Chapter 15: Multiple

Nakatitig lamang kami ni Shawn sa taong kaharap namin, Ngumiti ito sa amin dahilan para kilabutan ako sapagkat ito lamang ang unang beses na nakita naming ngumiti sa amin si Damon, sa loob ng isang buwan na pag sasama naming tatlo ay hindi pa ngumingiti sa amin si Damon, dahilan para mas lalo akong maniwala na hindi siya si Damon kundi siya si Achaz.

Ngumiti ako sa kanya saka nilabas ang notebook at ballpen.

"Kumain ka na Achaz, sasama ka ba samin mamaya?" Tanong ko habang hindi tumitingin sa kanya, nag simula akong mag sulat sa notebook na nilabas ko, narinig ko naman ang pag mura ng mahina ni Shawn kaya tumingin ako sa kanya na nakatingin kay Achaz.

"Shawn, hainan mo ng pagkain si Achaz, hindi dapat nagugutom ang pinsan ko." Sabi ko kaya naaptingin sa akin si Shawn na naguguluhan sa nangyayare, kahit na hindi niya gets ang mga nangyayare at gulong gulo siya ay sinunod niya na lamang ang utos ko, ngumiti ako saka binaling ang tingin kay Achaz na nakatingin sa akin.

"Umupo ka na dito insan." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Insan? Bakit sinabi mong pinsan kita?" Tanong niya saka dahan dahang lumapit sa harap ko.

"Kung sakali na lumabas si Achaz, mag pakilala ka bilang pinsan niya." Napatingin ako kay Damon na seryosong nakatingin sa akin, kumunot naman ang nuo ko saka nag patuloy sa pag lalaro ng mobile legends.

"Bakit naman?" Tanong ko habang nakatingin sa screen ng cellphone ni Damon na hiniram ko.

"Para hindi niya kayo patayin." Bigla akong napaangat ng tingin sa kanya, narinig ko pa ang tunog na 'Defeat' habang nakatingin sa kanya.

"Si Achaz ang pumatay sa tumatayo naming magulang. Pinatay niya sila ng walang kaawa awa matapos nilang hindi pag bigyan ang hiling ni Achaz." Seryosong sabi ni Damon, ibinaba ko ang hawak kong cellphone saka binigay sa kanya ang buong atensyon ko.

"Humihiling si Achaz na magkaruon siya ng isang pinsan na makakalaro niya, pero hindi pinayagan nila mama at papa yun dahil una sa lahat wala silang mga kapatid upang magkaruon sila ng pamangkin at tatayong pinsan ni Achaz." Sabi niya saka tumingin sa harap.

"Paano mo naman nalaman ang tungkol sa bagay na iyan?" Tanong ko, tumingin siya sa akin.

"Bawat kwarto sa bahay ay may cctv at narerecord at naririnig doon ang pinag uusapan nila, napanuod ko ang footage ilang minuto bago patayin ni Achaz ang mga magulang namin, narinig ko pa kung ano ang huling sinabi ni mama bago siya tuluyang bawian ng buhay." Sabi niya.

"Ano naman iyon?" Tanong ko, hindi siya sumagot.

"Basta, gawin mo na lamang ang sinabi ko kung nais mong hindi humiwalay ang ulo mo sa katawan mo."

"Dahil pinsan mo naman talaga ako?" Sagot kong tanong kay Achaz na abot tenga ang ngiti, magkaiba sila ni Damon. Si Damon ay malamig at suplado habang ito namang si Achaz at palangiti pero ang creepy niya.

"Talaga? pinsan kita?" Hindi makapaniwalang tanong ni Achaz sa akin, tumango tango ako bilang sagot, mabilis siyang umupo sa harap ko saka masayang tumingin sa akin.

"Paano mo nalaman na pinsan kita?" Tanong niya, sumandala ko sa upuan ko saka pinag cross ang braso ko saka ngumiti sa kanya.

"Dahil parehas tayong gwapo?" Sagot ko dahilan para matawa siya. "Pinakilala ka na sa akin ni tita noong mga bata pa tayo, hindi ko alam kung natatandaan mo ba iyon o hindi pero ang liit mo pa ng mga panahong iyon." Sabi ko kaya napangiti siya.

"Talaga? alam mo ba gustong gusto kong magkaruon ng pinsan na makakalaro." Sabi niya pero agad siyang natigilan at umiwas ng tingin. "Pero insan, may nagawa akong isang bagay." Sabi niya kaya naningkit ang mata ko.

Aamin ba siya na siya ang pumatay sa mga magulang nila? Ang sabi sa akin ni Damon, wag daw kaming mag titiwala sa kanya dahil hindi pa namin siya lubos na kilala.

"Ano?" Tanong ko, tumingin siya sa akin. "Sila mama." Mangiyak ngiyak na sabi niya kaya bumilis ang tibok ng puso ko, aaminin niya na nga ata na siya ang pumatay sa kanila.

"Sila mama, pinatay sila." Natigilan ako sa sinabi niya, pinagmasdan ko ang mukha niya, umiiyak siya at malungkot ang mga mata, bagay na hindi ko nakita kay Damon noon.

"S-sinong pumatay?"tanong ko, dumating si Shawn na dala ang pagkain ni Achaz, napatingin si Shawn sa akin at kay Achaz na umiiyak.

