Chapter 20: Date
Masaya kong hinila papunta sa isang rides si Achaz saka tumingin sa kanya.
"Tara sakay tayo?" Nakangiti kong tanong, nanatili ang kanyang masamang tingin sa mga taong nasa paligid namin pero hindi ko ito pinansin, huminga ako ng malalim saka pilit na kinalma ang sarili ko sapagkat kanina pa ako nakakaramdam ng takot kay Achaz.
Kanina pa siya bumubulong, bagay na hindi ko pinag tutuonan ng pansin sapagkat ayokong matakot sa kanya ng di oras. Aware naman na ako na may sakit siya na Multiple Personality Disorder at si Achaz ay isa sa mga Alter na meron si Damon.
Kahit na alam ko ang kundisyon niya, sumama parin ako kay Achaz sapagkat yun ang habilin ni Gazer sa akin ang sundin ang kung ano ang nais ni Achaz.
Akmang hihilain ko na papunta sa bilihan ng ticket si Achaz ng hilahin niya ako pabalik dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Bakit?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya, tinitigan niya lamang ako saka huminga ng malalim.
"Sasakay tayo jan?" Malamig niyang tanong bagay na nag paalala sa akin kay Damon, ngumiti ako saka tumango tango. Alam kong si Achaz ang nasa katawan ni Damon ngayon, pero bigla na lamang sumagi sa isip ko si Damon dahil sa malamig na pakikitungo ni Achaz sa akin ngayon. Parang kanina lamang ay isang masiyahang lalaki ang kasama ko, ngayon ay napalitan ng isang malamig at walang emosyong lalaki.
"Tara, masaya sumakay jan, promise." Sabi ko saka hinila si Achaz papunta sa bilihan ng ticket, matapos kong bumili ng ticket ay nakangiti kong pinakita kay Achaz ang hawak ko saka lumapit sa kanya.
"Tara na." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng hawakan ko ang kamay niya, hindi rin mapakali ang loob ko at ang damdamin ko, hindi ko alam kung dahil ba ito sa kaba at takot na nararamdaman ko o ano.
Hinila ko si Achaz pasakay sa isang rides saka nakangiting tumingin sa kanya ng makasakay na kami, wala siyang emosyon at malamig lamang ang awra, mas lalo akong napangiti ng bigla kong maalala sa kanya si Damon, hindi ko alam na minsan ay nagiging cold din pala itong si Achaz.
Nagsimula ng umandar ang rides na sinakyan namin, napahawak ako sa kanya dahil sa gulat, dahilan para mapatingin siya sa akin, ngumiti lamang ako sa kanya saka inenjoy ang pag sakay sa rides na ito. Sa hindi ko alam na kadahilanan bigla akong napatingin sa kanya, nakatingin lang siya sa akin na para bang pinag mamasdan niya lamang ang pagngiti ko.
"Hoy, kanina ka pa tahimik HAHAHAHA, kanina lang ang ingay ingay mo." Sabi ko sa kanya at muling napahawak sa kanya, ngumiti lang siya sa akin dahilan para matigilan ako. Napatitig ako sa labi niyang nakangiti habang naka tingin sa akin.
Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit pakiramdam ko ay si Damon ang kasama ko at hindi si Achaz? Bakit biglang sumagi sa isip ko si Damon kahit na ang kasama ko ngayon ay ang alter niya?
"Hoi babae, kapag ba tumalon ako dito, mararamdaman ko ba ang sakit bago ako mamatay?" Mas lalo akong natigilan dahil sa sinabi niya, nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
"Si Achaz, masiyahin at matino. Si Damon naman suicidal at mas cold pa sa yelo."
Bigla kong naalala ang sinabi ni Havacco sa akin, naka awang ang aking labi habang nakatingin kay Achaz o mas magandang sabihin na kay Damon.
Sa mga oras na ito sigurado ako kung sino ang kasama ko. si Damon ang kasama ko, bagay na kinatuwa ko at kinagaan ng loob ko dahil alam ko na pag siya ang kasama ko, ligtas ako.
Bigla akong napayakap sa kanya dahil sa tuwang nararamdaman ko. Nagulat naman siya sa biglaan pagyakap ko sa kanya pero naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik.
"Damon." Bigkas ko sa pangalan niya habang yakap yakap siya.
