Chapter 12: Achaz

Tahimik lamang akong nakatayo dito sa labas ng bahay ni Damon habang sila Gazer at Havacco ay nasa loob at kinakausap si Damon.

Napabuntong hininga ako saka tumingin sa langit, hindi parin malinaw sa akin kung ano ba ang nangyayare?

Ang buong akala ko ay Magkaibigan lamang sila Gazer at Damon, pero bakit kanina, tinawag ni Damon si Gazer na 'insan'?

Napalingon ako sa pinto ng bahay ni Damon ng magbukas yun at niluwa non si Havacco na may sigarilyo sa labi. Tumingin sa akin si Havacco saka ngumiti.

"Pinapatulog na ni Gazer si Damon." Sabi niya saka tumabi sa akin, ngumiti ako saka tumingin sa harap.

"Ang lalaking yun, ang weird niya minsan." Tukoy ko kay Damon, nadinig ko ang mahinang tawa niya kaya nilingon ko sya.

"Baka mas lalo kang maweirdohan sa kanya ngayung kasama mo siya sa iisang bahay." Sabi niya, nanatili akong nakatingin sa kanya kaya napalingon siya sa akin.

"May itatanong ka?"tanong niya, umiwas ako ng tingin saka sumandal sa kinauupuan ko.

"Kanina, ang sabi niya hindi siya si Damon. Achaz daw ang pangalan niya. Hindi ko alam kung nag bibiro siya o ano, pero ang weird niya kanina, halatang wala siyang alam sa nangyayare. Tinanong niya pa kung sino ako." Sabi ko, naramdaman ko ang pagtahimik niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Nag bibiro lang naman siya hindi ba? Ang kaibigan niyo, ang creepy mag biro." Sabi ko, ngumiti lang siya sa akin saka umihip sa sigarilyo niya.

Sabay kaming napalingon ni Havacco sa pinto ng bahay ni Damon, mula doon ay lumabas si Gazer. Pinanuod ko siyang lumapit sa amin, huminga siya ng malalim saka tumingin sa harap kung saan tanaw ang papalubog nang araw.

"Bumalik nga." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanila ni Havacco na halatang nag kakaintindihan.

"Anong plano?"tanong ni Havacco.

"Anong bumalik?"tanong ko naman kaya sabay silang napatingin sa akin. Nakita kong tumingin si Havacco kay Gazer.

"Sabihin mo na." Sabi ni Havacco kay Gazer kaya napatingin ako kay Gazer na nakatingin sa akin at nag iisip kung sasabihin niya ba.

Huminga siya ng malalim saka tumingin ulit sa harap.

"Bumalik ang sakit ni Damon." Mahinang sabi niya kaya nalaglag ang panga ko. May Sakit si Damon?

"May sakit siya?"tanong ko, tumango si Havacco saka inapakan ang kupos ng sigarilyo na hawak niya.

"May MPD siya." Sabi ni Havacco saka tumingin sa akin. "Multiple Personality Disorder." Dagdag niya kaya natahimik ako.

"Yung kanina, hindi siya si Damon. Siya si Achaz." Banggit ni Gazer kaya napatingin ako sa kanya.

"Alam mo naman siguro ang MPD hindi ba? Dalawang katauhan sa iisang katawan ang nararanasan ni Damon, 3 years ng hindi nag papakita si Acahaz, ngayun palang. Kaya masasabi ko na bumalik nga ang sakit niya." Sabi ni Havacco.

"Naguguluhan paren ako." Sabi ko kaya natawa ng mahina si Havacco.

"May palatandaan kung si Achaz o Damon ang kaharap mo." Sabi ni Havacco. "Si Damon, masungit, bato ang puso at suicidal." Sabi nya saka tumayo. "Si Achaz naman, para sa kanya pinsan niya si Gazer, mabait, matino pero..." Natigil siya sa pag sasalita saka natawa ng mahina.

"Pero ano?"tanong ko. Tumingin siya sa akin saka ngumiti.

"Basta." Sabi niya saka nilabas ang susi ng sasakyan niya. "Kukuha na ko ng damit namin ni Gazer, mukhang dito din kami matutulog hanggang sa bumalik si Damon." Sabi niya kaya pinanuod ko siyang mag lakad palayo sa amin. Tumingin ako kay Gazer ng makapasok si Havacco sa sasakyan niya.

Tahimik lamang si Gazer at may iniisip.

"Hindi ka ba niya sinaktan?"biglang tanong niya, tumingin siya sa akin kaya agad akong umiling.

Muli siyang natahimik saka huminga ng malalim.

"Wala ba kayong balak na dalhin siya sa doctor para mabigyan ng gamot?"tanong ko. Hindi siya sumagot, sa halip ay nakatingin lamang siya sa malayo at malalim ang iniisip.

"Gazer." Tawag ko kaya napatingin siya sa akin. "Sabi ko, wala ba kayong balak na dalhin siya sa doctor para mabigyan siya ng--"

"Ayaw ni Achaz sa mga doctor." Sabi niya kaya natahimik ako. "Basta kung anong sinabi ni Achaz, sundin nalang naten." Sabi niya kaya napakunot ang nuo ko.

"Ha? Bakit naman?"tanong ko. Hindi siya sumagot.

"Bakit pakiramdam ko ayaw niyong sabihin sa akin ang tungkol kay Achaz o Damon o kung sino man sya." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Gusto ko ding tumulong, gusto kong may alam ako tungkol sa taong tinutulungan ko." Dagdag ko, nakatingin lamang sa akin si Gazer.

"Gusto ko ding malaman kung ano ba ang pinag kaiba ni Achaz kay Damon, kung paano nagkaruon ng MPD si Damon at kung bakit parang takot kayo kay Achaz." Sabi ko. "Kung talagang mabait si Achaz bakit parang nag dadalawang isip kayo na sabihin sa akin kung ano ang katangian niya?" Tanong ko.

Tumalikod sa akin si Gazer kaya napatingin ako sa kanya.

"Gusto ka lang namin protektahan." Sabi niya saka nag lakad papasok sa bahay ni Damon, naiwan akong nag iisa dito sa labas ng bahay ni Damon habang nakatingin sa kaninang kinatatayuan ni Gazer.

"Gusto niyo akong protektahan, saan?" Tanong ko sa sarili ko.