Chapter 38: Pagkagimbal

ARAW ng hearing ay muling nagharap ang magkabilang kampo. Lalong naging maingay ang balita dahil si Ted naman ang lilitisin.

"Magkamukha nga sila ng makisig na abogado." Bulong-bulongan sa paligid nang makita sa iisang room na sina Cloud at Ted.

Napatitig si Ted sa taong bakaupo sa kabilang banda. Ngayon niya lang ito nakita ng personal at naluluhang tinitigan ito. Masaya siya dahil buhay pa ang pamangkin at nakabalik na sa kanila. Ang buong akala nila ay patay na talaga ito.

"Kompandre, alalahanin mong hindi na siya ang kilala mong bata noon. Isa pa ay hindi pa tayo nakakasiguro na siya nga ang nawawala mong pamangkin." Paalala ni Tony kay Ted. Patuloy siyang nagpapanggap na kakampi siya nito.

Tinapunan lang ni Ted ng tingin si Tony at tahimik na umupo sa upuang nasa unahan helera. Agaf tumabi sa kaniya ang abogado na pangalawang beses pa lang niya nakaharap. Nagtiwala siya dito nang magpakilala itong kaibigan ng kaniyang pamangkin.

Iba namang abogado ang ka diskusyon ni Micko at alam nilang mula sa kabilang panig pa rin iyon at tumatayong abogado para sa namayapa ng mayor.

Ang alegasyon sa isinakdal ay may sapat na conclusion kung bakit niya nagawang ipapatay si Mayor Conrad." Pagsisimula na salaysay ng abogadong si Trevor.

"Una, may hindi sila napagkasunduan noon ng namayapang mayor dahil sa negosyo. Ikalawa, nalaman niya na si Mayor Conrad ang utak ng sindikato na siyang dumukot sa kanyang pamangkin noon na si Mr. Mist. Sa aking hinuha, nais nitong patahimikin ng tuloyan ang mayor upang wala nang magtuturo sa pamangkin niya at idiin sa kasong murder na nangyari sa bodega."

Tinawag ng taga hukom si Micko upang idepensa nito ang sariling kliyente matapos magsalita ng kabilang panig.

"Hindi po ako sang-ayon sa salaysay niya," pagsisimula ni Micko. "Una, walang sapat na katibayan sa haka-hakang hindi napagkasunduan sa pagitan ng dalawa. Ikalawa, si Congressman Tony ang nag-udyok kay Congressman Ted na dalawin ang kaibigan nila kasama ang kanyang tauhan. Pinagpanggap pang doctor ang kanyang tauhan upang malayang makapasok sa loob."

Tumayo naman si Gab upang ipahayag ang side ng kaniyang kliyente. "Pinabubulaanan ng aking kliyente ang pamimintang na tauhan niya ang naturang lalaking kasama ni Congressman Ted of Cebu.

Naningkit ang mga mata ni Ted na napalingon sa gawi ni Tony ngunit ngumiti lang ito sa kaniya.

"Ano ang masasabi mo sa aligasyon laban sa iyo?" tanong ng judge kay Ted.

"Hindi po totoo lahat ng kanilang paratang sa akin. Totoong may hindi kami pagkaunawaan noon ni Mayor Conrad ngunit hindi ganoon kalalim para tangkaan ko ang kaniyang buhay. Ang isa pa ay hindi ko pa alam noon ang tungkol sa aking pamangkin. Pumarito ako dahil nawawala ang kaisa-isa kong kapatid na asawa ni Congressman Ted. Hindi ko kilala ang lalaking sumama sa akin. Ang alam ko lang ay tauhan siya ni Congressman Tony. Sa bilis ng pangyayari, naiturok na niya ang injection sa aking kaibigan bago ko pa ito napigilan." Tuwid ang tingin sa mambabatas na sagot ni Ted.

Kasabay ng pag-ingay sa paligid ang pagkislapan ng ilaw mula sa camera ng mga reporters. Hinayaan makapasok ang mga ito upang mag coverage ng malaking balita na nagaganap sa hearing.

