Chapter 8: Flashback ll
Nakangiti akong bumaba sa bus kahit na masama ang loob ko dahil sa lalaking nakatabi ko, Akala ko pa naman pera niya yun tapos yun pala aking pera din ang ginamit niya, nakakainis. Sana kasi binalik niya nalang sa akin ang wallet ko.
Pero binalik niya naman ang wallet ko, kaso nga lang doon paren siya kumuha ng pamasahe namin. Nakaka-asar talaga, pakiramdam ko na scam ako sa part na yun.
Pero kahit na ganon ang nangyare, masaya paren ako dahil ligtas akong nakababa at nakadating dito sa bayan kung saan pinapamunuan ng aking ama, balita ko kasi sya daw ang namumuno dito at pinapalakad ang bayan na ito, nakaka-proud dahil nagagawa ng tama ni ama ang tungkolin niya.
"Ale, saan po dito ang munisipyo?" Tanong ko sa isang babaeng nag titinda ng isda sa gilid, tumingin ito sa akin saka tinuro yung daan patungo sa munisipyo, agad naman akong nag pasalamat sa kanya at nilandas ang daan patungo sa munisipyo. Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng nasa harap na ako ng munisipyo.
Pinagmasdan ko ang laki at ganda ng desenyo ng munisipyo ng bayan kung saan namumuno si ama. Agad kong inayus ang nagusot kong damit saka nag lakad papasok sa munisipyo. Binati pa ako ng mga gwardya sa labas kaya naman naka ngiti din akong bumati sa kanila. Tumigil ako sa tapat ng Information desk at kinausap ang babaeng naruruon.
"Hello po, magandang araw. Pwede po ba mag tanong?" Tanong ko, tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa saka tumango. Sa palagay ko ay kasing edad ko lamang ito.
"Saan po dito yung opisina ng mayor?" Tanong ko, umarko agad ang kilay niya.
"Anong kailangan mo kay Mayor?" Tanong niya kaya naman nakangiti kong kinuha ang larawan na nasa bulsa ko saka pinakita sa kanya.
"Nandito ako para kausapin ang tatay ko." Sabi ko, narinig ko ang mahinang pag tawa niya saka tumingin sa akin ng seryoso.
"Ms, walang mental dito sa munisipyo pero kung gusto mo ihahatid ka namin papunta doon." Sabi niya kaya napakunot ang nuo ko.
"Po?" Tanong ko. Huminga sya ng malalim at halatang naiinis na sya sa akin.
"Ang sabi ko, busy si Mayo--"
"Arizona ang schedule ko icancel mo lahat." Napatingin kami sa nag salita sa likod ko at halos tumalon ang puso ko sa tuwa ng makita ko si itay na may hawak na cellphone at may katabing babae, nakasuot ng pormal na damit at talaga namang pang mayor ang datingan.
"Tatay!" Nakangiting tawag ko sa kanya kaya naman napatingin ito sa akin at kunot nuong pinanuod kung paano ako lumapit sa kanya.
"Tata--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang may humarang na dalawang lalaking malaki ang katawan at naka suot ng itim na pormal na damit, napatingin ako sa kanilang dalawa, may salamin din silang itim sa kanilang mga mata at may nakakonektang wire sa tenga nila.
"Bawal lapitan si Mr. Mayor." Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi ng isa sa mga ito.
"P-po? P-pero tatay ko po sya." Napa kunot ang nuo nila, hindi nakatakas sa aking paningin ang pag tawa nila na para bang may nasabi akong nakakatawa.
"Anong nangyayare dito?"Napatingin ako kay tatay na nasa likod ng dalawang lalaking nasa harap ko.
"Mr. Mayor, anak niyo daw po sya." Natatawang sabi ng isa sa kanila kaya napatingin sa akin si tatay, kahit na lumaki ang kanyang tyan at naging mature ang itsura, sure ako na sya si tatay.
Nag lakad papunta sa harap ko si tatay kaya naman napangiti ako at agad na kinuha ang pag kakataon na iyon upang yakapin si tatay ng mahigpit, sa wakas. Sa unang pagkakataon ay nayakap ko din ang tatay ko na ilang taon kong hindi nakita. Noong bata pa ako ay lagi kong tinatanong si nanay kung nasaan ba si papa, ang lagi niyang sinasabi sa akin ay may trabaho ito sa malayong lugar at matatagalan bago umuwi at makabalik, pero nong nagkaruon na ako ng isip ay unti unti kong nauunawaan na ang mga sinasabi sa akin ni inay noong mga bata pa ako ay hindi totoo.
Ayaw niya lamang na sumama ang loob ko sa tatay ko dahil ang totoo ay may iba na itong pamilya.
Hindi naman masama ang loob ko kay papa dahil wala naman akong pake-alam kung ano ang nangyare sa nakaraan, ang mahalaga ay nasa tabi ko si itay at yakap yakap ko siya sa mga panahong ito.
