa harap ko.
(Damon alis na jan!)
Inalis ko ang device na naka kabit sa akin saka ito inapakan at hinulog sa butas ng kanal kung saan may rumaragasang tubig, Tumingin ako sa baril na hawak ko saka naka ngiting tinapat yun sa kaliwang braso ko at pinaputukan.
"AHHHHHHH!" Daing ko ng maramdaman ko ang pag pasok ng bala sa katawan ko, agad kong tinapon ang baril ko sa kanal na malapit sa akin kung saan ko din tinapon ang device na naka kabit sa akin kanina.
Napapikit ako at napatingin sa mga dumating, mga polis.
"May isang sebilyan dito." Napapikit ako saka napatingin sa polis na lumapit sa akin.
"Sir, may papadating ng ambulansya, Kilangan niyo pong kumalma." Sabi nito sa akin kaya napatango tango ako.
"Mga kasama mo ba sila?" Tanong nito sa akin, umiling ako at tumulo ang luha ko.
"N-napadaan lang ako dito ng mag simula ang putukan ng baril." Takot kong sabi, tumango tango ang polis saka tumingin sa mga kasama niya.
"Negative, hindi niya kasama ang mga lalaki." Natawa ako sa isip ko habang nakatingin sa kanila na nag kakagulo.