Chapter 43: Parusa
"HOY, bumangon ka riyan!"
"Argh!" Daing ni Tony habang sapo ang nasaktang tagiliran kung saan tumama ang sipa ng lalaking siga sa selda kung saan siya nakakulong.
"Bumangon ka riyan at hilutin ang likod ko!" Bulyaw muli ng lalaking kinikilalang pinuno sa seldang iyon kay Tony.
Nagkatawanan ang lahat nang manginig ang kamay ni Tony habang sinusunod ang gusto ng pinuno nila. Isang buwan na rin mula nang mahatulan siya ng habambuhay na pagkabilango. Sa unang araw pa lang ay nakaranas na siya ng kalupitan ng mga kasama sa selda. Noong una ay lumaban siya at umaastang mataas pa ring tao. Ngunit sa halip na matakot sa kaniya ang mga ito ay lalong nagalit at napagtulongan siya. Walang takot mamatay at makapatay ang mga kasama niya dahil tulad niya ang hatol sa mga ito.
"Tony, dumating na ang rasyon mo!" sigaw ng bantay ng selda at bitbit nito ang isang paper bag na naglalaman ng pagkain.
"Salamat, warden!" Nakangisi na kinuha iyon ng isang lalaki.
"Akin iyan!" Tangkang aagawin ni Tony ang pagkain ngunit sinipa siya ng lalaki.
"Ang tulad mong walang awa sa mga bata ay hindi dapat kumakain ng masasarap na pagkain!"
"Tama!" Segunda ng lahat at nagkatawanan. Sila ang umubos ng pagkain na para kay Tony.
Lapat ang ngipin habang iniindda ni Tony ang sakit sa katawan. Bawal pa siyang dalawin ng kakila o kamag-anak. Kahit anong request niya ay hindi pinagbibigyan. Hindi rin nadadala sa suhol ang warden at bantay sa selda upang maging maayos sana ang kalagayan sa loob.
"Ano ang pakiramdam nang nakakulong at pinagmamalupitan?" nakangising tanong ng warden kay Tony. Isang buwan palang ito sa kulongan ngunit mukhang pulubi na ito tignan.
Walang magawa si Tony kundi ang ikuyom lang ang kamao at tagis ng bagang. Hindi niya alam kung hanggang kailan kayanin ng kaniyang katawan ang pagpapahirap sa kaniya sa loob. Bukod sa halos siya na ang nagtrabaho sa loob ay kulang pa siya sa kain. Kahit hindi gusto ang pagkain ay napilitan siyang kainin.
"Nakita mo na ba ang hitsura ni Tony?" tanong ni Micko kay Cloud.
Umangat ang isang bahagi ng labi ni Cloud at tumango sa kaibigan. "Hindi pa iyan sapat, kulang pa kumpara sa ginawa niya sa mga nabiktima nila."
Lumapit na rin sina Jeydon at Dexter sa dalawa at sinilip ang mukha ni Tony. Mukhang dumoble na ang tanda nito at hindi na kagalang-galang tignan. Siniguro nilang mahirapan ito sa loob ng kulongan at hindi matulongan ng pera nito.
"Mauna na ako, dadalawin ko muna sila." Paalam ni Cloud sa mga naroon.
"Sasabay na rin ako, naroon ngayon si Mae." Tumayo na rin si Micko at sumunod kay Cloud.
Kahit tapos na ang kaso at nakulong lahat ng kasabwat ni Tony ay nag-iingat pa rin sila Cloud. Hindi maaring may makakilala sa kanila kapag pumasok sa hospital.
Pagkapasok sa basement ay naabutan nila Cloud si Ashton na siyang tumitingin sa blood pressure ng pasyente.
"Wala pa rin bang pagbabago?" tanong ni Cloud habang pinagmamasdan ang mukha ni Raiko.
"Maayos na ang tibok ng puso niya ngunit wala pang kasiguradohan kung kailan siya magigising." Sagot ni Ashton sa kaibigan.
