Chapter 39: Dark
WALANG humpay na pasalamat ng pamilya ni Ted kay Micko. Nagkaroon ng reunion sa mansion ng araw ding iyon. Dumating na rin ang ina ni Cloud at maayos na ang pag-iisip kahit papaano.
"Kuya!" umiiyak na yumakap si Ana sa kapatid nang makita ito.
"Ayos ka lang ba? Sinasaktan ka ba ng hayop na iyon noong nasa poder ka niya?" nag-aalalang tanong ni Ted sa kapatid.
Naluluha na umiling si Ana. Nasisigawan siya ni Tony pero hindi naman siya nagawa nitong saktan lalo na at wala siya sa kaniyang sarili. Sobra siyang nagsisi kung bakit naniwala sa panlabas na anyo ni Tony. Hindi niya akalain na ito ang dahilan kung bakit nawala ang kaniyang anak noon. Nang maalala muli ang anak na nasa tabi niya lang ay niyakap niya ito ng mahigpit.
"Lights—ikaw na pala su Cloud ngayon." Mahigpit na hinawakan ni Ted sa balikat ang pamangkin.
"Ayos lang po kahit anong pangalan ang itawag mo sa akin."
Nakangiting tumango si Ted at masaya habang palipat-lipat ang tingin sa kapatid at kay Cloud. Hindi niya masisi ang kapatid kung bakit nagtiwala ito kay Tony noon. Maging siya ay nabiktima nito.
Maging ang ngiti sa labi ni Ellah ay hindi na nawala at yumakap na rin kina Cloud at sa ina nito. Masaya siya sa nakikitang saya sa mukha ng asawa ngayon. Kahit hindi pa tapos ang kasong kinakaharap ng grupo nito ay hindi na alintana ng mga ito.
Sa bahay nila Tony ay nagwala ito dahil sa galit. Pinadala niya si Eliza sa ibang bansa upang hindi matuloy ang DNA test. Katapusan na niya kapag napatunayang anak nga ni Lucas ang dalaga.
"Sir, may balita po ang tao nating nagmamatyag sa bahay ng mga Kho."
Marahas na nilingon ni Tony ang nagsalita at hinarap ito.
"Dumating po ang asawa ninyo at mukhang nagkaroon ng reunion ngayon sa mansyon."
Naikuyom ni Tony ang palad at galit na sinipa ang upuan. "Tawagan mo si George ngayon din!"
Agad na sinunod ng lalaki ang utos ng amo. Ang hepe na galing da department ang tinutukoy nito at naka distino ngayon sa Manila.
"Pagsisihan ninyo na kinalaban niyo ang tulad ko!" mala-demonyong ngumisi si Tony matapos makausap si George.
Palihim na inutusan ni George ang isang pulis upang isakatuparan ang nabuong plano. May lead na sila kung saan itinago sina Lucas at ang kailangan na lang niya ay mauto ang isa sa assassin na nasa kulongan. Medyo lumuwag ang nagmamatyag sa bawat kilos niya dahil nakatutok ang atensyon ng nakakataas sa Davao.
"Hoy, 'di ba isa ka sa kasamahan ng mga babaeng assassin na itinatago ngayon?"
Napalingon si Dark sa kapwa presong kumakausap sa kaniya. Napaurong pa ito nang magsalubong ang kanilang paningin. Walang may gustong makipagtitigan sa kaniya lalo na kapag galit siya.
"Ano ang alam mo?" malalim ang boses na tanong niya dito. Gusto na niyang mahanap si Raiko at nag-aalala siya dito.
"Balita ko ay itinago siya ng kaaway mo sa isang hideout. Gusto mo ba siyang mapuntahan?" Ngumisi pa ang lalaki kay Dark kahit na natatakot ito dito dahil ang talim maningin ng huli.
