Chapter 17: Disorder
Lumipas ang dalawang buwan, sa loob ng dalawang buwan na iyon ay pabalik balik kami ni Shawn sa lugar kung saan ginagamot si Damon. Halow araw araw ay binibisita namin siya pero madalas lang namin siyang makausap dahil sa loob ng dalawang buwan nag simula ng mag pakita ang ilang mga alter niya.
Sampong alter ang nag pakita sa loob ng dalawang buwan. Hindi pa doon kasama sila Damon at Achaz.
Ang sampong yun, may kanya kanyang mga pangalan.
Sila James, Arthur, Jason, Michael, Diego, Jack, Jackson, Hewitt, Taniel at Billy. Iba't iba din ang mga personalidad nila. Ibang iba kila Achaz at Damon.
Si James na babakla bakla, si Arthur na Iyakin, si Jason na bully, si Michael na play boy, si Diego na tulog ng tulog, si Jack na sinungaling, si Jackson na mainitin ang ulo, si Hewitt na basa ng basa ng libro, si Taniel na madasalin at si Billy na englishero.
Lahat sila ay nakaharap namin ni Shawn, lahat sila ay nakausap namin at naitanong din namin sa kanila ang tungkol kay Damon at Achaz, Lahat sila iisa ang sagot tungkol kay Damon, lahat sila kilala si Damon pero sila Jason, Jackson at Jack lamang ang nakaka-kilala kay Achaz, ang tatlong yun sinasabi nila na si Achaz daw ay mabait, si Achaz daw ay inosente at si Achaz daw ay natatakot kay Damon. Bagay na hindi namin maintindihan ni Shawn.
"Damon." Tahimik ang buong kwarto kung saan naruruon kami nI Shawn kasama si Damon, nasa harap namin si Damon at nakayuko, Hindi ito tumitingin sa amin.
"Damon." Muli kong tawag, tumingin sa akin si Damon, ang mga mata niya ay blangko, walang emosyong makikita sa kanyang mukha, nakakatakot ang mga mata niya, blangko ito ngunit para ka nitong hinihigop. Napalunok ako habang nakatingin kay Damon na nakasuot ng white gown at may mga posas sa kanyang paa at kamay, para siyang kriminal ang pinagkaiba nga lang ay si Damon ay nakasuot ng whte gown na pang mental.
"Ang sabi ni doc inomin mo daw ang gamot mo." Sabi ko saka nilapit sa kanya ang gamot na binigay sa amin ng doctor niya.
Tinitigan niya lamang ito saka muling binalik ang tingin sa akin.
"Damon, inomin mo na ang--" hindi natapos ni Shawn ang sasabihin niya ng pabagsak na hinampas ni Damon ang mga kamay niya sa bakal na mesa dahilan para magulat kami ni Shawn. Agad kaming napatayo at napalayo sa kanya bagay na kinatawa ni Damon.
"Damon, Damon, Damon." Banggit ni Damon sa pangalan niya, simbolo na hindi si Damon ang kausap namin kundi isa sa mga Alter. "Bakit ba Damon ang lagi niyong binabanggit? Ano ba at sino ba ang Damon na iyon?" Natatawang tanong nito saka nakakatakot na ngumiti sa amin.
"S-sino ka?"tanong ko.
"Sino ka?" Balik niyang tanong. Napatingin kami sa pinto ng kwarto kung saan kakapasok lamang ni Doc habang may nakasunod na mga lalaki sa kanya.
"Shawn, Rodolfo, lumabas na muna kayo. Ako na ang bahala sa kaibigan niyo." Seryosong sabi ni doc kaya naman tumango tango kami. Muli kong tinitigan si Damon na nakangisi sa akin.
"I swear, I'm going to cut your throat and drink your blood HAHAHAHAHAH!" Nanlalaki ang mga mata nito habang sinasabi iyon ni Damon, alam namin na hindi si Damon ang kaharap namin. Hindi ganon ang kilos ni Damon, o ng kahit na sino'man sa mga alter na una na naming nakilala. Ang isang iyon ay parang baliw.
Ilang oras ang lumipas, sa labas ng kwarto kung saan naruruon si Damon at ang doctor ay nakatambay kami ni Shawn at inaabangan ang paglabas ng doctor.
Agad kaming napatayo ni Shawn ng magbukas ang pinto at lumabas don ang isa sa dalawang lalaking kasama ni Doc, sunod na lumabas sila Doc at isang lalaki na sugatan.
"Ano pong nangyare?"tanong ko habang nakatingin sa lalaking may sugat. Sinarado ng isang lalaki ang pinto at nilagyan ng lock, nagulat pa kami ng lumabas sa salamin ang nakakatakot na mukha ni Damon habang may nakakatakot na ngiti sa kanyang mga labi at kinakalampag ang salamin.
"Ipapaliwanag ko mamaya sa inyo, sa ngayun kailangan ko munang gamotin ang sugat nya."sabi ni Doc kaya naman tumango kami ni Shawn at sumunod sa kanya, napadpad kami sa office niya at doon sa maliit na clinic sa loob ng office niya ginamot ang lalaking may sugat sa mukha.
"Ano po bang nangyare?"tanong ni Shawn habang binibigyan ng bulak ang doctor.
"Sinugod siya ni Chai." Sabi ng doctor kaya napatingin ako sa kanya.
"Chai?"tanong namin ni Shawn.
"Ang Host." Sagot ng doctor kaya natigilan kami ni Shawn at nagkatinginan.
"Po? Si Chai ang host? Yung kanina po na parang baliw?"tanong ni Shawn.