Napabuntonghininga si Micko at lumipat ang tingin kay Dark. Kahit hindi na ito nanlalaban ay nanatili pa ring naka posas ito. Tahimik lang itong nakaupo sa tabi ni Raiko at ayaw din nitong mapawalay sa kaibigan nila. Naging successful ang operasyon sa kaibigan nila ngunit nagkaroon ng kumplikasyon. Sa tagal na kasi ng sakit nito at sa gamot na itinurok dito noon kaya apiktado na ang ilan sa internal organ nito. Nadugtongan ang buhay nito ngunit may tendency pa rin na babalik ang sakit nito kung magising na ito.
Yumakap si Angel Mae sa asawa at pareho nilang kinausap si Raiko kahit tulog pa rin ito.
"Hindi ka raw kumakain?" tanong ni Cloud kay Dark nang malapitan ito. Ginagamot na rin nila ang sakit nito sa pag-iisip. Ngunit tulad sa kaibigan nila ay may natuklasan ding sakit nito na tumor sa utak.
Tumingin lang si Dark kay Cloud at walang salitang ibinalik ang tingin kay Raiko. Mula nang makita ang dalaga na hindi pa nagigising ay hindi ito nagsasalita.
Muling napabuntonghininga si Cloud, hindi nila mapilit si Dark na magpa opera at ayaw umalis sa tabi ni Raiko. Para dito ay ayaw na rin patagalin ang sariling buhay katulad ng kay Raiko. Sasamahan nito ang dalaga hanggang sa kabilang buhay.
"Maayos na ang lugar na titirhan ninyo kapag nagising na siya." Pagpatuloy na kausap ni Cloud sa dating kaibigan.
"Sa-salamat!" namamalat ang boses at sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na muli si Dark.
Ayaw ni Cloud kaawaan si Dark kaya nanatiling madilim ang aura na hinarap ito. "Hindi ka pwedeng maging mahina. Alalahanin mong ikaw ang mag-aalaga kay Raiko at wala kayong ibang kasama sa isla na inyong pupuntahan."
Muling inabot ni Mae kay Dark ang pagkain nang mapansin na nakikinig na ito kay Cloud.
Tumango si Cloud kay Micko nang makitang kumain na ng maayos si Dark. Hindi nila ito tinignan upang hindi mailang.
"Kailangan na nating umalis." Pukaw ni Cloud sa katahimikan habang nakatingin sa relong pambisig.
Mabilis na inakbayan ni Micko si Mae at inakay na rin ito paalis. Pupunta sila ngayon sa isang sikat na designer ng damit upang magpasukat ng damit angkasal.
Nakangiting sinundan ni Ashton ng tingin ang dalawang kaibigan. Masaya siya dahil lalong tumibagy ang samahan ng mga ito. Magkaroon ng double weeding ang grupo nila at engranding kasal ang magaganap. Dahil parehong sa huwes lamang ikinasal ang mga ito, kaya nagpasyang sabay na ganapin ang kasal ng mga ito sa simbahan. Lumabas na rin si Ashton at maiwan sa loob ay tanging si Dark at ang isang nurse.
"Gising na para masaksihan mo ang kasal ng mga kaibigan natin." Paanas na bulong ni Dark sa natutulog na dalagang kaniyang mahal.
Napangiti si Raiko pagkarinig sa boses ni Dark. Naririnig niya ang mga ito ngunit hindi pa niya kayang igalaw kahit ang mga daliri at maging ang mga mata ay nanatiling nakapikit. Sa tuwing naririnig ang tinig ni Dark na bihira lang magsalita ay nagkakaroon siya ng kakaibang sigla sa kaniyang puso. Ilang minuto pa ay may ibang boses naman siyang narinig. Lalo siyang natuwa dahil kinakausap ng mga ito si Dark.
"Sumasakit pa ba ang ulo mo?" tanong ni Don Felipe kay Dark.
Pilit na pinaamo ni Dark ang mukha sa harap ng matanda at umiling bilang tugon sa tanong nito.
"Dark, magmano ka sa Lolo Felipe mo." Malumanay na utos ni Laila sa binata.
Nahihiya pa rin si Dark na abutin ang kamay ng matanda. Sa tuwing dumalaw ang dalawa ay tinuturuan siya ng mga tamang asal at kilos bilang isang normal na mamayan.
