Chapter 19: Erelah and Achaz

Present time.

"Magandang umaga." Nakangiting bati ni Erelah ng bumaba ako sa pangalawang palapag ng bahay ni Damon, mula sa likod niya ay nakatingin sa akin si Achaz na naka ngiti din at nakasuot ng apron.

"Insan, kumain ka na." Nakangiting sabi ni Achaz kaya tumango lang ako at nag lakad patungo sa lamesa kung saan nakahanda na ang mga pagkain. Bigla akong napalunok ng maalala ko ang huling pagkain na hinain ni Achaz sa amin dati.

"Kaming dalawa ni Achaz ang nag luto niyan." Nakangiting sabi ni Erelah at nag sandok ng niluto nilang sopas. Umupo sa tabi niya si Achaz kaya napaiwas ako ng tingin.

"Nasaan pala yung kasama mo?"tanong ni Achaz.

"Maagang umalis." Sagot ko saka ngumiti kay Erelah ng matapos niyang lagyan ng sopas ang mangkok ko.

"Aalis ka din ba?"tanong ni Achaz kaya napatingin ako sa kanya saka napatingin kay Erelah na nakatingin sa akin at nag aabang ng isasagot ko.

"Hindi." Sagot ko saka nag simulang kumain.

"Ahh, sya nga pala. Lalabas kami ni Erelah." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Muli akong napasulyap kay Erelah na nakatingin din sa kanya.

"Saan naman ang punta niyo?"tanong ko, ngumiti si Achaz sa akin saka tumingin kay Erelah na nakatingin sa akin.

Ang alam ni Erelah ay isa si Achaz sa Alter na meron si Damon, hindi niya alam na si Damon ay isa ding Alter, hindi niya din kilala si Chai. Kunti palang ang alam ni Erelah tungkol sa sitwasyon ni Damon.

"Sa park, mag de-date kami." Sagot ni Achaz saka inakbayan si Erelah na nagulat sa ginawa ni Achaz, ngumiti ng alanganin si Erelah saka tumingin sa amin.

"Ahh ganon ba? Sige." Sabi ko na lamang saka nag patuloy sa pagkain, ramdam ko parin ang mga titig ni Erelah sa akin, tumingin ako sa kanya, nakatingin siya sa akin na nag aalangan. Hindi ko ito pinansin, sa halip ay uminom na lamang ako ng tubig.

Kailangang sundin namin lahat ng gusto ni Achaz, kung hindi ay baka mangyare na naman ang nangyare noon.

Alam kong delikado para kay Erelah ang sumama kay Achaz pero mas delikado kung hindi namin susundin ang nais ni Achaz. Palihim ko na lamang silang susundan mamaya kapag sila ay aalis na.

Tumayo ako matapos kong ubusin ang pagkain ko. Ngumiti ako sa kanila. "Masarap yung luto niyo, akyat na ko sa taas." Paalam ko saka tumalikod sa kanila.

Erelah POV

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba, pinanuod ko si Gazer na umakyat sa taas. Bakit naman ako natatakot kay Achaz? Sure ako na mabait naman si Achaz, mas mabait pa kay Damon pero bakit kinakabahan ako?

Nagulat ako ng biglang kurutin ni Achaz ang pisngi ko, napatingin ako sa kanya na nakatingin sa akin.

"Ang cute cute ng girlfriend ko." Nakangiting sabi niya, napa lunok ako at alanganing ngumiti sa kanya. Mali ata na sinabi kong girlfriend niya ako.

Si Damon kase eh, hindi ko naman alam na may Alter si Damon, akala ko ay nag bibiro lamang siya kaya sinakyan ko.

"Aalis tayo mamaya?"tanong ko, tumango tango siya bilang sagot saka sinimulang ligpitin ang pinagkainan naming tatlo.

"Ayaw mo bang mag date tayo?"tanong niya saka tumingin sa akin, bigla akong kinabahan sa tingin niya kaya naman agad akong umiling saka ngumiti sa kanya.

"Syempre gusto." Sabi ko nalang saka tinulungan siyang mag ligpit.

Ilang minuto ang lumipas, pagod akong umupo sa sofa at sinandal ang likod ko sa malambot na unan na nasa sofa, pinikit ko ang aking mga mata saka huminga ng malalim.

Kakatapos lang namin mag linis ni Achaz at talaga namang tinulongan niya akong taposin ang gawain ko.

Napadilat ako ng biglang may humiga sa mga hita ko, tinignan ko si Achaz na nakangiti habang naka pikit ang mga matang humiga sa aking hita.

"Pahinga muna tayo tapos alis na tayo mamaya." Sabi niya habang nakapikit, napa lunok na lamang ako saka hindi nag salita.

Bigla akong napaisip, bigla kong na miss si Damon, yung kasungitan niya at kasupladohan niya. Mas sanay ako na sinusungitan ako ni Damon kesa sa Alter niyang si Achaz na masyadong sweet sa akin.

Ilang minuto ang lumipas ng sabihin ni Achaz sa akin na mag ayos na ako ng sarili ko, tamad akong nag tungo sa kwarto ko dito sa bahay ni Damon, si Achaz ang nag bigay sa akin ng kwartong ito. Sabi niya, dito na lamang ako matulog kesa umuwi pa daw ako at pabalik balik lang.

Kahit wala akong ganang umalis ay nagayos parin ako ng aking sarili at tamad na sinunod si Achaz. Matapos kong magayus ay bumaba na ako at mula sa hagdan nakita ko si Gazer na papaakyat.

Nagkasalubong ang mga mata namin pero agad siyang umiwas at nag lakad paakyat saka ako nilagpasan. Napabuntong hininga na lamang ako, ang weird din minsan ni Gazer.

"Erelah, tara na?" Napatingin ako sa nagsalita sa baba ng hagdan, si Achaz, bagay sa kanya ang kanyang pormahan, mas lalo siyang naging gwapo dahil sa ayos niya. Ngumiti ako sa kanya saka bumaba sa hagdan at tumango.

"Tara na." Sabi ko, nakangiti niyang kinuha ang aking kaliwang kamay saka kami lumabas ng bahay.

Sa isang amusement park kami unang nag tungo, madaming mga tao lalo na ang mga kabataan na naririto, napangiti ako at napatingin kay Achaz. Dahan dahang nawala ang ngiti ko ng makita ko kung paano niya titigan ang mga tao.

Masama ang tingin niya sa mga taong napapadaan sa harap namin, ang ngisi sa labi niya ay mas lalong nag bigay ng creepy na pakiramdam kaya hinawakan ko ang braso nya dahilan para mapatingin siya sa akin, nawala ang sama ng tingin niya ng ngumiti ako sa kanya.

"Ayos ka lang ba?"tanong ko, tumingin siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya saka dahan dahang tumango.

"Saan mo gustong sumakay?"tanong ko saka tumingin sa mga rides na nandito sa harap namin. Hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa kanya ulit.

Nakatingin ulit siya sa mga tao kaya naman tinignan ko ang mga taong tinitignan nya, wala namang mali sa mga ito.

Binalik ko ang tingin ko kay Achaz.

"Siguro, kung nandito si Chai matutuwa siya sa mga makikita niya." Sabi nya kaya natahimik ako.

Chai? Sino yun?