Chapter 18: Chai and Achaz
Ilang buwan na naman ang lumipas, dumaan na ang pasko at bagong taon pero hindi paren nagagamot o naaalis si Achaz. Kinakabahan na kami ni Shawn dahil hindi na namin nakakausap si Damon, ang laging lumalabas na alter ay si Achaz at kadalasan ay lumalabas na ang host, si Chai.
Hindi namin magawang lapitan si Damon dshil wala siya sa katawan na iyon, maging si Doc ay takot na lapitan si Chai dahil sa sobrang wild nito.
Mahigit dalawang lingo na naming hindi nakakausap si Damon, ang ibang alter ay di na din lumalabas, si Achaz nalang ang lumalabas bagay na kinababahala namin dahil baka nawala na si Damon.
"Doc, makakausap parin po ba namin si Damon?"tanong ko, ngumiti ng alanganin si Doc at nagkibit balikat.
"Hindi ko alam, ilang lingo na ang lumipas simula ng huli syang lumabas. Ganon din ang ibang alter sa katawan ni Chai. Sa palagay ko ay nawala na ang iba at kasama don si Damon." Sabi ni Doc kaya napalunok kami at napatingin sa gawi ni Chai na nakaupo habang nakatulala habang may nakakatakot na ngisi sa labi.
"Doc, paano po yon? Si Damon ang kaibigan namin." Nanghihinang sabi ni Shawn na gaya ko ay nadissapoint sa sinabi ni Doc.
Kung talagang nawala si Damon kasama ang ibang alter, ibig sabihin non ay wala na kaming dahilan para bisitahin si Chai. Si Damon lamang ang tinutulungan namin at hindi si Chai o Achaz.
"Pasensya na mga bata, nabanggit ko naman na si Damon ay isa sa mga alter at ang alter ay pwedeng mawala." Sabi ni Doc. Naramdaman ko ang paghinga na malalim ni Shawn.
"Kung ganon po, wala na yong kaibigan namin?"tanong ko. Hindi sumagot si Doc sa tanong ko, tumingin lang siya sa amin saka nilabas ang calling card niya saka inabot sa akin.
"Tatawagan ko kayo kung anong balita kay Damon, ito ang calling card ko, tawagan niyo ko kung nais nyong makita si Chai, dadalhin ko si Chai sa isang facility malapit sa bahay ko para pag aralan ang kundisyon niya." Sabi ni Doc, kinuha ko naman ang calling card na inaabot niya sa akin. Ngumiti siya ng malungkot.
"Mag papasokan na naman sa paaralan mga bata, hindi ko kayo papayagang mag tungo dito upang bisitahin si Chai dahil nais kong mag focus kayo sa pag aaral niyo, okay ba?"tanong nito, tumango tango kami ni Shawn saka niyakap si Doc.
"Kung sakali man po na bumalik si Damon, sabihin niyo po agad sa amin." Sabi ko, tumango si Doc bilang sagot.
Yun yong huling araw na nakita namin si Doc, matapos non ay hindi na kami nag tungo ni Shawn sa hospital kung saan naruruon si Chai.
Muli, ay buwan na naman ang lumipas, sa loob ng ilang buwan ay wala na kaming nababalitaan kay Damon o kahit na ano tungkol kay Chai, at Achaz, sinusubukan naming tawagan si Doc upang kamustahin ngunit nakapatay ang cellphone nito at minsan ay hindi din sinasagot.
Isang araw napag desisyonan namin ni Shawn na dumalaw kay Doc sa hospital kung saan dinadalaw namin si Damon, pero pag dating namin don....
"Matagal ng wala si Doc Hazel dito, simula nong nilabas niya ang kaibigan niyo ay hindi na siya pumasok dito kailan'man, sinubukan naring puntahan ng mga kaibigan niya ang bahay nila pero wala rin tao doon. Ni hindi na nga namin macontact si Doc, last na text niya ay nasa hongkong daw siya." Sabi ng isang malapit na doctor dito.
"Ganon po ba, sige salamat po." Sabi ko saka tumingin kay Shawn.
"Wala rin, nag tanong ako kanina sa ibang kasama ni doc dati pero same lang sila ng sinasabi saken, nasa hongkong daw si doc." Sabi ni Shawn, huminga ako ng malalim saka nag simula ng lumabas sa hospital.
"Kamusta na kaya siya don? Si Chai kaya nagamot niya na?"tanong ko.
"Alam mo, hindi ako naniniwala na nasa hongkong si Doc." Napatingin ako kay Shawn ng sabihin niya ang bagat na iyon.
"Bakit naman?"tanong ko. Tumingin siya sa akin.