Nakangiting hinaplos ni Laila ang ulo ni Dark at nakakaunawang ningitian ito. Tanggap niya ito para sa kaniyang anak at nagpapasalamat siya dahil naging tagapagtangol din ito ng anak niya noon. Alam niyang kung hindi dahil kay Dark at Mae ay baka matagal ng patay ang anak niya. Ginagamit ni Lucas noon ang anak niya upang manatili ang dalawa at sundin ang lahat ng pinagagawa sa mga ito.
"Gusto naming bumawi kay Raiko, ayos lang ba sa iyo na makakasama mo kami sa bahay na titirhan ninyo?" nanantyang tanong ni Felipe kay Dark.
Biglang umaliwalas ang mukha ni Dark at ngumiti sa matanda bago tumango. "Sa-salamat sa pagtanggap sa akin, Lolo."
Niyakap ni Felipe ang binata upang iparamdam dito na hindi iba ang turing niya dito. Natuwa siya at narinig na rin nila itong magsalita.
"Wala bang hug ang Mama?" tonong nagtatampong tanong ni Laila.
Lalong lumaki ang pagkahulma ng ngiti sa labi ni Dark at lumapit sa ginang upang magpayakap na rin. Hindi niya maibuka ang mga kamay dahil sa posas. Ayaw niya rin namang ipatanggal iyon dahil natatakot siya na baka biglang sumpongin siya ng sakit sa kaniyang pag-iisip. May iniinum na siyang gamot para doon ngunit ayaw niyang ipagsapalaran ang kaligatasan ng mga ito.
Ibayog lakas ang naramdaman ni Raiko nang marinig na tinawag ni Dark na mama ang kaniyang ina. Ang namimigat na talukap ng mga mata ay parang biglang gumaan. Gusto niyang masilayan ang ngiti sa labi ng mga mahal niya sa buhay. Pagkamulat niya ng mga mata ay parang nasilaw pa siya kaya muli niyang ipinikit iyon. Sa ikalawang mulat ay ang guwapong mukha agad ni Dark ang kaniyang nasilayan.
Naluluhang nakipagtitigan si Dark sa dalaga nang magsalubong ang kanilang paningin. Siya ang unang nakapansin kanina nang gumalaw ang talukap nito. Nang ngumiti sa kaniya ito ay tuloyang naging malambot ang kaniyang puso.
"Oh my, God! Anak, salamat at gising ka na!" Napahagulhol ng iyak si Laila at parang takot na hinaplos ang pisngi ng dalaga.
Maging ang don ay naiyak at agad na tinawaga si Ashton upang suriin ang kaniyang apo.
Nang mabalitaan nila Cloud na nagising na si Raiko at nagbago ang kanilang pasya. Bumalik sila sa hospital at at kasama na rin niya si Ellah.
Napuno ng ingay at saya ang loob ng basement kung saan naroon sina Raiko. Ginawaran nila Micko at Cloud ng magaan na halik sa noo si Raiko at ganoon din si Mae.
"Masaya ako at gising ka na." Naiiyak na bati ni Ellah sa pinsan.
"Nagseselos ka pa rin ba sa akin?" nanunuksong tanong ni Raiko sa pinsan.
Bahagyang namula ang pisngi ni Ellah at nahiya sa pinsan. Sobrang halata pala ang pagiging selosa niya noon. Napatingin siya kay Dark na tahimik ngunit mahigpit ang pagkahawak sa isang palad ni Raiko.
"Bata pa lang tayo noon ay alam kong kayo ni Lights ang nakatadhana para sa isa't isa." Hindi na nabura ang ngiti sa labi ni Raiko habanh palipat-lipat ang tingin kina Ellah at Cloud.
Matipid na ngiti ang humulma sa labi ni Cloud. Kamuntik na niya makalimutan ang nakitang larawan sa bahay nila Ellah noong unang araw niya roon. Ngayon na lang naging malinaw sa kaniya na dati na silang nagkakilala ni Ellah noon. Minsan nagkaroon ng pagtitipon sa bahay nila noon at imbitado ang pamilya ni Ellah dahil magkaibigan ang ama niya at si Don Felipe.
Finale: Pangarap ng magkakaibigan
"Pwede bang makisabay na kami ni Raiko sa inyong kasal?"
Biglang natahimik ang paligid nang marinig ang tanong ni Dark. Parang may anghel na dumaan sa paligid at nagulat sa sinabi ni Dark.
