Chapter 40 Courtroom

Erelah,

Pang ilang sulat ko na ba ito sayo? Ngunit kahit na anong isulat ko at sabihin sa mga papel na pinagsusulatan ko, malabong iyong ito'y mabasa, dahil alam ko na ang mga sinusulat ko ay hindi rin makakadating sayo at hindi mo rin malalaman ang mga bagay na nais kong masabi sayo.

Ngunit isa lamang ang nais kong mangyare Erelah, yun ay ang maging maayos ang lahat at masabi ang mga katotohanang matagal ko ng tinatago.

Sa lahat ng kasinungalingan na alam ko, sa lahat ng pagsisinungaling na nagawa ko, isa lang ang bagay na kahit kailan ay hindi ako nag sinungaling, yun ay ang mahalin ka kahit ang layo layo mo sa akin.

Patawarin mo ako Erelah, patawarin mo ako.

Damon.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayare kung bakit ako itinanggi ni Damon, sobrang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ako mapakali. Pakiramdam ko may mangyayareng masama.

"Mr. Damon, alam mo sa sarili mo kung ano ang mga nangyayare. Bilang isang kaibigan, nais kong isalaysay mo sa kanila ang buong katotohanan." Sabi ng abogado. Napatingin si Damon sa abogado, huminga siya ng malalim saka tumingin sa akin ng malungkot bago ngumiti at muling tumingin sa harap.

"Nangako ako sa lahat ng taong naririto na sasabihin ko ang lahat ng katotohanan." Malamig na sabi ni Damon saka muling tumingin sa akin.

"Patawarin sana ako ng kaisa isang babaeng nag paramdam sakin na kung sino talaga ako." Nakangiti siya sa akin habang sinasabi yun.

Tumulo ang aking luha napatayo ako sa aking kinauupuan.

"Meron akong Multiple Personality Disorder, may mga alter ang katawan na ito, sila Achaz, James, Jason, Michael, Deigo at marami pang iba." Sabi ni Damon. Huminga siya ng malalim saka deretsong tumingin sa harap. "At kasama na ako sa mga alter na iyon." Napalunok ako ng sabihin ni Damon ang salitang iyon.

"Damon..."tawag ko sa kanyang pangalan ngunit hindi siya lumingon sa akin. Natahimik ang buong courtroom dahil sa sinabi ni Damon.

"Isa ako sa mga alter ni Chai, si Chai na psychopath ang tunay na Host sa katawan na ito." Sabi ni Damon.

"Objection your honor my client is--"

"Chai Killed our mom and dad." Putol ni Damon sa sasabihin ni Atty. Meilda kaya nag ingay ang buong tao sa court at kung ano anong negatibong salita ang binabato kay Atty. Meilda at kay Damon.

"Nakita ko ang lahat kung paano patayin ng host na ito ang sarili niyang mga magulang."

"Objection your honor--"

"Order in the court! let the suspect finish his testemony." Ma awtoridad na sabi ng judge, deretso lamang akong nakatingin kay Damon na walang emosyon.

"Nakita ko kung paano brutal na patayin ni Chai ang kanyang magulang."Nakita ko kung paano tumulo ang luha ni Damon habang nakatingin sa amin.

"Hindi totoo yan!" Napasigaw si Draco dahil sa galit at gulat na kanyang nararamdaman.

"Order in the court!"

"Si Chai rin ang pumatay sa dati naming doctor, nakita ko kung paano iluto ni Chai ang laman ng doctor na tumutulong sa amin at kung paano niya ito pinakain sa mga kaibigan ko." Halos masuka ako sa sinabi ni Damon, tuloy tuloy ang agos ng luha ko dahil sa lungkot na aking nararamdaman.

"Maliban sa Multiple Personality disorder na sakit ni Chai, meron pa siyang isang sakit na kung tawagin ay Narcolepsy, Pinaliwanag sa akin ng dati naming doctor bago siya patayin ni Chai, sa tuwing nakakatulog si Chai ng mahabang araw saka kaming mga alter niya ang lumalabas, pinaliwanag niya rin sa amin na may problema sa utak si Chai." Sabi ni Damon dahilan para mag sibulongan ang mga taong nanunuod ngayon, patuloy lamang ang agos ng aking luha habang nakatingin kay Damon na walang emosyon habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.

