Chapter 16: Personality

Nilingon ko si Shawn na nakasilip sa malaking salamin na nakaharang sa pagitan ng kwarto kung saan kami nanunuod at kwarto kung saan nasa loob si Damon kasama ang isang Psychiatrist. Mula dito sa kinatatayuan namin ay naririnig namin ang pag uusap ng dalawa.

Nakasuot ng puting gown si Damon, habang may dalawang lalaki sa likod niya.

"Ilang taon ka na?"tanong sa kanya ng babaeng Psychiatrist.

"12." Malamig na sagot ni Damon, inabot ko kau Shawn ang mineral water na hawak ko, agad niya naman itong tinanggap saka muling tumingin kay Damon.

"Ilang taon mo ng nararanasan ang mga bagay na sinabi mo sa akin?"tanong ng babae kay Damon.

"Simula ng 10 years old ako." Malamig na sagot ni Damon, walang emosyon sa kanyang mukha. Pinag cross ko ang aking braso saka sumandal sa upuan.

Kahapon ay nagtungo kami nila Damon at Shawn sa bahay ng Psychiatrist na kaharap ni Damon ngayun, porsigido si Damon na mawala si Achaz kaya naman kahit madaling araw na ay hindi namin tinantanan ang doctor.

"May naaalala ka ba pag lumalabas si Achaz?"tanong ng doctor kay Damon.

"Minsan wala, minsan meron." Sagot ni Damon.

Matapos ang naganap, noong unang encounter namin kay Achaz, sinugod namin si Damon sa hospital dahil sa saksak niya sa tyan, agad naman siyang nalunasan at ilang araw ang lumipas ay pinauwi din siya ng doctor.

"Gaano kadalas lumabas si Achaz?"

"Hindi ko alam."

Simula noon ay hindi na namin na encounter si Achaz. Dahil din sa muntikan ng pag saksak ni Achaz kay Shawn, sinabi ni Damon na lumayo muna si Shawn sa kanya upang makasigurado na hindi na mauulit ang pag tangka ni Achaz sa buhay ni Shawn.

"May pagkakataon ba na sumasakit bigla ang ulo mo kapag lalabas si Achaz?" Tanong ng doctor. Umiling si Damon.

"Sa tuwing nakakatulog ako, sa tingin ko doon lamang lumalabas si Achaz, wala akong nararamdaman kapag lumalabas siya." Sagot ni Damon.

Tahimik kaming nanunuod ni Shawn mula dito sa malaking salamin, ilang oras ang lumipas ng makita naming tumayo na ang doctor habang si Damon naman ay nakaupo parin, nakita naming tinapik ng Doctor si Damon sa balikat bago lumabas sa kwartong iyon at hinarap kami.

"Ano po, kamusta po?"tanong ko agad. Huminga ng malalin ang doctor saka sumenyas na sumunod kami sa kanya. Agad naman kaming sumunod sa kanya hanggang sa makapasok kami sa isang kwarto, sa palagay ko ay opisina niya.

"Kamusta po si Damon? Makakauwi na po ba siya?"tanong ni Shawn, tumingin sa amin ang doctor saka umiling.

"Sa kaso ni Damon, hindi ko muna siya papayagang umuwi kasama niyo." Sabi ng doctor kaya natahimik kami. "Delikado dahil wala siyang magulang at wala rin kayo." Dagdag nito.

"Ano po bang nangyayare sa kanya? Doc hindi ko po kasi maintindihan, si Ronald lang po nakakaintindi sa aming tatlo kung anong nangyayare sa kanya." Sabi ni Shawn at napatingin sa akin. Nakita ko ang pag buntong hininga ng doctor.

"Hindi pa appropriate na sabihin sa inyo ang ganitong bagay, pero dahil mga kaibigan kayo ni Damon at nag aalala kayo para sa kanya, sasabihin ko na ang sa tingin ko ay nangyayare sa kanya." Sabi ng doctor.

Tumahimik kaming dalawa ni Shawn saka buong atensyomg nakatingin sa doctor.

"Alam niyo naman na si Damon ay may Multiple Personality Disorder hindi ba?"tanong ng doctor. Tumango tango kami bilang sagot.

"Aware naman na kayo kung ano ang Multiple personality disorder?" Tanong nito kaya tumango tango ako.

