Chapter 42: Pinapayagan na kitang bumitaw

NANG masiguro ni Max ang kaligtasan ng lahat sa hospital ay muli siyang umalis ang bumalik sa Davao. Kailangan nang tuldokan ang kasamaan ni Tony at may sapat silang katibayan na laban dito. Nilapitan niya si Ashton na siyang umaayos ngayon sa mga sugatan.

"Pakisabi na lang sa kanila na isasagawa na ang operasyon kay Raiko at hindi na sila mahintay."

Isang tapik sa balikat ang itinugon ni Max sa balikat ni Ashton bago tumikod kasama ang ilan sa tauhan. Mabilis lang sa kaniya ang biyahe dahil may gamit na private chopper.

Nang wala na ang general ay luminga muna si Ashton sa paligid bago pumasok sa isang silid. Siniguro niyang walang nakakita sa kaniya at muling binuksan ang isang secret door. Pagkababa sa hagdan ay muling binuksan ang isang malawak na silid na nasa basement.

"Dad, kumusta ang pasyente?" tanong ni Cloud sa ama na siyang nag-aasikaso kay Dark.

"Maayos na ang lagay niya, ang lakas ng kaniyang katawan at kahit maraming dugo ang nawala ay nakaligtas pa rin kay kamatayan."

Napatitig si Ashton sa lalaking nakahiga sa kama. Nagkamalay na rin ito at nakipagtitigan sa kaniya. Alam niyang mahina pa ito pero naniguro siya kaya nakakadena ang mga kamay nito at paa. Para itong demonyo kapag wala sa sarili kaya hindi pwedeng bigyan ng pagkakataon.

"Pasensya na kung kailangan pa kitang itali. Huwag sanang matigas ang ulo mo habang abala kami sa operasyon ni Raiko." Kausap ni Ashton dito.

Ang mabalasik na mukha ni Dark ay biglang lumambong pagkarinig sa pangalan ng dalaga. Napangisi si Ashton at nahuli na niya ang kahinaan ng lalaki upang mapasunod ito.

"Bu-buhayin mo siya, pakiusap." Hirap pa sa pagsasalita si Dark.

Biglang nalungkot si Ashton para sa dalawang naghihirap at mukhang malabong magkaroon ng happy ending ang pagmamahalan.

"Huwag kang mag-alala, gagawin namin ang lahat upang makasama mo pa siya."

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpakita ng kahinaan si Dark sa harap ng kaaway. "Siya lang ang mahalaga sa buhay ko. Kapag nawala siya ay patayin niyo na rin ako."

Napangiti ng mapait si Ashton at tumango sa lalaki. Naintindihan niya ito bilang isang lalaking nagmamahal. Alam niyang biktima lang din ito ng kasamaan ng sindikato. Si Cloud ang may gustong palabasing patay na si Dark at isunod si Raiko kahit magtagumpay pa ang operasyon.

"Magpagaling ka, bukas ay malalaman mo kung kailangan mo pa bang magpatuloy sa iyong buhay o hindi na."

Ipinikit ni Dark ang mga mata at hinayaang lamunan ng kadiliman ang diwa. Bago tuloyang makatulog ay nagbigkas siya sa kaniyang isipan ng isang dasal na tanging nagagawa niya lamang para kay Raiko.

Ipinamulsa ni Ashton ang mga kamay sa pocket ng suot niyang coat. Nauna na ang kaniyang ama na lumabas at ang maiwan ay ang isang nurse na mapagkatiwalaan. Ang asawa niya ay naroon na rin at katulong ng bihasang doctor na galing pa sa ibang bansa na siyang mag-oopera kay Raiko.

Pilit na nagpakatatag si Laila at sinikap na hindi tumulo ang luha habang nasa harapan ng anak. Hindi na niya ito makausap kahit gising ito dahil sa tubong nakakabit sa bibig nito.