Mabilis na kinuwelyohan ni Dark ang lalaki at pinaamin kung saang lugar itinago si Raiko. Mabilis niyang natandaan iyon. Kinagabihan ng madaling araw ay nakita niyang natutulog ang bantay at abot kamay niya ito. Walang kahirap-hirap na naabot niya ang leeg nito at pinilipit. Agad nakuha ang susi ng selda at nagawa niyang magpalit ng damit galing sa pulis na wala nang buhay. Walang nakapuna sa kaniya sa kaniyang paglabas sa pag-aakala na pulis siya. Wala siyang inaksayang oras. Dahil sa angkin niyang liksi at bilis kumilos ay nakalayo na siya bago pa natuklasan ang kaniyang ginawa.
Sa Davao ay tinanghali ng gising ang lahat dahil madaling araw na ang mga ito nakatulog. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang humahangos na pumasok ang isa sa tauhan at inabot kay Max ang tawagan.
"May masamang balita!"
Napatingin ang lahat kay Max. Nasa mukha ng heneral ang pagkabahala matapos matanggap ang balita mula sa presinto sa Manila.
"Nakawala si Dark!"
"Shit!"
"Fuck!"
Magkapanabay na naiwika nila Jeydon at Micko.
"Fuck it!" Napamura na rin si Cloud at dali-daling tinawagan si Ruel ngunit hindi makuntak na siyang tanging naiwang bantay kina Raiko at Don Felipe."
Agad na tinawagan din ni Micko si Mae ngunit walang sumasagot.
"Anong oras nangyari ang lahat?" tanong ni Dexter kay Max.
"Kanina pang madaling araw."
"At ngayon lang ibinalita?" halos lumaki ang ulo ni Cloud sa sobrang pag-alala. Tila isang home base ang naiwan sa Manila na kailangang protektahan na mapasok ng kalaban. Nailipat na nila si Lucas kung saan naroon sina Raiko upang iisa na lang sanang lugar ang babantayan.
"Nag-utos na ako ng mapagkatiwalaang tao upang tignan kung ano ang nangyari sa hideout."
"Ang anak ko," humagulhol ng iyak si Laila sa pag-alala sa kalagayan ng anak. "Dapat ay hindi ko sila iniwan doon."
Maging si Ellah ay napaiyak habang niyayakap ang tiyahin. Hindi niya kayanin kung maging ang pinsan at abuelo ay mawala rin sa kanya ngayon.
Patakbong pinuntahan ni Cloud ang library kung saan naroon ang laptop at agad na binuhay iyon. May surveillance camera sa silid ni Raiko at Lucas maging sa paligid bg hideout kaya makikita niya ang nangyayari roon. Mabilis na nagsunuran dito ang lahat at kinakabahan habanh hinihintay na magbukas ang laptop.
Naihilamos ni Dexter ang palad sa sariling mukha nang makita ang footage. Para lang silang nanunuod ng action drama ngayon at wala na silang magagawa pa dahil huli na ang lahat.
...
Walang kahirap-hirap na napatay ni Dark ang bantay sa gate ng isang malaking bahay. Sigurado siyang ito na ang hinahanap niya kung saan itinago si Raiko.
Kasarapan ng tulog kaya hindi nakapaghanda sina Amalia at Cris nang biglang bumukas ang pintuan ng kanilang silid. Pagkamulat nila ng mga mata ay may mahabang espada nang nakatutok sa kanilang mga leeg ng kaibigan.
"Nasaan si Raiko?" nagbabaga sa galit ang mga mata ni Dark habang nakatitig sa dalawang babaeng nakahiga sa kama.
Nanginginig ang mga daliri na itinuro ni Cris ang katapat ba pintuan ng kanilang silid. Gusto pa sana niyang magsalita ngunit mabilis siyang napalo sa ulo ng lalaking guwapo sana ngunit nakakatakot kung maningin. Bago siya nawalan ng malay-tao ay narinig din niya ang pag-igik ni Amalia. Ngunit nagawa pa ng kaibigan pindutin ang alarm para mabigyan babala ang mga kasamahan na may nakapasok na kaaway.
Nagising si Mae at Raiko pagkarinig sa alarm. Naging alertdo si Angel at handang protektahan ang kaibigan sa kung sino man ang nakapasok na kaaway.
Mabilis na lumabas ng silid at sinalubong siya ng natira pang bantay. Bago pa maiputok ng mga ito ang baril ay naunahan na niya gamit ang kaniyang espada. Walang buhay na bumagsak ang mga ito sa sahig.