"Absolutely." Sagot ni Doc saka nilagyan ng bandaid ang sugat ng lalaki. "Salamat, can you please leave us first? Mag uusap lang kami." Sabi ni Doc sa lalaking ginamot niya, agad naman itong tumango saka lumabas. Tumingin ako kay Doc saka umupo sa inuupuan ng lalaki kanina.
"Doc, nakakatakot si Damon kanina." Sabi ko, huminga ng malalim si Doc saka ngumiti sa amin ni Shawn.
"Ang kaninang nagpakita sa inyo ay hindi si Damon." Sabi nito bagay na alam namin ni Shawn. "Siya si Chai, ang host o nag mamay-ari sa katawan." Sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Shawn.
"P-po? Yun yung host?" Tanong ni Shawn.
"Yes, Base sa pagaaral ko at mga statement ng ilang alter ni Chai, si Chai ang host sa katawan. Ang huling pag uusap namin ni Damon ang naging dahilan para malaman ko kung ano ang ugali ng host, at inamin sa akin mismo ni Damon na ang host ay isang psychopath." Napakunot ang nuo ko sa sinabi ng Doctor.
"P-po?" Tanong ko, huminga siya ng malalim saka may kinuhang Flashdrive sa ilalim ng mesa niya saka ito kinabit sa laptop na nasa tabi niya at may kung anong pinlay na video.
Video na si Damon lamang ang makikita, hindi namin alam kung kelan ito kinunan pero nasa ibang lugar si Damon.
"Damon, ikaw ba yan?" Boses iyon ni Doc, tumingin si Damon sa harap niya saka tumango tango, Malamig ang mga mata ni Damon at walang emosyon ang kanyang mukha, yan ang una kong tinitignan dahil yun ang palatandaan ko kay Damon.
"Kilala mo ba kung sino ang host?"
"Chai." Malamig na sagot ni Damon saka tumingin ng deretso sa harap niya.
"Sino si Chai at ano ang ugali niya?"
"Isa siyang...... Baliw, parehas lang sila ni Achaz."
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Doc
Inangat ni Damon ang paningin niya.
"S-sila ang pumatay sa magulang ko."
Nabigla kami ni Shawn at nagkatinginan ng aminin ni Damon ang nangyare sa magulang niya, maging si Doc ay nagulat sa sinabi ni Damon. Natahimik ang video dahil sa sinabi ni Damon.
"Si Chai, inutusan niya si Achaz na hiwain ang ulo ni mama." Napalunok ako sa sinabi ni Damon, hindi naman nag sasalita si Doc at nakikinig lamang kay Damon.
"K-kitang kita ko kung paano malagutan ng hininga ang mga magulang ko, dinig na dinig ko pa ang huling sinabi ng mga magulang ko bago sila mawalan ng hininga." Nakita ko ang pag landas ng luha ni Damon habang nakatingin ng seryoso kay Doc.
"Hustisya."Malamig at walang emosyong sabi ni Damon. "Yan ang huling binitawan ng aking mga magulang bago sila mawalan ng hininga at tuluyang mapugutan ng ulo."
Tila tumigil ako sa pag hinga dahil sa mga sinabi ni Damon, sa video ay diniscribe niya kung paano patayin nila Achaz at Chai ang mga magulang niya.
"Bakit gustong gusto mong mamatay Damon?" Tanong ni Doc kay Damon. Nakita ko kung paano ngumisi si Damon at ngumiti, isang ngiti na totoo.
"Kase sa paraan na yon, mabibigyan ko ng hustisya ang mga magulang ko pag namatay ako." Malamig na sabi ni Damon dahilan para manghina ako.
Kaya pala noong una namin siyang makita ni Shawn ay nais niyang mag pakamatay. Kaya pala lagi niyang tinatangka ang mag pakamatay dahil ang paniniwala niya, kapag namatay siya ay matutupad nya ang hiling ng magulang niya na bigyan sila ng hustisya.
"Gusto kong maalis si Achaz, gusto ko ako ang maging Host ng sa ganon ay mawala din si Chai. Pero mahirap at imposible ang bagay na iyon dahil alam ko kung ano ang katayuan ko sa katawang ito. Gaya ni Achaz isa lamang akong alter. Pero si Chai, siya ang host pero ang ugali niya ay pang alter." Malamig na sabi ni Damon.
Biglang namatay ang video kaya napatingin kami kay Doc na huminga ng malalim.
"Galing na mismo kay Damon na isang baliw si Chai, bagay na mahirap at komplikado dahil si Chai ang host at kahit na anong oras pwede niyang bawiin kay Damon ang katawan na pag mamayari niya." Sabi ni Doc.
"Doc paano po yun? Hindi po ba pwedeng alisin si Chai kagaya ng kung paano niyo napaalis yung ibang alter?"tanong ni Shawn.
"Si Chai ang Host, Shawn. Hindi naalis ang host dahil siya ang may ari ng katawan. Si Achaz at Damon pwede silang mawala pero si Chai, hindi. Kung sakaling gagaling si Chai at mawawala si Achaz at Damon, ilalagay namin sa mental si Chai ng sa ganon ay wala siyang masaktan." Sabi ni doc kaya nagkatinginan kami ni Shawn.
Mahirap, komplikado. Bata pa lamang kami at unti palang ang nalalaman tungkol sa kondisyon ni Damon, pero dahil sa mga sinabi ni Doc, doon ay napag tatanto ko na kahit mawala si Achaz hindi mawawala si Chai at may posibilidad na si Damon ay mawala dahil sa gamot na iniinom ni Damon ngayun.