Chapter 10: Maid
How to die peacefully?
Search: Help is available
Speak with someone todayNational Center for Mental Health Crisis HotlineHours: Available 24/7. Languages: English, Filipino. 0966-351-4518
Napabuntong hininga ako ng yan ang lumabas sa google, tumingin ako sa nurse na nag aayus ng benda sa braso ko.
"Excuse me, ilang taon ka na nag ta-trabaho dito?" Tanong ko, tumingin siya sa akin saka napangiti.
"4 years po." Sagot niya kaya napatango tango ako, nakita ko pa kung paano niya ilagay ang ilang buhok na takas sa kanyang tenga saka nakangiting patingin tingin sa akin, kumunot ang nuo ko sa ginagawa niya.
"May mga naging pasyente na ba kayo na namamatay pero di nakakaranas ng sakit?" Tanong ko, Nakita ko ang pag kunot ng nuo niya.
"P-po?" Tanong niya.
"Ms. iwan mo na kami." Sabay kaming napatingin ng nurse sa nag salita, si Gazer kasama si Erelah at si Havacco. Kita ko ang naiinis na titig ni Gazer at Havacco sa akin kaya natawa ako, habang si Erelah naman ay nakatingin sa akin na nag alala.
Lumabas yung nurse na nag aayus ng benda sa braso ko, isang malakas na batok ang ginawad nila Havacco at Gazer sa akin kaya inis ko silang tinignan habang si Erelah naman ang nag patuloy sa ginagawa ng nurse sa braso ko.
"Siraulo ka ba ha? ano bang ginagawa mo sa buhay mo?" Tanong ni Havacco sa akin, pinanlakihan ko lang siya ng mata saka tinuro si Erelah gamit ang labi ko, mukhang na gets niya naman agad ang nais kong sabihin kaya huminga siya ng malalim.
"Erelah, pwede mo ba kaming kuhaan ng pagkain?" Tanong ni Gazer kay Erelah, tumingin naman si Erelah sa kanya saka ngumiti.
"Sige, tapusin ko lang ito." Sabi ni Erelah kaya naman tahimik kaming tatlo na nakatingin sa kanya at pinapanuod na tapusin ang pag lalagay ng benda sa braso ko, matapos nyang lagyan ng benda ang braso ko ay nag paalam na syang umalis para kumuha ng pagkain, umupo sa tapat ko si Havacco habang si Gazer naman ay nakatayo sa harap ko, huminga ako ng malalim saka sumandal sa hospital bed ko.
"Nawala ako sa sarili." Sabi ko, nanatili silang tahimik. Natawa ako saka umiwas ng tingin.
"Sa palagay ko ay bumalik ang sakit ko." Mahinang sabi ko, tanging ingay ng makina ang madidinig sa room kung saan ako na confine, tumingin ako sa kanilang dalawa na naaktingin sa akin.
"Noong makita ko yung dugo, hindi na ako nakapag isip ng maayus." Dagdag ko, napayuko si Havacco saka huminga ng malalim.
"Sa palagay ko din ay hindi na tumatalab ang mga gamot na pinapainom sa akin ni boss." Dagdag ko saka tumingin sa bintana ng kwarto ko. "Nitong mga nakaraang araw, nag sisimula na naman akong magkaruon ng hallucination at delusions, pakiramdam ko nasa isang maliit ako na kwarto kung saan lahat ng mga pinatay ko ay nandoon at gusto akong patayin." kwento ko.
"Magaling ka na Damon." Napatingin ako kay Gazer ng sabihin niya yan, ngumiti siya sa akin saka lumapit sa akin at mahinang sinuntok ang magaling kong braso.
"Naaalala mo lang ang mga nangyare sayo sa nakaraan." Sabi niya kaya napangiti ako.
"Sana nga, totoong magaling na ako." Sabi ko saka tumingin kay Havacco.
"Ayokong bumalik sa panahong mawawala na naman ako sa sarili ko." Bulong ko habang naka tingin kay Havacco.
Ilang araw ang lumipas at nakalabas na ako sa wakas sa hospital, binigyan nalang ako ng mga doctor ng gamot na iinumin ko para mawala ang kirot sa sugat ko na ako mismo ang gumawa. Sa loob ng ilang araw na iyon nasa tabi ko si Erelah, bagay na hindi ko maintindihan kung bakit.
"Mag aapply ka bilang katulong ko?" Takang tanong ko habang naka tingin kay Erelah na nasa harap ko at nakangiting tumatango tango.
"At sa tingin mo ba tatanggapin kita? hindi ko kailangan ng katulong, kabaong ang kailangan ko." Sabi ko saka nilagpasan siya.
"Pero sabi ni Gazer, habang hindi pa daw gumagaling ang sugat mo hindi ka pa makakakilos ng ilang gawain dito sa loob ng bahay, kaya sabi niya tulungan kita o hindi kaya ay mag apply ako sayo bilang katulong mo." Sabi niya kaya napairap ako at muling humarap sa kanya.
"Kaya kong kumilos, mag sasayang lang ako ng pera kung tatanggapin kita bilang katulong ko, isa pa, maliit lang itong bahay ko, walang masyadong lilinisin dito dahil lagi naman akong umaalis ng bahay." Sabi ko.
"Kahit wag mo na ako bayaran okay na saken yun." Sabi niya kaya mas lalo akong napakunot ng nuo.
"Tulong ko na yun sayo--"
"Kelan ba ako nangailangan ng tulong?" Tanong ko sa kanya, nakita kong natigilan siya at nagulat sa tanong ko, huminga ako ng malalim saka pilit na pinakalma ang sarili ko.
"Kahit kailan hindi ko kailangan ng tulong kaya umalis ka na at mag punta kay Gazer, gusto kong mapag-isa." Sabi ko saka tumalikod sa kanya.
"Gusto mong mapag-isa para saan? para maipag patuloy mo ang pag papakamatay mo?" Natigilan ako sa sinabi niya, nanatili akong nakatalikod sa kanya.
"Gusto kitang tulungan hindi dahil naaawa ako sayo, gusto kitang tulungan dahil malaki ang utang na loob ko sayo, sinabi sa akin ni Gazer na kaya ka nabaril dahil sinumbong mo sa police ang lalaking bumaril sa tatay ko." Mas lalo akong natigilan sa sinabi niya.
"Hindi ko alam kung paano mo ginawa yun o kung paano mo nalaman na sila yun, wala akong pake-alam sa bagay na iyon, ang mahalaga ay nabigyan na ng hustisya ang tatay ko." Sabi niya kaya napapikit ako sa inis.
Anak ng pating, ibang kwento pa talaga ang sinabi ni Gazer, pwede niya namang hindi nalang sabihin.
"Ipag timpla mo ako ng kape, linisin mo yung dumi sa buong bahay bahala ka kung anong gusto mo, matutulog ako." Sabi ko saka umakyat sa hagdan.
"Iinumin mo pa ba yung kape?" Tanong niya kaya tumigil ako saka tumingin sa kanya.
"Try mong kainin." Sabi ko saka siya inirapan at nag patuloy sa pag akyat sa taas.
"Mag luluto na din ako ng pagkain mo!" Pahabol niya, hindi ko siya sinagot sa halip ay pumasok na ako sa kwarto ko saka malakas na sinarado ang pinto.
"Bwiset." Bulong ko saka humiga sa kama ko.