"Sabi diba kasama ni doc si Chai, Rodolfo, alam mo naman kung anong ugali ang meron si Chai. Isa siyang baliw." Sabi niya kaya natahimik ako.
"Iniisip ko, baka may nangyareng masama kay Doc dahil kay Chai, isang psycho si Chai alam mo yan." Dagdag niya. Bigla akong kinutuban sa sinabi ni Shawn sa akin kaya naman natahimik ako at natulala sa sinabi niya.
Posible rin na mangyare ang bagay na iyon, delikadong tao si Chai, lalo na't wala na si Damon. Pero paano? Saan namin hahanapin si doc? Ni hindi namin alam kung saan siya posibleng nag punta.
Ilang lingo ang lumipas, patuloy parin ang buhay at patuloy parin ang pag aaral namin ni Shawn, nag focus kami sa pag aaral dahil nais naming matupad ang sinabi ni Doc na sa pag aaral kami mag focus at wag sa kundisyon ni Damon.
Normal naman ang lahat, normal naman ang mga araw na dumadaan hanggang sa pag uwi namin sa bahay na tinutuluyan naming tatlo ni Damon noon...
"Kamusta." Nakangitinging salubong sa amin ni Chai, nanigas kami ni Shawn habang nakatingin sa katawan ni Chai na nasa harap namin.
Hindi ito si Damon, posibleng isang alter ang kaharap namin o baka si Chai ang kaharap namin, hindi ko rin masabi. Mahirap manghula. Pero isa lang ang sigurado ako, hindi si Damon ang kaharap namin.
"Pasok na kayo, ano pa bang hinihintay niyo? "Naka ngiting tanong ni Chai sa amin.
Umatras ang isang paa ko palayo sa kanya ng itutok niya sa akin ang hawak niyang baril dahilan para matigilan ako.
"Sige, subukan mong umatras hahabulin ka ng alaga ko." Nakangising sabi nito habang naka tingin sa akin, tumingin tingin din siya sa paligid niya bago sumenyas na pumasok.
Sa takot namin ni Shawn, sinunod namin ang nais niya, pumasok kami sa loob ng bahay habang naka taas ang dalawang kamay sa ere.
Nakangiti nang nakakatakot si Chai sa amin habang hawak hawak ang baril sa kamay.
"Anong gagawin sa kanila?" Biglang tanong niya kaya napakunot ang nuo ko.
"Ano? Hindi ako kumakain ng tao Chai." Dahil sa sinabi niya, biglang bumaliktad ang sikmura ko, pero ng dahil din sa sinabi niya. Doon nakumpirma ko na hindi siya si Chai, kundi siya si Achaz.
"Bahala ka jan." Sabi pa nito saka tumingin sa amin.
"Mangangalay kayo sa ginagawa niyo, ibaba niyo kaya mga kamay niyo pati mga gamit niyo." Sabi niya sa amin na agad naman naming sinunod. Naalala ko ang sinabi ni Damon sa amin dati, sundin lang namin ang nais ni Achaz para sa kaligtasan namin.
"Anong ginagawa mo dito? Nasaan si Doc?"biglang tanong ni Shawn kaya napatingin sa kanya si Achaz.
Agad ko namang siniko si Shawn at sumenyas na wag ng inisin si Achaz dahil baka kung ano pa ang magawa nito sa amin.
"Kumain na ba kayo? Tamang tama may niluto ako para sa inyo, umupo na kayo sa upuan niyo." Nakangiting sabi ni Achaz saka tinago ang baril sa likod niya, sumunod naman kami sa sinabi ni Achaz, umupo kami sa mga upuan namin at pinanuod siyang sandukin ang kung ano'man ang kanyang niluluto.
Minuto ang lumipas ng ihanda na ni Achaz ang pagkain na niluto niya, base sa itsura nito ay halatang hindi na maganda ang lasa nito. Bumaliktad din agad ang sikmura ko dahil sa buo buong mga dugo.
"Anong pagkain ito?"tanong ni Shawn habang nandidiring nakatingin sa kaharap nyang pagkain.
"Hinahanap niyo si Doc hindi ba?"tanong ni Achaz kaya tumingin kami sa kanya, ngumiti siya sa amin saka natawa.
"Ayoko sa doctor, kaya ang ginawa mo, ginawa ko siyang nilagang doctor, sige na. Kumain na kayo, ayokong nalilipasan kayo ng gutom." Na istatwa kami ni Shawn sa sinabi ni Achaz saka napatingin sa isa't isa. Sabay kaming tumingin sa pagkaing nasa harap namin at halos masuka ng mapagtantong ang mga laman na nasa harap namin ay laman ng tao, laman ni Doc.