Muling tumayo si Gab bilang abogado ni Tony nang tawagin ito upang magbigay salaysay ukol sa pagtanggi ni Ted.

"Your, honor, ang lalaking itinatanggi ng nasasakdal na hindi niya tauhan ay kasabwat ng kanyang pamangkin. Nawawala ang kriminal at nakatakas sa tulong ng lalaking nasa larawang ito." Iniharap ni Gab ang litrato ni Wigo sa taga hukom.

"Isa sa mga pulis ang nakakilala sa kanya at magpapatunay na planado ang lahat upang maitakas nila ang kriminal." Pagpapatuloy ni Gab.

Pinatawag ang pulis at pinaupo sa witness stand. Matapos sagutin lahat ng tanong ni Gab ay si Micko ang sumunod.

"Ayon sa una mong salayasay, may kasabwat na pulis kung kaya naipasok si Mr. Wigo Crisustomo sa kulongan, tama ba? "

"Opo!" mabilis na sagot ng pulis kay Micko.

"Nakita mo ba kung ano ang nangyari kung bakit dinala sa hospital ang dalawa?"

"Hindi ko po nakita detelyado ang nangyari pero naabutan ko na pareho na silang may tama ng saksak ng kutsilyo."

"Sino ang nakatalagang bantay sa selda ng araw na iyon?" lihim napangisi si Micko nang hindi agad nakasagot ang witness.

"Sagutin ang kanyang katanongan!" utos ng taga hukom sa pulis.

"A-ako po." May pag-aalinlangang sagot ng pulis.

Napatango ng marahan si Cloud habang mataman na pinapakinggan ang paglilitis.

"Nasaan ka nang mangyari ang pananaksak sa loob ng selda? Paano nakapasok ang isang kriminal sa seldang iyon at may dala pang patalim?" muling tanong ni Micko sa pulis.

"Objection your, Honor! Hindi sakop ng bantay ang inspection sa isang kriminal bago ipasok ito sa selda."

Malapad na ngiti ang iginanti ni Micko sa katungaling abogado na si Gab. "Pasensya na your, honor, babagohin ko po ang aking katanongan."

"Continue!" maawturidad na utos ng taga hukom.

Ibinalik ni Micko ang tingin sa witness at matikas na tumayo sa harapan nito. "Bakit wala ka sa selda nang oras ng iyong trabaho?"

Muling tumayo si Gab upang magsalita ngunit inunahan siya ni Micko.

"Bakit bawal malaman kung nasaan siya sa oras ng kaniyang trabaho?" inunahan na ni Micko si Gab.

"Overruled!"

Lapat ang bibig na bumalik si Gab sa kinaupuan.

Halatang kabado na ang pulis nang muling humarap dito si Micko.

"Inuulit ko, nasaan ka sa oras ng iyong trabaho?"

"Gu-gumamit po ako ng palikuran." Naisip na idahilan ng pulis.

"So paano mo nasabing unang nang-amok ng gulo ay si Mr. Crisustomo?"

"A-ayon po sa salaysay ng kriminal na nakaaway niya."

Napatungo na lamang ng ulo si Gab at wala nang maisip kung paano idepensa.

Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi ni Micko at humarap sa hurado.

"Your, honor, wala na po akong katanongan pa. Ngunit gusto ko lamang ipabatid sa lahat ang tungkol sa pagkatao ni Mr. Crisustomo. Totoo na pinalano ng aming kampo ang pagpasok kay Mr. Crisustomo sa kulongan upang pangalagaan ang kaligtasan ng kriminal."

"Ohhhh!" sabay-sabay na naibulalas ng mga naroon na sumasaksi sa paglilitis at hindi inaasahan ang ibinunyag ng abogado.

Maging si Gab at Trevor ay hindi napaghandaan ang biglaang pagbunyag sa katotohanan. Iyon pa naman ang naisip nilang pang depends upang mabuwag ang alegasyon ng kabilang kampo.

Pumokpok sa lamesa ang judge nang mag-ingay ang lahat upang patahimikin ang mga ito.

"Totoo rin na itinakas namin ang kriminal upang hindi tuloyang mapatahimik ng kalaban. Kami ay isang ahensya na kinakatawan ng mga secret agent at isa naroon si Mr. Wigo Crisustomo!"