"Inalok mo na ba ng kasal ang best friend ko?" pagtataray ni Mae na siyang unang bumasag sa katahimikan.
Nakagat ni Raiko ang ibabang labi at nahihiyang salubongin ang tingin nila Micko at Cloud. Halos mabingi rin siya sa lakas ng tibok ng kaniyang puso. Sa pagkakataong ito ay kumakabog ang puso niya dahil sa saya at hindi dahil sa sakit sa puso.
"May kasunduan na kami noon pa." Aroganteng sagot ni Dark kay Mae.
Bumilog ang labi ni Mae kasabay ng pagtaas ng mga kilay. Alam naman niya ang tungkol doon. Ang akala lang niya ay nakalimot si Dark o hindi seryuso sa kaniyang kaibigan. Noon ay nangako si Dark na kapag gumaling na ang kaibigan ay pakakasalan niya ito at pumayag naman si Raiko. Isa pa ay pangarap nilang magkaibigan na sabay silang haharap sa altar.
"So, triple weeding na ba ang magaganap?" masayang tanong ni Laila. Alam niya ang kasabihang sukob sa taon ngunit hindi na niya dapat isipin iyon sa ngayon. Gusto niyang magkaroon ng apo at isa pa ay walang kasiguradohan kung ilang taon pa ang itatagal ng dalawa sa mundong ito.
Sabay na itinaas nila Micko, Cloud at Dark ang mga kamao at pinagtagpo iyon. Hindi man sila naging malapit ng husto kay Dark noon, naging mabuting kaibigan naman nila ito.
Ginanap sa isang private resort ang kasal ng tatlo at mga mapagkatiwalaang tao lamang ang imbitado. Iniba na rin ang pangalan nila Raiko at Dark maging ang hitsura ay may binago upang walang makakilala. Dahil ang alam ng lahat ay patay na ang mga ito lalo na si Dark. Kahit hindi lantad ng husto sa pahayagan ang mukha ng dalawa ay nag-iingat pa rin sila. Maraming kasong kinaharap si Dark kahit na kagagawan iyon ng sindikato. Nakakabuti na ang pagtago sa mga ito upang maging masaya sa huling sandaling magkakasama ang mga ito.
Araw ng kasal ay masaya ang lahat lalo na ang tatlong nagkikisigang lalaki na naghihintay sa harap ng altar. Nasa mukha ng mga ito ang pagkainip lalo na si Cloud. Nang makita ang asawa sa bungad ng simbahan ay agad itong kumilos.
"Happy?" Nakangiting bulong ni Cloud sa taenga ni Ellah. Hindi siya nagsasawang titigan ang mukha ng maganda niyang asawa. Kahit maumbok na ang tiyan nito dahil tatlong huwan ng buntis, sexy pa rin ito sa kanyang paningin.
"Pare," tinapik ni Micko sa batok si Cloud sa batok. "Mamaya na iyang kamanyakan mo, nasa harapan tayo ng Pari." Pabulong na sikmat nito sa kaibigan.
Pilit ang ngiting nilingon ni Cloud si Micko na nakasuot pangkasal din. "Kaasara! Binabatukan mo ako sa harap ng asawa ko?" piping sambit ni Cloud sa pagitan ng titig at nangungusap ang tinging ipinukol kay Micko.
"Abante na kasi!" ang mababasa rin sa mga tinging ipinukol ni micko kay Cloud habang nakatikwas ang ibabang gilid ng labi bago ininguso ang altar.
Gustong matawa ng Pari habang pinapanuod ang reaksyon sa mukha ng magkaibigan. Tila may mga past na relasyon kung magtitigan at parehong hindi nagustohan ang nababasa sa mga isipan. Kahit nag-uusap lang ang mga ito sa pamamagitan ng mga tingin ay alam niyang nagtatalo ang mga ito.
Madilim ang anyo na napasunod na rin si Dark sa dalawa. Ang alam niya ay hindi dapat ganoon ang gagawin nila. Gusto na niyang matapos agad ang kasal upang masolo na si Raiko.
"Matagal pa po ba? Nagugutom na ako!" nagmamaktol na reklamo ng anak nila Dexter at Sasha. Isa ito sa flower girl na bata at partner ang anak nila Kailani. Kahit dalawang taon palang ito ay madaldal na at reklamador.