"Tatay, ang tagal ko pong hinintay na --"
"Lumayo ka sa akin." Nabigla ako ng itulak niya ako palayo sa kanya, Kitang kita ko ang pandidiri sa kanyang mga mata at kilos. Nag alcohol pa siya sa harap ko saka masamang tumitig sa akin na para bang napakasama kong tao at may nagawa akong mali.
"Sino ka ba ija? bigla bigla ka na lamang lumalapit sa akin, hindi mo ba alam na uso ngayun ang mga sakit? Ang dumi mo pang tignan." Sabi nito na nag paawang sa aking bibig.
"Mr. Mayor, kailangan daw po kayo sa meeting room." Napatingin sa akin ang babaeng kakadating lamang, nakita ko kung paano gumuhit sa kanya ang pandidiri, napatingin ako sa sarili ko at inamoy ang aking sarili. Wala naman akong nakikitang mali sa akin, wala din akong amoy na masama kaya bakit ganon na lamang sila kung makatitig sa akin.
"Ilabas niyo siya dito, nakaka-agaw pansin siya sa lahat ng mga taong nandito." Sabi ni itay sa isang lalaki na naka uniporme kaya naman napa-awang ang labi ko at agad na naalarma.
"Pero papa, ako po ito si Erelah, anak ni Arizona." Sabi ko dahilan para matigilan siya, tumingin siya sa akin, unti unting nabuhay ang tuwa sa aking dibdib dahil sa nakita kong gulat niyang reaction pero agad din itong nawala ng makita ko kung paano mag dilim ang kanyang awra na para bang may nasabi akong pangalan na matagal nya ng kinalimutan.
"Iwan niyo muna kami." Malamig na sabi ni papa sa mga taong nakapalibot sa amin, naguguluhan'man ay hindi na lamang sila nag tanong at agad na sumunod sa utos ni papa.
"Sumunod ka sa akin." Malamig na sabi niya at nag lakad kaya naman agad kong kinuha ang mga bagahe ko at sumunod sa kanya. Nakadating kami sa labas ng munisipyo, lumiko sya ng daan kaya naman lumiko din ako hanggang sa makarating kami sa likod ng munisipyo kung saan walang tao kundi kaming dalawa lamang, napangiti ako ng tumingin siya sa akin pero agad ding nawala ang ngiti ko ng makita ko kung anong klaseng titig ang ginawad niya sa akin.
Isang titig na kung saan madadama ko ang pagka disgusto niya sa akin.
"Papa--"
"Wag mo akong tawaging 'papa' wala akong anak na babae." Malamig na sabi niya dahilan para masaktan ang loob ko at mapayuko dahil sa hiya, pakiramdam ko ay pinapahiya ko lamang ang sarili ko sa harap niya.
Agad na nag landas ang aking luha dahil sa sinabi niya.
"Pero papa--"
"Hindi ka ba nakakaintindi? Ang sabi ko, wag mo ako tawaging papa dahil wala akong anak na babae, bumalik ka na kung saan ka nanggaling." Napatingin ako sa kanya, bakas sa kanya ang pagka disgusto sa akin.
Iba ito sa aking inaasahan na mangyayare, ang inaasahan ko ay bukas palad niya akong tatanggapin at sasalubungin ng mahihigpit na yakap pero bakit ganito? Bakit ganito ang nangyayare?
Noong bata pa ako, laging sinasabi sa akin ng lolo ko na wag akong mag papakita kay papa dahil ikakahiya lamang ako nito, noon ay lagi kong pinag tatanggol si papa at sinasabing 'Mabait siya kaya hindi niya magagawa sa akin ang bagay na iyon' pero ngayun, tama nga si lolo. Kinakahiya ako ni papa.
"Bumalik ka na sa nanay mo, hindi ba't binayaran ko na siya? May usapan na kami bakit nandito ka ngayun?" Iritang tanong niya saka nag labas ng wallet at kinuha ang libo libo niyang pera saka hinampas sa mukha ko dahilan para mahulog ang mga ito sa lupa.
"Ayan, umalis ka na at wag ng babalik, sapat na siguro yan." Sabi nya, napayuko ako at napatingin sa mga perang nasa baba. Hindi ko mabibili ang pag mamahal ng isang ama. Atensyon at aruga niya ang nais ko kaya narito ako, hindi mga pera niya.
"Sa susunod na bumalik ka pa dito, ipapakulong na kita, naiintindihan mo ba?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya, tumalikod siya sa akin.
"Gusto ko lang naman pong maranasan ang magkaruon ng ama." Sabi ko kaya napatigil siya, nanatili siyang nakatalikod sa akin.
"Gusto ko lang naman po ng atensyon niyo at pag mamahal kaya nandirto ako, hindi ko po kailangan ng pera niyo." Tumulo ang luha ko dahil sa sinabi ko, mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa mga bayong ko.
"Sabi ni nanay, nangako ka noon sa akin na babalikan mo ako, kami ni inay pero---"
"Umalis ka na at wag ng babalik."Malamig niyang sabi at nag lakad palayo sa akin.