Tumingin ang doctor kay Shawn.

"Ang multiple personality disorder ay isang disorder na kung saan nagkakaruon ng dalawang katauhan sa iisang katawan, gaya ni Damon at Achaz." Paliwanag ng doctor kay Shawn. Huminga ito ng malalim saka tumingin sa amin. "Sa sakit niya, kaming mga psychiatrist ay may tinatawag na 'Host' ang host ang tunay na nag mamay-ari sa katawan ng taong may MPD. Sa kaso ng kaibigan mo, si Damon....... hindi siya ang host." Napatigil kami sa sinabi ng doctor. Nagkatinginan kami ni Shawn.

"P-po?"

"Hindi si Damon ang nag mamay-ari sa katawan na iyon, isa lamang sya sa personalities na nasa loob n'on. At sila ang mga tinatawag aming 'Alter' " Sabi nito kaya mas lalo kaming naguluhan ni Shawn.

"Kung ganon po ay si Achaz ang host?" Tanong ni Shawn, umiling ang doctor.

"Hindi, isa lang din siyang alter." Sagot ng doctor kay Shawn, napasandal ako sa kina uupuan ko.

"Kung ganon po, sino ang host?" Tanong ko, nag kibit balikat ang doctor.

"Yun ang aalamin ko, kaya habang pinag aaralan ko ang kaibigan niyo ay dito muna siya pansamantala, Pwede niyo siyang dalaw-dalawin at kamustahin habang pinag aaralan ko siya." Sabi ng doctor, natahimik na lamang kami ni Shawn, napatingin ako sa bintana ng opisina ng doctor na kaharap namin saka nag isip ng malalim.

Kung isa lang din si Damon sa alter na sinasabi ng doctor na kausap namin, bakit nais niyang mawala si Achaz? Sino ang host sa katawan na iyon? Ano at sino pa ang ibang alter na nasa katawan na iyon?

"Base sa mga sinabi ng kaibigan niyo, si Achaz palamang ang nae-encounter niyang Alter, kadalasan sa isang taong may MPD, ang alter ay umaabot sa 100 ang alter. Posible na may iba pang Alter sa katawan na iyon."Paliwanag ng doctor. "Si Damon, ang kadalasang alter na nag papakita." Dagdag nito.

"Mawawala ba ang mga alter na iyan?" Tanong ni Shawn sa doctor. Tumingin ang doctor sa kanya ng seryoso.

"Oo, pero hindi." Sagot nito saka huminga ng malalim. "Masyado pa kayong mga bata upang maunawaan ang mga bagay kagaya nito. Sa ngayun, kakailanganin ko ang kaibigan niyong si Damon upang pag aralan ang kung sino'man ang host niya. Nabanggit din ni Damon sa akin na nais niyang mawala si Achaz, bagay na nais kong malaman." Sabi nito kaya bigla akong kinabahan.

Paano kapag nalaman ng doctor na ito na pinatay ni Achaz ang mga magulang niya? Na may namatay na tao dahil sa Alter na iyon? Malamang ay mag susumbong sa polisya ang doctor na kaharap namin at ipapahuli si Achaz.

Nababahala din ako para sa doctor dahil sa oras na lumabas si Achaz at napa-trigger ng doctor na ito ang alter na iyon ay malamang dadanak na naman ang dugo.

"P-paano mo po malalaman kung yung Host na ang kaharap mo at hindi na Alter?"tanong ni Shawn. Ngumiti ang doctor sa amin.

"Madali lang, may binigay na isang detalye si Damon para malaman ko kung sino ang host." Sabi nito saka inalis ang nakasuot na salamin sa kanyang mata.

"Malapit ng matapos ang oras ng pag bisita, bumalik na lamang kayo dito bukas upang kausapin si Damon." Sabi nito at tumayo, tumayo narin kami ni Shawn at tumango sa doctor.

"Maraming salamat po, aasahan namin na magagamot niyo si Damon." Sabi ko, ngumiti sa akin ang doctor.

"Hanggat kaya ko, makaka-asa kayo." Sabi nito dahilan para mapangiti ako at makaramdam ng ginhawa.

Damon, hindi pa tayo masyadong matagal na magkakilala, hindi pa kita gaano kilala pero makaka-asa ka na tutulungan ka namin, tutulungan ka naming mawala si Achaz.