"Ang laki-laki na ng tiyan mo, gutom ka pa?" buska ng batang lalaki sa anak nila Sasha.
"Naku po!" panabay na naibulalas nila Kailani at Sasha pagkarinig sa sinampit ni Xian.
Mabilis na dinalohan ni Sasha ang anak, "don't cry, papangit ka."
Sunod-sunod na sinok ang kumawala sa lalamunan ng bata habang kumukurap upang pigilan ang pag-iyak.
"Good girl." Hinalikan ni Sasha sa pisngi ang anak bago ito iniwan. Iyakin ang kanyang anak pero takot pumangit sa harap ng maraming tao, kung kaya todo pigil ang sarili na mapaiyak.
"Xian?" mahinahon ngunit may bahid ng galit na tawag ni Kailani sa pangalan ng apat na taon gulang na anak.
Nakasimangot na lumapit si Xian sa batang babae. Mabilis na hinalikan ito sa pisngi bilang paghingi ng sorry. Laging naglalaro ang dalawa ngunit hindi magkasundo dahil parehong laruan ang gusto at nag-aagawan kahit pareho namang mayroon ang mga ito.
"Abante na kasi bago pa magwala ang mga bata dito." Naisatinig na ni Micko.
Si Ellah na ang humila sa kamay ni Cloud upang makarating sa harap ng altar. Pasaway kasi ito at sinalubong siya sa pintuan pa lang ng simbahan na hindi dapat nito ginawa.
Napailing na lamang sina Raiko at Mae sa inasta ng kanilang magiging asawa. Pareho silang masaya dahil natupad ang isa sa pangarap nila noon. Katawa lang at nauna pang nakabuo ng bata sina Cloud gayong nauna silang nagsama ni Micko.
Lahat ng agent sa Eagle's Wings ay naroon upang saksihan ang pag-iisang dibdib ng mga magkakaibigan. Natapos ang kasal na hindi nabura ang mga ngiti sa labi ng tatlong magkakapareha.
"Congratulation mga apo!" Nakangiting bati ni Don Felipe kina Ellah at Raiko.
Sabay na niyakap nila Ellah at Raiko ang matanda at ganoon din kay Laila at Ana. May mga alalahanin pa rin sila sa buhay ngunit isinantabi nila iyon. Ang mahalaga ay kasama nila ang mga mahal sa buhay sa araw na iyon. Sumali na rin si Mae at ang kaniyang ina. Ang mga asawa nila ay abala sa pakipag kamay rin sa mga bisita nila.
Inakbayan ni Cloud sina Dark at Micko na parehong nakangiti habang pinagmamasdan ang mga asawa na ng mga ito. Hanggang ngayon ay hindi niya akalaing mangyari ang ganito sa kanilang magkakaibigan. Ano mang masamang karanasan ay kanilang ibinaon na sa limot. Ang kinimkim na galit noon sa mundo ay napalitan ng pagmamahal sa asawa nila.
"Okay, girls, be ready sa pagsalo sa bulaklak ng brides." Anunsyo ng emcee.
Naghiyawan ang mga tao sa paligid nang masalo na ang bulaklak na initsa ng brides. Isa si Cris sa tumili nang masalo ni Amalia ang bouquet. At sa garter naman ay si General Max. Natuon na sa dalawa ang kantyawan at mukhang hindi mapakali ang mukha ni Max nang isuot ang garter sa binti ni Amalia.
"Kiss...!"
Panabay na request ng lahat kina Amalia at Max. Agaw pansin ang mga ito ngayon sa eksina. Lalong lumakas ang hiyawan nang si Amalia na ang unang gumawa ng hakbang. Kabaliktaran ang nangyari dahil ang mukha ni Max ang namula nang halikan ito ni Amalia sa pisngi.
"What the hell?" naibulong ni Max nang dumikit pa sa kanya si Amalia. "Umayos ka, baka nakalimutan mo kung sino ako?" sikmat nito sa dalaga sa mababang tinig lamang.
"Nasa heaven tayo ngayon, sir, kaya relax." Paanas niyang sagot. Abot taenga ang ngiti ni Amalia dahil nagawa niyang tsansingan ngayon ang masungit na gurang.