"Masakit parin ang sugat ko kaya kung pwede ba, lumayo ka muna sakin." Sabi niya habang yakap ako, napangiti ako dahil sa sinabi niya. Kahit na sinabi niya na lumayo ay mas lalo ko pa siyang niyakap.
Iba pag si Damon ang kasama ko, iba pag si Achaz ang kasama ko. Kapag si Damon ang kasama ko panatag ang loob ko na ligtas ako, at ang puso ko. Bigla na lamang bumibilis ang tibok nito. Bagay na hindi nangyayare pag si Achaz ang nasa katawan ni Damon.
Kapag si Achaz naman ang kasama ko, naiilang ako at hindi mapakali. May kaba sa dibdib ko, kaya ganito na lamang ako kasaya ng malaman kong si Damon ang kasama ko ngayong mga oras na ito.
"Babae, seryoso ako. Masakit ang sugat ko." Malamig niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya at nakitang namumula ang mukha niya saka napaiwas ng tingin, hindi ko naman ito pinansin dahil agad akong napatingin sa sugat niyang hawak hawak niya ngayon.
Dumudugo.
"Hala! Pasensya na." Sabi ko saka nag mamadaling nilabas ang first aid na dala dala ko lagi sa bag ko, tahimik lamang siya habang pinapanuod akong linisin ang sugat niya at lagyan ito ng bandaid.
"Lagi mo bang dala yan?"tanong niya habang nakatingin sa maliit na first aid kit na nasa tabi ko.
"Oum, madalas kasi nag kakasugat ako ng biglaan kaya lagi akong may dalang ganyan."sabi ko saka nakangiting tumingin sa kanya ng tapos ko ng gamutin ang sugat niya.
"Bakit mo ko niyakap?" Natigilan ako sa sinabi niya, napaiwas ako ng tingin at napalunok. Biglang uminit ang pisngi ko at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"W-wala lang." Sabi ko saka tarantang inayos ang gamit ko.
Tumingin sya sa akin at nilapit pa lalo ang mukha niya sa mukha ko dahilan para manlaki ang mga mata ko.
Ano bang ginagawa mo Damon? Mas lalong nag wawala ang puso ko dahil sa mga ginagawa mo.
"Namumula ka. May sakit ka ba?"inosenteng tanong niya kaya mas lalo akong napaiwas ng tingin saka tinulak siya palayo sa akin.
"W-wala ah, mainit lang." Sabi ko saka tumingin sa paligid.
Nakakahiya! Bakit ko nga ulit siya niyakap?!
"Mainit? Naiinitan ka kahit gabi?"tanong niya kaya mas lalo akong napalunok.
Damon! Pwede bang tumahimik ka nalang at kalimutan na niyakap kita?! Kase kahit ako hindi ko rin alam bakit kita niyakap.
"O-oo, ano ba bakit ka ba nakatingin sa akin ng ganyan?"iritang sabi ko saka inirapan siya.
Nakatitig lang siya sa akin saka biglang ngumisi dahilan para mas lalo akong kabahan at mailang.
"Ang cute mo namang kiligin Erelah." Tila tumigil ang oras ng bigla niyang banggitin ang pangalan ko, napatingin ako sa kanya at di inaasahang makikita ko kung paano ngumiti ang isang Damon, ngiti na tunay habang nakatingin sa akin.
Ang pamamaraan ng pagkakasabi niya noon ay malamig ngunit ang labi niya ay nakangiti, Damon. Bagay sayo ang laging nakangiti.
"Hindi ako k-kinikilig ah, assuming." Sabi ko saka napalunok. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Tara, talon nalang tayo mula dito sa inuupuan naten." Nanlaki ang mata ko ng sabihin niya yun kaya agad kong binawi ang kamay ko saka niyakap ang sarili ko.
"B-baliw ka ba? Kung gusto mo mag pakamatay ikaw nalang, wag mo na akong idamay." Sabi ko kaya natawa siya bagay na kinatigil ko dahil sa pangalawang pag kakataon ay nakita ko na naman siyang tumawa.
Ang mga mata niya ay malamig, pero ang mga labi niya ay nakatawa.
"Niyaya ka ni Achaz na mag Date hindi ba? Tara, ipagpatuloy nalang naten ang date niyo."malamig niyang sabi at sakto non ang pag tigil ng ferris wheel sa pag ikot.
"Mag ddate tayo, sa ayaw at sa gusto mo, Erelah."