"Anak, lumaban ka. Babawi pa si Mommy sa iyo, ha." Hinalplos niya ang ulo ng anak at napangiti siya nang humulma ang matipid na ngiti sa labi ni Raiko.

"Mahal na mahal kita, Anak! Paggising mo ay narito na rin sina Cloud at Ellah. Tulad sa gusto mong mangyari, nagkatuloyan sila at mapaparusahan na ang mga taong sangkot sa pagdukot sa inyo."

Isang butil ng luha ang dumaloy sa isang mata ni Raiko. Luha ng kasiyahan iyon at gumanti ng mahigpit na hawak sa kamay ng ina. Ano man ang maging result ng operasyon ay nakahanda na siya. Masaya siyang lisanin ang mundong ibabaw dahil natupad ang mga inaasam niya noon pa man.

Hindi napigilan ni Angel ang pagtulo ng luha habang pinagmamasdan ang kaibigan. Ramdam niyang gusto na nitong magpahinga ngunit ayaw nilang bitawan. Siya naman ngayon ang nasa harapan nito at pinagbigyan siya ni Laila.

"Kung hindi mo na kaya at nahihirapan ka, pinapayagan na kitang bumitaw. Wala ka nang dapat alalahanin pa dahil nasa maayos nang kalagayan ang mga kaibigan natin at may mag-aalaga na sa akin."

Maging si Yvonne ay napaluha habang nakikinig sa pag-uusap sa silid na iyon. Tunay at dalisay ang puso ng magkaibigan kahit na gumawa ang mga ito ng kasamaan sa kapwa noon.

Naging malikot ang mga mata ni Raiko at mayroon pa gustong marinig mula kay Angel. Napansin iyon ng dalaga at napangiti siya. " Buhay siya at nasa mabuting kamay siya ngayon. Alam kong susundan ka niya kahit saan ka magpunta kahit sa empyerno pa kaya panatag akong hindi ka mag-iisa."

Napangiti si Raiko sa biro ng kaibigan na alam niyang totoong mangyari.

Pagkapasok ni Ashton sa ICU room ay kinantalan niya ng halik sa noo ang asawa bago hinarap ang ina ni Raiko. "Kailangan na po namin siyang ilipat sa operating room."

Napasinok si Laila at mahigpit na niyakap ang anak at hinalikan ito sa pisngi. Hindi niya alam kung mayayakap pa ba niya ulit ito o hindi na.

Humalik na rin si Don Felipe sa apo at hindi magawang magsalita pa. Hirap ang kalooban at walang ng ibang masisi kung bakit kailangan pang humantong sa ganito ang kaniyang apo.

Lahat sila ay nagdasal para sa kaligtasan ni Raiko. Ipinagdadasal na maging successful ang heart transplant at dugtongan pa ang buhay nito.

Sa Davao ay tahimik ang lahat at nagdasal din para kay Raiko kahit nasa malayo sila. Higit na apiktado sa lahat ay sina Micko at Cloud. Nahahati ang kanilang atensyon ngayon sa hearing na kakaharapin sa araw ding iyon.

"Kailangan na nating dumalo sa hearing." Pukaw ni Jeydon sa pananahimik ng dalawang kaibigang sina Cloud at Micko.

Kasama na si Ellah na dumalo sa hearing at gustong saksihan ang paglilitis sa kaso. Gusto niyang iparamdam sa asawa ang suporta niya kahit ano pa ang mangyari. Galit siya ngayon kay Tony at nagsisi siya kung bakit naging malapit pa siya dito noon. Hindi niya akalaing isa pala itong ahas sa kanilang pamilya.

Sa hallway palang ay nasalubong na nila Ellah ang ninong niya. Masamang tingin ang ipinukol niya dito at agad na sumiksik sa tabi ng kaniyang asawa.

"Ellah, hija, what's wrong?" malungkot na tanong ni Tony nang mapansin ang galit sa mga mata nito.

