Chapter 11: Weird

Erelah POV

Hinigop ko ang sabaw na nasa kutsarang hawak ko saka ninamnam ang lasa nito. Okay na siguro ito, hindi naman siguro avid fan ng maasim si Damon hindi ba?

Agad kong pinatay ang apoy sa kalan saka binalik ang takip ng kaserola at sunod na hinugasan ang mga plato.

Ang sabi niya ay matutulog siya, mukhang mamaya pa ata siya magigising, lumamig na din yung kape na pinapatimpla niya sa akin.

Nang matapos ako mag hugas ng plato ay nag walis ako, napahinto ako sa pag wawalis ng biglang bumaba si Damon sa hagdan.

"Oi, gising ka na pala. Handa na ang pagkain mo, saka yung kape mo lumamig na, gusto mo ipag timpla nalang kita?"tanong ko, tumingin lang siya sa akin, mula ulo hanggang paa saka kunot nuong napatingin sa paligid.

"Nasa bahay ba ako?"dinig kong bulong niya kaya napa kunot ako.

"Tama naman, nasa bahay ako."sabi niya saka tumingin sa akin. "Ms. Mali ka ata ng bahay na nililinisan?" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

"Teka sino ka ba at bakit nasa bahay kita?" Tanong niya, nakikipag biruan ba itong si Damon? Sige kung ganon ay sasakyan ko na lamang siya sa kanyang biro.

"Ako si Erelah, ang jowa mo." Gatong ko, tila nagulat naman sya sa sinabi ko kaya natawa ako. Akala mo jan ha, hindi lang ikaw ang pwedeng mangtrip sa ating dalawa Damon.

"J-Jowa?" Gulat na tanong niya saka napahilamos sa mukha. "K-Kelan pa?" Natawa ako saka umarte na nasasaktan. Ano bang trip mo Damon?

"Matagal na, hindi mo ba naaalala?"mangiyak ngiyak na tanong ko, agad naman siya g naalarma at lumapit sa akin.

"H-ha so-sorry." Sabi niya saka ako niyakap dahilan para matigilan ako. Agad na bumilis ang kabog ng dibdib ko, pakiramdam ko ay tumigil ang oras dahil sa ginawa niya. Napakurap ako ng ilang beses hanggang sa humiwalay siya sa pag kakayakap sa akin at tumingin sa akin.

"P-pasensya ka na kung nakalimutan ko." Tinitigan ko siya sa kanyang mata, walang bahid ng pag bibiro ang makikita doon kaya natawa ako at tinulak siya palayo sa akin.

"Ano ka ba Damon? Ano na naman yang kabaliwan mo? Kumain ka na nga, mukhang nalipasan ka na naman ng gutom." Natatawa kong sabi saka pinag patuloy na lamang ang aking pag wawalis. Akmang hahakbang na ako palayo sa kanya ng magsalita siya.

"Damon?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. "S-sino si Damon?" Natigilan ako sa sinabi niya at medyo kinilabutan. Sinaniban ba siya ng masamang espirito kaya hindi niya maalala ang pangalan niya?

"Ikaw, Damon ano ba? Tama na nga yan. Nakakatakot ka na, kumain ka na lamang doon." Sabi ko saka hinawakan ang dustpan na nasa tabi ko.

"Pero hindi Damon ang pangalan ko." Mas lalo akong natigilan sa sinabi niya, tumingin ako a kanya saka napaatras.

"Lord God, kung sino'man po ang nakakadinig sa akin, paalisin niyo po ang masamang espirito na sumanib sa katawan ni Damon." Bulong ko saka napa-sign of the cross.

"Ano bang ginagawa mo? Teka lang ha, lilinawin ko lang. Hindi Damon ang pangalan ko kaya siguro nag kakamali ka ng akala na ako ang jowa mo. Achaz ang pangalan ko, hindi Damon. Achaz." Sabi nito dahilan para malaglag ang panga ko.

Achaz? Hindi ba't second name niya yun?

"Hay nako Damon, ewan sayo, umupo ka na nga don at ipag hahanda na kita, ako ang kinikilabutan sayo gaga ka." Sabi ko saka binitawan ang walis at dustpan saka nag tungo sa kusina.

"Umupo ka na jan, pinag luto kita ng sinigang. Gusto mo ba na timplahan ulit kita ng kape? Mukhang malamig na kasi yung kape mo." Sabi ko, nakatingin lamang siya sa akin kaya naman tahimik akong nag sandok ng kanin at hinanda ang pagkain niya.

Naguguluhan naman syang umupo sa upuan habang nakatingin sa akin, ano na naman bang trip ng lalaking ito? Parang kanina lang para siyang babae kung makapag taray saken tapos ngayun sinasabi niya na hindi siya si Damon at Achaz ang pangalan niya. Abnormal na ba siya? O baka side effect lang yun ng gamot na iniinom niya?

Matapos kong paghandaan ng pagkain si Damon ay pinag patulou ko na ang pag wawalis sa sala, bago yun ay tinext ko muna si Gazer na pumunta dito sa bahay ni Damon dahil talagang ako ay kinikilabutan sa kinikilos ni Damon.

Hindi ko alam kung prank ba o ano ang trip nito ni Damon, pero kinikilabutan talaga ako sa kanya kaya naman humingi na ako ng tulong kay Gazer.

"Tapos ka na ba kumain?"tanong ko. Tumingin sa akin si Damon.

"Hindi ka pa kakain?"tanong niya sa akin, nakangiti akong umiling saka niligpit ang mesa.

"Busog pa ako, kumain ako ng tinapay kanina."sabi ko at patuloy na nag liligpit.

"Sya nga pala, kung talagang Jowa kita, bakit hindi ka sweet sa akin?" Natigilan ako sa sinabi niya at nalaglag ang panga dahil sa tanong niya. Napatingin ako sa kanya ng de-oras at nakita ang nag tatakang expression niya.

Seryoso? Akala ko gets niya na joke ko lang yun? Bakit parang tinutoo niya?

"Oi, tinatanong kita." Sabi niya kaya naitikom ko ang panga ko saka natawa.

"Wala lang." Sagot ko nalang saka nilagay ang plato sa kusina. Josmio Gazer, nasaan ka na? Kinikilabutan na talaga ako sa kaibigan mo na ito.

"Gusto mo ba mag date tayo?" Halos mapadasal na ako ng ama namin dahil sa tanong nya, tumingin ako sa kanya at naka tayo na siya mula sa kanyang kinauupuan.

"H-ha?" Gulat na tanong ko.

"Sabi ko, gusto mo ba na mag date tayo?"tanong niya kaya napalunok ako.

S-si Damon? Yung supladong Damon, niyayaya akong mag Date? Seryoso ba ito?

"Erelah." Napatingin kami ni Damon sa pinto ng mag bukas yun, mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Gazer na kakapasok lamang kasama si Havacco.

"Insan, napadalaw ka?" Napatingin ako kay Damon ng sabihin niya yun. Nakangiti siyang nakatingin kay Gazer habang si Gazer naman ay nagulat at natigilan sa sinabi ni Damon.

"Insan?" Tanong ko kaya napatingin sila sa akin. Akala ko ba friend lang sila?