"Si Damon." Sabi ni Achaz kaya natahimik ako, napatingin sa akin si Shawn.

Maniniwala ba kami? Hindi ko alam.

Pagkakatiwalaan ba namin siya? Hindi ko alam.

Sinabi sa amin ni Damon na wag namin siyang pagkatiwalaan dahil sa hindi pa namin siya lubos na kilala, sinabi niya sa amin na si Achaz ang pumatay sa mga magulang niya. Ngayun na kaharap namin si Achaz, sinasabi naman nito na si Damon ang pumatay sa kanila.

Isang bagay lang ang pinagkaiba nila.

Si Damon, habang sinasabi niya ang bagay na iyon ay wala siyang pinakitang emosyon sa amin. Habang si Achaz, malungkot na emosyon ang pinapakita niya sa amin. Bagay na nakakakombinsi na si Damon nga ang may gawa.

Pero hindi, hindi dapat kami mag tiwala kay Achaz, dahil sinabi sa amin ni Damon na mapanganib si Achaz. Kailangan naming mag ingat kung gusto pa naming tumagal ang buhay namin.

Huminga ako ng malalim saka tumingin kay Achaz. Bigla akong natigilan ng bigla na lamang humagalpak sa tawa si Achaz bagay na kinagulat namin ni Shawn. Para siyang isang baliw kung tumawa, isang tawa na parang may ginawang mali. Isang tawa na lagi naming napapanuod ni Shawn sa mga palabas kapag ang kontrabida ay may nagawang masama.

Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan dahil sa nakakakilabot na pag tawa ni Achaz, ngayun masasabi ko na totoong nag sasabi si Damon ng katotohanan sa amin, masasabi ko din na dapat ay sundin namin si Damon dahil siya ang nakaka-alam kung ano ang totoong ugali ni Achaz.

Tumigil sa pag tawa si Achaz saka nakangising tumingin sa akin.

"Insan, sabihin mo nga sa akin. Masama bang pumatay?" Tanong niya, hindi ko alam ang isasagot ko, baka ma trigger siya pag sinabi kong oo. Baka patayin niya nalang kami bigla kapag sinabi naming oo.

Magnanakaw lamang kami ni Shawn at hindi mamamatay tao, hindi kami dadating sa puntong papatay kami ng tao ng walang dahilan.

"Oo." Sagot ni Shawn kaya napatingin ako sa kanya, tumingin sa kanya si Achaz na may ngisi sa labi habang pinag lalaruan na ang tinidor sa kanyang kamay. Napalunok ako dahil baka kung anong sabihin ni Shawn kay Achaz na makakapag patrigger dito.

"Bakit naman?" Tanong ni Achaz kay Shawn, tumingin sa akin si Shawn saka huminga ng malalim, ramdam ko din ang kabang nararamdaman niya.

"Ikaw ang pumatay sa magulang mo hindi ba?" Tanong ni Shawn kaya nawala ang ngisi sa labi ni Achaz, agad akong naalarma dahil sa sinabi ni Shawn.

"Pinag bibintangan mo ba ako?" Padabog na tanong ni Achaz saka tumayo sa kinauupuan niya at marahas na lumapit kay Shawn saka tinutok kay Shawn ang tinidor na hawak niya.

"Yun naman ang totoo." Matapang na sabi ni Shawn, agad akong pumagitna sa kanila at pilit na nilalayo si Achaz kay Shawn.

"Bawiin mo ang sinabi mo! Hindi ako ang pumatay sa kanila!" Sigaw ni Achaz at marahas akong tinulak palayo sa kanya saka sinugod si Shawn, nanlaki ang mata ko ng iangat ni Achaz sa ere ang tinidor na hawak niya.

"SHAWN!" Sigaw ko at napapikit dahil hindi ko kayang makita ang susunod na gagawin ni Achaz.

Nabalot ng katahimikan ang apartment namin, ilang minuto ang lumipas ng buksan ko ang aking mga mata at dahan dahang tumingin sa gawi nila Achaz at Shawn, nalaglag ang panga ko ng makita kong nakatayo parin si Shawn habang nakatalikod naman sa akin si Achaz.

"S-Shawn?" Tawag ko, nanlalaki ang mata ni Shan na tumingin sa akin saka dahan dahang tumingin kay Achaz.

"Ayos ka lang?" Natigilan ako ng marinig ko ang malamig na boses na iyon mula kay Achaz, napatayo ako at agad na lumapit kay Shawn para tignan kung ayus lang siya, nakahinga ako ng maluwag ng wala naman akong makitang sugat sa kanya, napatingin ako kay Shawn na gulat parin habang nakatingin kay Achaz.

"D-Damon, dumudugo..." Tulalang sabi ni Shawn kaya napatingin ako sa gawi ni Damon at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na ang hawak niyang tinidor ay nakatusok sa gilid ng kanyang tyan.

"D-Damon."Tawag ko sa pangalan ng nasa harap namin, tumingin siya sa amin ng malamig saka marahas na binunot ang nakabaong tinidor sa kanyang tyan.

"Akala ko mamamatay na ako pag sinaksak ko ng tinidor ang sarili ko." Malamig niyang sabi, nakita ko ang pag pikit niya, agad naming sinalo ni Shawn si Damon na nawalan ng malay, hindi ko alam kung dahil ba yun sa sugat niya o dahil yun sa biglaang pag balik ni Damon sa katawan niya.