"Huwag kang kumilos!" Itinutok ni Ruel ang hawak na baril sa batok ni Dark. Nakilala niya ito kahit nakatalikod pa.
Binitiwan ni Dark ang hawak na espada at dahan-dahang itinaas ang dalawang bilang pagsuko. Ramdam niyang malakas ang taong nasa likod niya kaya naging maingat siya.
Mahigpit ang pagkahawak ni Ruel sa baril at mataman na binantayan ang bawat kilos ng kamay ni Dark. Pagkataas nito ng dalawang kamay ay hindi niya napaghandaan ang paggalaw ng isang paa nito.
"Argh!" nabitiwan niya ang hawak na baril dahil sa lakas ng pagkapatid ni Dark sa kaniyang paa kasabay nang pagtabig sa kaniyang braso na may hawak na baril.
"Dito lang po kayo." Mahigpit na bilin ni Mae kay Don Felipe bago nagmamadaling lumabas ng silid nila Raiko.
Naabutan ni Mae na nakipagpalitan ng suntok si Ruel kay Dark. Wala itong panama sa dati niyang kasama na mamatay tao lalo na at mukhang wala na namam ito sa sariling katinuan. Ang tanging nasa isip nito ay patayin ang lahat ng taong gustong manakit kay Raiko.
"Dark, tama na!"
Naudlot ang paggilit ni Dark sa leeg ng lalaking hawak gamit ang espadang hawak na ngayon nang marinig ang tinig ng isang babae.
"Tama na Dark, hindi sila kaaway." Nanantya na kausap ni Mae ngunit naging alerto siya. Kahit magkakasama sila ng matagal ay hindi pa rin niya gamay ang takbo ng isipan ng lalaki.
"Kung ganoon ay traidor ka at kasabwat sa paglayo kay Raiko." Malamig at mabalasik na turan ni Dark.
"Huminahon ka muna at makinig." Itinaas ni Mae ang dalawang kamay upang pakalmahin su Dark.
Sunod-sunod na napaubo si Ruel at nanatiling nakalugmok sa sahid nang mabitiwan na siya ni Dark. Pakiramdam niya ay bali ang kaniyang braso at paa sa ginawa sa kaniya ng huli.
"Lolo, tulongan mo akong makabangon." Pakiusap ni Raiko sa abuelo nang marinig ang ingay sa labas ng kaniyang silid.
"Dito ka lang, mapanganib sa labas." Matigas na umuling ang matanda.
"Mas mapanganib po kjng hindi ko siya labasin, baka mapatay niya ang lahat ng narito." Dahan-dahang bumangon si Raiko at napilitan ang abuelo na alalayan siya hanggang makababa ng kama.
"Ang traidor ay hindi dapat pagkatiwalaan!" kasabay ng pagsigaw ay ang pagsugod ni Dark kay Mae.
Mabilis na tumalon si Mae upang ilagan ang talim ng espada. "Wala akong hawak na armas, Dark."
Mabilis na binitiwan ni Dark ang hawak na espada at muling sinugod si Mae. Parehong maliksi ang kilos ngunit alam niya ang kahinaan ng dating kasama.
"Argh!" Parang bolang tumilapon si Mae sa pintuan ng silid ni Raiko at sa lakas ng impact ay bumukas iyon kasabay ng pagbaksan niya sa sahig.
"What the hell!" Galit na nasuntok ni Micko ang pader nang biglang nag-appear sa footage ang pagtilapon ng katawan ng asawa.
Hinimatay si Laila at hindi kaya ang nakitang gulo sa video at sobrang nag-alala sa anak. Si Ellah ay umiiyak at hindi na rin kayang panuurin ang nasa video. Ang mga naroon pa ay parehong mga nangangalit ang mga bagang at kuyom ang mga kamao.
Mabilis na pinagtulongan nila Jeydon at Ashton si Micko upang patigilin itong saktan ang sarili. Nang marinig ang sunod-sunod na pag-ubo ni Mae ay muling natuon ang tingin nila sa video.