Chapter 13: 9 Years Ago
Gazer POV
Sa pangatlong pagkakataon ay muli akong napabuntong hininga habang pinupunasan ang aking basang buhok at nakaharap sa maliit na salamin ng CR ni Damon.
"Gusto ko ding tumulong, gusto kong may alam ako tungkol sa taong tinutulungan ko."
Muli kong naalala ang sinabi ni Erelah kanina. Walang problema sa akin kung tutulungan niya si Damon, ang akin lang ay kaya ayokong sabihin sa kanya ang lahat dahil malalaman niya ang trabaho namin at alam kong mag susumbong siya sa police.
Ibinaba ko ang towel na hawak ko saka tumingin sa reflection ko.
"Ayokong bumalik sa panahong mawawala na naman ako sa sarili ko."
Bigla kong naiyukom ang aking kamao ng maalala ko ang huli naming pag uusap ni Damon noong nasa hospital siya.
Bumalik na naman ang sakit nya, bumalik na naman ang kinatatakutan niya. Naaawa ako para sa kaibigan ko dahil sa kinahaharap niya.
Lumabas ako sa CR at napatingin sa dereksyon ni Erelah na natutulog sa sofa, Napatingin si Havacco sa dereksyon ko saka natawa.
"Stress yan?" Inirapan ko siya saka umupo sa isang silya at nagsalin ng tubig sa isang baso.
"Anong plano?" Tanong ni Havacco saka umihip sa sigarilyo niya. Nilagok ko ang tubig sa baso saka sumagot sa tingin niya.
"Walang mag babago, Gawin ang misyon pero hindi natin muna isasali si Damon." Sabi ko, natawa siya.
"Ang ibig kong sabihin, anong plano mo kay Achaz? Alam mo naman kung anong kayang gawin ni Achaz." Sabi niya, umiwas ako ng tingin, yun pa ang kanina kong iniisip, makakasagabal sa misyon namin si Achaz. Sobrang magkaiba sila Achaz at Damon, minsan na naming nakasama si Achaz at yun ang bagay na hindi namin malilimutan ni Havacco.
Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim, sa pag hinga ko ng malalim ang syang pagbalik ng mga ala-ala ko noong unang makita namin si Damon.
Flashback
9 years ago
"Hoy bata!" Sigaw ko sa batang nakatayo sa taas ng puno, tumingin ito sa akin, isang malamig na tingin pero kapansin pansin ang dugo sa mukha at damit nito. Kumunot ang nuo ko habang nakatingin sa kanya.
"Anong ginagawa mo jan? gabi na para umakyat ka pa jan sa puno." Sabi ko sa batang sa tingin ko ay kasing edad ko lamang, sa palagay ko ay parehas kaming nasa labing dalawang taong gulang, ngunit hindi gaya ko na madumi ang damit at gusgusin, ang batang nasa taas ng puno ay nakasuot ng marangyang damit ngunit may mga dugo sa damit nito.
"Hoy Rodolfo sino ba yang kausap mo?" Napatingin ako sa tumawag sa akin, si Shawn. Lumapit siya sa akin saka tumingin sa tinitignan ko.
"Hoy bata, anong ginagawa mo jan?" Takang tanong ni Shawn sa batang nasa puno.
"Mag papakamatay." Malamig na sabi ng bata kaya nagkatinginan kami ni Shawn saka sabay na natawa, nababaliw na ba ang batang ito?
"Hoy bata, hindi ka mamamatay kung tatalon ka jan sa puno, mababalian ka lang ng buto." Natatawang sabi ni Shawn saka tumingin sa akin.
"Dugo ba yung nasa mukha at damit niya?" Tanong niya, nag kibit balikat ako saka tumingin sa bata.
"Hoy bata, bumaba ka na jan, kung gusto mong mamatay tumalon ka sa tulay ayun oh, ilog ang babagsakan mo, madaming bato doon sa ilalim non, pag nahulog ka doon siguradong bagok ang ulo mo sa mga bato." Sabi ko habang natatawa, natigil kami sa kakatawa ni Shawn ng may ilabas ang bata mula sa likod niya.
"H-Hoy, bakit may baril ka?" Kabadong tanong namin ni Shawn, walang emosyon ang batang nasa taas parin ng puno, tumingin siya sa hawak niyang baril saka tumingin sa amin.