"Isa kang hayop at walang puso! Ikaw ang dahilan ng lahat kung bakit nasa bingit ang buhay ng pinsan ko ngayon at kung bakit namatay ang Daddy ko!" Nangangalit ang ngipin na turan ni Ellah habang masama ang tingin kay Tony.

Mabilis na kinabig ni Cloud ang katawan ng asawa at pinakalma ito.

Napamura si Tony sa isipan lamang habang sinusundan ng tingin ang mga ito na una nang pumasok sa loob.

Habang abala sina Micko sa loob ng court room, sa hospital naman ay nag-aagaw buhay si Raiko. Ang isipan ni Cloud ay nahahati sa pagdidinig at sa kalagayan ng kaibigan.

Tumayo si Jeydon at unang nagsalita sa harap ng hurado. "Your, honor, hindi ko na maiharap dito ang isa sa witness na magpapatunay na sangkot sa sindikatong pandurokot sa kabataan noon si Congressman Ted."

Napangisi si Tony at liyad ang dibdib sa kinaupuan.

"Pero may nakuha naman po kaming matibay na ebendensiya na nagpapatunay na isa siya sa sangkot sa illegal na gawain ni Mayor Conrad."

Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Tony at kinakabahang napatingin sa kaniyang abogado.

Matipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Cloud nang magsalubong ang tingin nila ni Tony. Nahanap niya ang mahalagang dukomentong itinago ni Conrad sa silid ng kaniyang asawa.

"Dagdag pa po ang nakuha naming record mula sa surveillance camera kung saan namatay si Mr. Lucas." Pagpapatuloy sa pagsasalita ni Jeydon.

"Hindi maari!" naibulong ni Tony at kinakabahan na. Ang alam niya ay nasira ng tauhan niya ang surveillance camera nang makapasok ang mga ito sa hide out.

Nagkagulo muli at nag-ingay sa loob ng Court room nang ipakita ni Jeydon ang video kung saan ay kausap ni Lucas ang isang lalaki. Malinaw sa video ang pagbanggit sa pangalan ni Congressman Tony. Pinutol nila ang video ang hindi na pinakita kung paano pahirapan ni Dark si Lucas.

Napailing ang hurado nang mahawakan ang folder kung saan nakatala ang mahalagang impormasyon tungkol sa illegal na gawain nila Conrad. Napakatibay ng ebedensya laban sa Congressman at wala na silang magawa roon. Kahit hindi pa confirm ay tiyak na ang tungkol sa anak nito ay totoo rin.

Lalong nagkagulo ang taga media nang pumasok ang mga armadong lalaki kasama si General Max.

Galit na tumayo si Tony kahit kinakabahan. "Hindi totoo yan! Frame up lamang ang lahat na iyan kaya aapila ako!"

Walang salitang napailing si Gab at wala nang maisip kung paano ipagtanggol ang kliyente. Kahit hindi na isulong ang kaso ay malinaw na ang pagkatalo nila.

Hindi pa napatawan ng sentensya si Tony dahil may karagdagang kaso itong kaharapin naman sa Manila. Nagpadala ng order mula mismo sa palasyo na muling litisin si Congressman Tony sa Manila.

Si Max mismo ang nagkabit ng posas sa kamay ni Tony at nagbitbit dito palabas. Na abswelto na si Cloud sa bentang na ito ang nagpapatay kay Conrad. Ngunit ang kanilang ahensya ay humaharap ngayon sa case dahil sa nangyari sa hide out at sa pagtago sa isang kriminal at ngayon ay patay na.

Hindi naman kinakabahan si Cloud sa maging takbo ng kaso sa Manila. Nagpasalamat siya kay Max dahil pinabilis nito ang case sa Davao. Sa Manila ay mas maraming hearing ang mangyari at tutukan mismo ng gobyerno. Ang TiTo Ted niya ay tutulong din upang mabulok sa bilanguan si Tony.