Chapter 14

Tahimik naming pinagmamasdan ni Shawn ang batang nasa harap namin habang ito ay nag bibihis ng kanyang damit, nagkatinginan kami ni Shawn saka muling binalik ang tingin sa batang nag pakilala sa amin bilang Damon.

"Damon, ang sabi mo kanina nasa loob mo si Achaz, anong ibig mong sabihin doon?"tanong ni Shawn, tumingin sa amin si Damon na tapos ng mag bihis.

Naririto parin kami sa kanilang bahay, sa kabilang kwarto kung saan sinabi ni Damon sa amin na ito ang kanyang kwarto. Kakatapos niya lamang maligo kanina. Sinabi namin na isasama namin siya sa amin kung maliligo siya at aayusin ang sarili niya.

"May sakit ako."malamig niyang sabi habang nakatingin sa amin. "Multiple Personality Disorder." Dagdag niya kaya nagkatinginan kami ni Shawn, hindi namin alam ang ibig sabihin non.

"Ano yun?"tanong ko. Pinanuod namin si Damon na mag tungo sa kanyang damitan, may hinahanap ito.

"Dalawang katauhan sa iisang katawan." Sabi niya habang may hinahanap.

"Baliw ka ganon?"tanong ni Shawn kaya agad ko syang binatukan.

"Ang ibig niyang sabihin, sakit sa pag iisip ganon?"tanong ko, hindi siya kumibo. Nilabas niya ang isang susi saka tumingin sa amin.

"Kung gusto niyong mag palit ng damit, kumuha kayo ng damit jan sa damitan ko, may kukunin lang ako." Malamig niyang sabi saka nag lakad palabas ng kwarto niya. Naiwan kami ni Shawn dito, tumingin siya sa akin saka kinurot ako.

"Tara na, umalis na tayo, baliw pala ang isang iyon." Sabi niya, kumunot ang nuo ko.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi naman ata sya baliw, saka narinig mo naman yung tawag niya sa sakit niya, Multiple ano daw basta iyon, sigurado ako na nasa tamang katinuan siya." Sabi ko.

"Pero inamin niya na pinatay niya ang magulang niya." Sabi ni Shawn na halatang kabado na.

"Si Achaz nga daw ang pumatay." Sabi ko.

"Pero sabi niya, nasa loob niya si Achaz." Sabi niya.

"Kasi nga may sakit siya!" Iritang sabi ko.

"Bahala ka jan, aalis na ako, ayoko pang mamatay. Madami pa akong nanakawin." Sabi niya at akmang lalabas sa kwarto ni Damon ng pag bukas niya ng pinto ay naruruon na si Damon, nakatayo habang may hawak na case.

Agad naman napatakbo palapit sa akin si Shawn, napalunok kami dahil sa awra ni Damon, malamig ang titig niya sa amin, pumasok siya sa loob saka nilapag sa kama niya ang case na hawak niya.

"Nakapili na ba kayo?"tanong niya, hindi kami sumagot, tumingin sa amin si Damon, napailing ito saka binuksan ang case na dala niya.

Halos malaglag ang panga namin ng makita namin ang laman ng Case, punong puno ito ng pera at ilang alahas.

"Pera." Bulong ni Shawn kaya tumingin ako sa kanya. "Buti pinigilan mo ako." Bulong niya, tumingin ulit ako sa dereksyon ni Damon na nakatingin sa amin.

"Sayo yan?"tanong ko. Umiling siya.

"Kay mama." Sabi niya saka kinuha ang isang kumpol ng pera at nilahad sa harap ko. "Bayad ko sa pag sama niyo sa akin dito." Sabi niya kaya napatitig ako sa perang nasa harap ko na hawak niya. Akmang tatanggihan ko na sana ito ng si Shawn na ang mismong kumuha nito mula kay Damon saka ngumiti.

"Walang ano'man." Sabi ni Shawn saka tumingin sa akin, pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi siya nag patalo.

Mukha talaga siyang pera.

"Pwede ka naming dalhin sa lugar namin at sumali sa amin, matutuwa sayo si Boss pag nagkataon." Sabi ni Shawn habang nakatingin kay Damon.

Napailing na lamang ako sa aking loob, basta pera mabilis si Shawn. Parang kanina lamang ay takot na takot ito kay Damon at gusto ng umalis, samantalang ngayun ay parang magkaibigan na silang dalawa.