"Babarilin ko ang sarili ko." Sabi niya, kaya nagkatinginan kami ni Shawn, mukhang nababaliw na talaga ang batang ito, babarilin niya ang sarili niya? Suicidal maniac pala ang isang ito.
"Pero dahil sinabi mong tumalon ako sa tulay, sige yun nalang ang gagawin ko." Malumanay na sabi niya kaya naman pinanuod namin siya ni Shawn na bumaba mula sa puno, napalunok kami ng nasa harap na namin ang bata.
"N-nasisiraan ka na ba ng bait? n-nasaan ba ang mga magulang mo?" Kabadong tanong ni Shawn, tumingin ang bata kay Shawn saka binigay ang baril na hawak nito sa kanya, kabado namang kinuha ni Shawn ang baril niya saka tumingin sa akin.
"Patay na." Malamig na sabi ng bata saka tumalikod sa amin, nagkatinginan kami ni Shawn saka sabay na tumingin saa bata.
"P-Patay na?" Tanong namin, muling humarap sa amin ang bata saka kami tinitigan ng seryoso.
"Kanina lang." Malamig na sabi nito kaya napalunok ako, wag niyang sabihin na kanina lang namatay ang magulang niya?
"Namatay ang magulang mo kanina lang?" tanong ni Shawn na mas nag pakaba sa akin, tumango tango ang bata bilang sagot.
"A-anong kinamatay?" Tanong ko, saakin naman tumingin ang bata, nakakatakot ang titig niya, walang emosyon sa kanyang mukha at mga mata, para syang robot.
"Pinatay sila." Tipid niyang sagot kaya napatingin kami ni Shawn sa isa't isa, saka kami napatingin sa hawak ni Shawn na baril na mula sa bata saka sabay kaming napatingin sa bata na may mga dugo.
"S-Sinong pumatay?" Kabadong tanong ni Shawn, umiwas ng tingin yung bata kaya nanlaki ang mga mata ko.
"I-Ikaw ba?" Gulat kong tanong, umiling siya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
"Eh sino?" Tanong ni Shawn.
"Si Achaz." malamig na sabi ng bata saka tumingin sa amin.
...............
Dinala kami ng batang nakita namin kanina sa isang esklusibong village, lahat ng bahay dito ay hiwa-hiwalay. Tahimik at walang masyadong tao, dahil nga sa gabi na at madilim ay nag mistulang ghost town sa sobrang katahimikan ang village.
Huminto kami sa tapat ng isang magarang bahay kaya napatingin kami ni Shawn sa isa't isa saka tumingin sa bata.
"Dito ba yung bahay mo?"tanong ko, tumango siya saka nag simulang mag lakad papasok sa bukas na gate. Sumunod naman kami sa kanya ni Shawn hanggang sa makapasok kami sa loob.
Malaki ang bahay na ito, mamahalin ang mga gamit at halatang mayaman ang nakatira dito. Nilibot namin ang tingin namin ni Shawn habang sinusundan namin ang bata.
"Ang yaman mo naman pala." Sabi ni Shawn saka hinawakan ang isang mamahaling bagay, agad ko namang tinapik ang kamay niya saka pinanglakihan siya ng mata.
"Baka makabasag ka." Bulong ko kaya nag pout ito saka muling sumunod sa bata, umakyat kami sa magara nilang hagdan at pumasok sa isang kwarto.
Halos bumaliktad ang sikmura namin ni Shawn ng makita ang nagkalat na dugo at iba't ibang parte ng katawan ng tao.
Agad na nabuhay ang takot sa dibdib namin ni Shawn dahil sa nakita namin.
Ang isang paa ay nasa sofa, ang putol na kamay ay nasa piano, ang ulo ng isang babae ay naka kabit sa isang mannequin at ang malala pa ay ang katawan ng babae ay may nakalagay na ulo ng lalaki sa leeg nito at tinahi.
"Sinong gumawa nito?" Takot na tanong ni Shawn, tumingin sa amin yung bata.
"Si Achaz." Malamig niyang sabi. Di nakawala sa paningin ko ang pag tulo ng luha ng bata.
"Pero bakit may dugo ka sa damit mo at sa katawan at mukha mo?"tanong ko. Umiwas ng tingin ang bata saka tumalikod sa amin.
"Nasa loob ko si Achaz."