Damon, bakit mo ito ginagawa? Damon nangako ka sa akin hindi ba?

"Isa akong black agent na nag lilingkod sa isang malaking mafia boss." Walang emosyong sabi ni Damon. " Ang trabaho ko ay pumatay ng mga taong iuutos sa akin ng mafia na iyon." Sabi niya dahilan para matigilan ako, napalunok ako sa sinabi ni Damon. Walang bakas na emosyon sa kanyang mukha kaya hindi ko matukoy kung nag sasabi ba siya ng katotohanan.

Bawiin mo lahat ng sinabi mo Damon, nangako ka sa akin hindi ba?

"Si Erelah, una ko siyang nakilala sa isang bus papunta sa lugar na ito noon ilang taon na ang nakakaraan." Kwento niya kaya nagulat ako, agad na hinalukay ng aking utak ang mga kaganapan na naranasan ko noon sa bus. Bigla akong nanigas ng maalala ko ang panahon na may makasabay akong lalaki sa bus at nag bayad ng pamasahe ko dahil akala ko nawala ko ang aking pitaka ngunit nasa lalaking iyon pala ang aking pitaka at ang perang pinang libre niya sa akin ay ang pera ko mismo na nasa pitaka.

Napangiti ako bigla, siya pala ang hudas na lalaking nakapulot ng pitaka ko. At least binalik niya sa akin ang aking pitaka kahit na binawasan niya ito ng pamasahe naming dalawa.

"Noong araw na iyon pinamamatyagan sa akin ng aming boss si Erelah dahil siya ang susi para makita namin ang tunay naming target. Ang Mayor na tatay ni Erelah." Natigilan ako lalo sa sinabi ni Damon, nanlamig lahat ng aking kalamnan dahil sa sinabi niya.

"Ako dapat ang papatay sa tatay ni Erelah, dahil yun ang misyon ko. Ngunit naunahan ako." Nanigas ang aking panga dahil sa sinabi niya. Dahan dahan akong napaupo muli sa aking kinauupuan dahil sa unti unting panghihina ng aking tuhod.

"Sa sinabi ni Erelah na nabaril ako ng mga lalaking bumaril sa kanyang ama dahil sasinumbong ko ang mga ito sa police, iyon ay isang kasinungalingan lamang na hindi alam ni Erelah." Malamig na sabi ni Damon habang nakatingin sa akin.

"Ang totoo niyan ay ang mga lalaking iyon nga ang bumaril sa ama ni Erelah, kaya pinatay ko silang lahat at binaril ang sarili kong braso para palabasin na nabaril ako ng isa sa mga lalaking pumatay sa tatay ni Erelah, hindi rin totoo na ang mga sinabi ko noon sa police na may dumating mga lalaki at pinag babaril ang mga pumatay sa ama ni Erelah, lahat ng katawang naruon ay ako ang pumatay." Pag aamin ni Damon na nakapag patigil sa buong sistema ng aking katawan.

"At nasa korteng ito ang mastermind sa pag patay sa tatay ni Erelah." Sabi ni Damon kaya napatingin ako muli sa kanya, nakatingin siya ngayon kay Draco na wala rin emosyon sa mukha.

"Maari mo bang ituro kung sino ang sinasabi mong mastermind sa pag patay sa tatay ni Erelah?" Tanong ng abogadong nasa harap ni Damon.

"Draco." Yan lang ang sinabi ni Damon habang nakatingin sa kapatid niya na wala rin emosyon gaya niya.

Dahan dahan akong napatingin kay Draco.

Natawa ako ng dahan dahan hanggang sa dahan dahan narin itong lumakas dahilan para mapatingin silang lahat sa akin.

"Bakit pakiramdam ko pinag tulongan niyo kong mag kapatid?" Bumuhos ang luha ko ng makita ko ang lungkot sa mga mata ni Damon habang nakatingin sa akin. Napahagulgol ako sa iyak at nag mamadaling lumabas ng courtroom para isigaw ang galit ko sa lobby.

Pinag mamasdan ako ng mga taong dumadaan sa lobby habang patuloy lamang ako sa pag sigaw dahil sa sakit na aking nararamdaman.