"Makagurang oh!" kontra ng kunsensya ni Amalia sa kaniyang isipan.
"Gurang na virgin!" napahigikhik si Amalia sa kapilyahan na naisip.
"Ano ang nakakatawa?" iritadong tanong ni Max.
Napatuwid ng upo si Amalia at mabilis na napalis ang ngiti sa labi nang makita ang pangungunot ng noo ni Max. "Lagot, napasobra yata ang confident ko ngayon." Kausap niya sa kanyang sarili bago lumayo kay Max.
"Tsk!" palatak ni Max bago lumayo kay Amalia.
Napasunod ang tingin ni Cris kay Max bago binalingan si Amalia. "Mare, anong feeling na nakahalik kay General?"
"Heaven, Mare!" Kinikilig na sagot ni Amalia kahit ang totoo ay ang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa takot na mapagalitan ng masungit na si Max.
"Maiwan ko na kayo, kailangan na magpahinga ng buntis." Paalama ni Cloud sa lahat na naroon.
"Bawal pagurin ang buntis." Pahabol na kantiyaw ng mga kaibigan kay Cloud.
Itinaas lang ni Cloud ang middle finger niya bilang sagot sa mga lokong kaibigan. Buhat ang asawa haggang makarating sa kanilang silid. Bawal nga mapagod ang asawa kung kaya bawal sila bumeyahe ng malayo for their honeymoon.
"Hey!" Mabilis na awat ni Cloud kay Ellah nang lumikot ang kamay nito sa kanyang hinaharap. Nakahiga na ito at inaalis niya ang kasuutan nito upang bihisan.
"I want something to eat." Kagat ang ibabang labi na bulong ni Ellah.
"Not now, Love. Kailangan niyong magpahinga ni Baby."
"I said, I want to eat!" galit na si Ellah habang nakasimangot. Mula nang magbuntis siya ay maiksi na ang kanyang pasensya.
"Darn!" tanging nasambit ni Cloud nang maipasok ng asawa ang kamay nito sa loob ng kanyang boxer.
Nahubad na niya ang kanyang tuxedo kanina kung kaya wala itong kahirap-hirap na hulihin ang kanyang alaga na mabilis nagising. Ang pasaway na kaniyang alaga ay tumayo agad, tanda na handa na itong sumalubong sa laban. Wala siyang nagawa kundi pagbigyan ang gustong gawin ng asawa. Bukod sa iyon ang pinaglilihiang kainin, gustong-gusto rin naman niya at nasanay na ang kanyang pagkalalaki. Napatingala siya at bumuka ang bibig dahil sa malakas na sensasyong nadarama, nang simulang hagurin ng labi ng asawa ang kanyang pagkalalaki.
"Heaven!" naibulong niya nang isubo ng buo ng asawa ang kaniyang shaft.
Kahit walang make love sa pagitan nila ng asawa ay kuntinto na siya. Walang gana ang asawa sa ganoon mula nang maglihi. Pero solve naman siya sa tuwing nakaramdam ng gutom ang asawa. Nabubusog ito sa paglalaro sa kanyang pagkalalaki kasabay ng pagparaos niya. Ayaw rin nito malasahan ang kanyang similya kung kaya todo control siya hanggang magsawa ito sa paglaro.
Kung sina Cloud ay nanatili lang sa bahay nila for honeymoon. Sina Raiko at Dark ay tumuloy sa isang isla na regalo ng abuelo nila. Doon na sila manatili at bubuo ng isang masayang pamilya. Susunod na lamang doon sina Laila at Don Felipe upang maalagaan ang mga ito kung magkasakit man.
Sina Micko at Angel Mae ay pumunta sa ibang bansa upang doon ituloy ang honeymoon ng mga ito.
Apat na pusong namulat sa kalupitan ng masasamang tao ang magkasunod na tumibok at nagpatawad. Nakaranas ng malupit na pagsubok at pinili ang tamang landas. Nawa'y nagustohan niyo pong muli ang kwento ng buhay ni Cloud kasama ang kaniyang mga kaibigan. Hanggang sa sunod na pahina sa buhay ng isa sa kaanib ng Eagle's Wings.
Wakas!