"Para saan ang mga pera na yan?"tanong ko, tumingin sa akin si Damon.

"Gagamitin ko para mawala si Achaz." Sabi niya kaya napakunot ang nuo ko.

Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya, basta ang alam ko may sakit siya at ang perang nasa harap namin ay gagamitin niya para gamutin ang sakit niya.

~~~

Isang buwan ang lumipas matapos namin makita si Damon sa taas ng puno, isang buwan na din ang lumipas ng dalhin namin si Damon sa lugar namin at ipakilala siya kay Boss.

Agad naman siyang nagustuhan ni Boss dahil sa dala dala niyang pera, pero hindi ito binigay ni Damon kay Boss dahil ang katwiran niya ay gagamitin niya iyon upang maalis si Achaz, bagay na hanggang ngayun ay hindi ko maintindihan.

"Galante talaga si Damon, biruin mo naman simula ng isama naten siya dito lagi tayong may meryenda." Sabi ni Shawn na nakaupo sa tabi ko habang si Damon naman ay natutulog sa isang kwarto dito sa tinutuluyan naming apartment na kinuha mismo ni Damon.

"Medyo umayos pa ang buhay naten ng makita naten siya, buti nalang talaga pinigilan mo ako nong time na gusto ko ng umalis." Sabi ni Shawn kaya napailing na lamang ako. Tumingun sa ginagawa ko si Shawn saka tumingin sa akin.

"Ano naman yang hinahanap mo sa Google?"tanong niya habang nakatingin sa cellphone ko na bigay mismo sa akin ni Damon.

"Multiple Personality Disorder treatment." Basa niya saka tumingin sa akin.

"Diba yun yong sakit ni Damon?"tanong niya, tumango ako bilang sagot.

"Tinulungan niya tayo, kaya tutulungan din naten sya."sabi ko saka binasa ang lumabas sa site about sa MPD.

"Wala akong alam sa mga ganyan pero sige, ano bang sabi? Ano daw gamot? Ako na ang bibili sa botika." Sabi niya.

"Ang sabi dito, psychotherapy daw." Sabi ko.

"Oh? Saang botika meron niyan?"tanong ni Shawn kaya napatingin ako sa kanya.

"Tanga wala sa botika nito." Sabi ko kaya kumunot ang nuo niya.

"Kung wala sa botika, eh di saan ako bibili?"tanong niya, nag basa ulit ako sa site na iyon at kahit na medyo wala akong alam sa bagay na iyon ay pilit kong iniintindi ito.

Hanggang sa sumapit na ang gabi, hindi ko paren nasasagot ang tanong ni Shawn kung saan niya ito mabibili.

Huminga ako ng malalim saka nanuod sa YouTube, ilang minuto ang lumipas at unti unti ko ng nagegets ang mga bagay tungkol sa psychotherapy.

"Alam ko na kung saan." Sabi ko kaya napatingin sa akin si Shawn na kumakain.

"Saan?"tanong niya.

"Kailangan naten ng psychiatrist para maisagawa ang psychotherapy." Sabi ko kaya kumunot ang nuo niya.

"Puro Psy lang naintindihan ko." Sabi niya saka tumayo. "Saan naman ako makakahanap ng ganon?"tanong niya.

"Sa--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sabay kaming mapatingin ni Shawn sa pinto ng isang kwarto kung saan nakatayo ngayon si Damon habang nakatingin sa amin.

"Damon, gising ka na pala, tara kain na." Niyaya siya ni Shawn ngunit nakatingin lamang si Damon sa amin, ibang tingin ito. Hindi malamig, hindi rin normal. Isang titig ito na halatang may masamang gagawin.

"Nasa loob ko si Achaz."

Sa hindi ko alam na kadahilanan ay bigla ko na lamang naalala ang sinabi ni Damon sa amin noong una namin siyang makita at dalhin niya kami sa kanilang bahay.

"Hoi Damon, tara na dito kain ka na."sabi ni Shawn kaya napatingin si Damon sa kanya.

"Sino kayo?"biglang tanong ni Damon dahilan para matigilan kami.

"Hindi niyo pa siya nakikilala, kaya wag kayong mag titiwala kay Achaz."

Napalunok ako habang nakatingin kay Damon, hindi, mali. Hindi si Damon ang kaharap namin ngayun, kundi si Achaz.