Gulat ang nakarehistro sa mukha ng lahat maging si Gab sa isinawalat ng katunggaling abogado.

"Do something!" mariin na utos ni Tony kay Gab sa mahinang tinig lamang.

"Maliwanag po ang lahat na ang witness na ito ay kasabwat ng totoong salarin sa pagkamatay ni Mayor Conrad." Turo ni Micko sa pulis na namutla na sa kinaupuan.

"Your, honor, kung hindi namin naipasok ang sa isa sa agent namin ay baka patay na ang kriminal na siyang napag utusan na patayin si Mayor." Pagpatuloy ni Micko.

Lalong nagulanta ang lahat nang e-play ni Micko ang record na nakuha sa loob ng kulongan. Maging ang pag-uusap ng dalawang pulis sa loob ng ambulansya at nabangit ang pangalan ni Congressman Tony.

"Kailangan niyong iharap sa amin si si Mr. Crisustomo." Deklara ng judge.

Panay ang tanggi ni Tony sa mga paratang sa kanya. Pinagdidiinan na set up lamang ang lahat at hindi niya kilala ang dalawang pulis na bumaliktad at tumayong witness laban dito. Nakumbinsi ang mga ito nila Cloud na umanib sa kanila at ang kapalit ay siguridad ng mga ito at ng pamilya. Naroon si Max na siyang nagsisiguro sa kanilang kaligtasan. Umamin ang kriminal na ibang tao ang nag-utos sa kanya na patayin si Mayor Conrad at hindi si Congressman Ted.

"Narito ba ang taong nag-utos sa iyo upang patayin si Mayor Conrad?"

"Opo!" Diritsong sagot ng kriminal kay Micko.

"Maari mo ba siyang ituro sa amin?" Tanong muli ni Micko sa kriminal ngunit ang mga mata ay nakatuon kay Luis.

"Huwag paniwalaan ang kriminal na iyan! Tiyak na kasama ako sa set up upang idiin si Congressman sa krimin na hindi niya nagawa!" Duro nu Luis sa kriminal sa nanlilisik na mga mata.

"Wala pang itinuturo ang witness na kriminal!" Dumagundong ang tinig ng taga hukom sa apat na sulok na iyon kasabay ng tawanan ng ilan na naroon.

"Sobrang defensive mo naman yata, Hepe?" nakangisi na tanong ni Micko sa lalaki.

Halos kainin ng buhay ni Luis si Micko at ang kriminal nang itinuro siya ng huli sa bandang huli, na siyang nag utos na patayin si Mayor Conrad. Wala na itong nagawa nang pusasan siya at diniklarang ikulong kasama ang pulis na bantay sa selda. Under interrogation ang mga ito at naka schedule ang hearing sa mga susunod na araw.

Si Wigo ay under investigation din at nagawan naman ni Dexter nang paraan at napiyansahan ito. Siya ang in charge ngayon bilang kumakatawan sa secret agency ng mga agent. Labag pa rin sa batas ang ginawa nila kahit na para sa kabutihan iyon lalo na at may nasaktan.

"Congressman, tulongan mo ako!" Mahigpit ang kapit sa kamay ni Tony nang makalapit siya dito bago pa siya mailabas ng court room.

"Bobo!" lapat ang ngipin na bulong ni Tony kay Luis. "Huwag kang magkamaling idawit ako sa kapalpakan mong ito, naintindihan mo?" pilit ang ngiti na dugtong pa nito dahil nakatutok sa kanila ang mga camera ng reporters.

Galit ang nakarehistro sa mukha ni Tony nang lingunin niya si Cloud na nakangiting nakatingin sa kanya. Ngiting makahulogan at mapanlinlang ang mababasa kung ito ay iyong pagtounan ng pansin.

"Siguraduhin ko na mamatay ka na sa pagkakataong ito, kasama ang mga mahal mo sa buhay!" Bumubuo ng masamang balak si Tony sa kanyang isipan, habang sinusundan ng tingin ang grupo ni Cloud palabas ng court room.