Chapter 34: Baog

"ISUSUNOD ko ang tiyohin mo." Nakangisi na bulong ni Tony kay Cloud nang magtapat sila sa pintuan. Lalong lumawak ang ngiti sa labi nang napatda sa kinatayuan ang lalaki at nilingon siya.

"Gaano mo kamahal ang iniingatan mong anak?"

Siya naman ang napatda nang marinig ang sinabi ni Cloud. Bigla siyang kinabahan lalo na nang magsalita itong muli.

He grinned while looking at his face. Woried was written all over on Tony's face. "Or should I say—" luminga muna siya sa paligid bago inilapit ang bibig sa taenga ni Tony. " Paano nagkaroon ng anak ang isang baog?"

Nakapamulsa ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng suot na slack pants habang naglalakad palayo kay Tony. Daig pa ng lalaki ang natuklaw ng ahas sa hitsura nito ngayon.

"Ano ang sinabi mo roon at nagkulay suka na ang mukha niya?" Siniko ni Micko sa tagiliran si Cloud. Nilingon niya si Tony na nanatili pa rin sa kinatayuan nito.

"Hayaan natin na mabaliw siya sa pag-iisip." Makahulogang tugon ni Cloud sa kaibigan.

Sabay na napailing sina Micko at Dexter sa naging sagot ni Cloud. Minsan talaga ay hindi nila nababasa ang plano ng kaibigan nila.

"Kumusta sa Manila?" tanong ni Cloud kay Micko nang makasakay na sila ng sasakyan.

"Nakausap ko si Mae at maayos naman ang kalagayan ni Raiko. May prospect na ang hospital sa maging heart donor niya ngunit hindi pa rin nakakasiguro na maging successful ang operasyong gagawin."

Bumalatay ang lungkot sa mga mata ni Cloud. Nalulungkot siya para sa kaibigan. Twenty percent lamang ang chance nitong mabuhay kapag itinuloy ang heart transplant. At ayaw nitong magpa opera hangga't hindi pa nahuli ang mismong pinuno ng sindikato. Ayaw nitong ipagsapalaran ang twenty percent na chance dahil maaring mapadali lamang umano ang buhay nito.

"Kailangan na nating magmadali upang maoperahan na siya."

Tumango si Micko at maging siya ay nalulungkot hanggang ngayon sa kalagayan ni Raiko.

Si Dexter ang nagmamaneho ng sasakyan pauwi. Nakita pa nila ang sasakyan ni Tony na umuna sa kanila at mukhang nagyayabang. Gusto niya sanang makipagkarira dito ngunit nang maisip na hindi kanila ang teretoryong ito ay nagbago ang kaniyang isip.

Dumiritso si Tony sa opisina niya kasunod ang pinagkakatiwalaang tauhan. Kanina pa siya hindi mapakali at hindi lubos maisip kung paano nalaman ni Cloud ang kanyang sikrito.

"Sir, may malaking problema po tayo." Kinakabahan na pagbabalita ni Luis, ang hepe ng pulisya.

"Ano na ang balita sa pinatatahimik ko sa inyo na tao?" tanong nito sa hepe sa halip na intindihin ang nais ibalita nito sa kanya.

"Tungkol nga po riyan ang sasabihin ko sana sa iyo, Sir." Dumoble ang kabang nadarama ni Luis nang dumilim ang awra ng anyo ni Tony.

"Na-nawawala po siya." Nautal pa na dugtong nito habang hindi hinihiwalay ang tingin sa amo. Kailangan niyang maging handa at bantayan ang kung ano ang ibato nito sa kanyang mukha.

"Pero nasaksak siya kung kaya dinala siya sa hospital." Bawi agad niya upang mabawasan ang galit ng huli.

"Paanong nawawala at hindi pa siguradong patay na siya?" Mahinahong tanong ni Tony ngunit kita ang paggalawan ng kalamnan nito sa panga.

"Hindi pa po malinaw ang lahat dahil maging ang pinaghihinalaan naming tumaraidor ay nawawala kasama ang kriminal. Maaring biktima rin sila at bihag dahil alam kong tapat ko silang tauhan at sa iyo."

"Hanapin mo sila at pataying lahat!" halos bumuga ng apoy ang mga mata ni Tony. Pilit nagpakahinahon sa harap ng hepe. Gusto niya itong barilin dahil sa kapalpakan pero kailangan pa niya ito ngayon.

Mabilis na umalis si Luis upang sundin ang utos ng amo bago pa ito demonyohin sa kanyang harapan.

...

"KUMUSTA ang pagdinig?" Salubong ni Ellah sa asawa sa sala. Hindi siya nakasama kanina dahil kailangan niyang manatili sa bahay. Ayaw din ng binata na isama siya dahil siya ang higit na maapiktuhan sa nangyayari. Ngayong hapon na rin ang libing ng kanyang ama.

"So far, so good." Siya na ang yumakap sa asawa upang pansamantalang payapain ang kanyang isip. Tanging dito siya kumukuha ng lakas ngayon at napapayapa ang loob kapag nasa tabi na niya ito.

"Ipaghanda kita ng makakain," kinintalan niya ng mabilis na halik sa labi si Cloud bago tumalikod. Hindi na siya nagulat nang sumunod ito sa kanya at yumakap mula sa kanyang likuran. "May problema ba?" Humarap siya dito at hinaplos ang pisngi nito.

"Hindi sana mawala ang tiwala mo sa akin."

"Asawa kita at sa iyo lang ako maniwala." Malapad ang ngiti bago yumakap ng mahigpit dito.

Napabuntonghininga si Cloud, malalim ang iniisip hanggang sa makaupo sa tapat ng lamesa. Bawat galaw ng asawa ay sinusundan. Kung pwede lang na bente kuwatro oras ay bantayan niya ito ay gagawin niya sa takot na ito ang pagbalingan ng kanyang kalaban.

Nailibing ang ama ni Ellah na walang gulong nangyari. Marami ang nakilibing at isa na roon si Tony.

Masama pa rin ang tingin ng lahat ng naroon kay Cloud na siyang tinuturong salarin sa pagkamatay ng mayor sa bayan na iyon.

Matapos ang libing ay nagkulong si Cloud sa library na nagsisilbing opisina na niya sa bahay ng asawa. Kailangan niyang makipag-ugnayan ng maayos sa pamilya ng kaniyang ina.

Mabilis na tumalikod si Ted mula sa pintuan nang mag-vibrate ang chips na nasa relo. Kinuha niya iyon at pasimpleng inilagay sa kaniyang taenga.

"Kumusta po kayo riyan?" paunang tanong ni Cloud sa tiyohin.

"Ayos lang ako dito at maayos na silid ang kinalalagyan ko ngayon dito sa loob ng kulongan." Paanas na sagot ni Ted sa pamangkin habang nakayuko ang ulo.

Pangalawang pag-uusap na nila ito ngunit ang una ay hindi maayos dahil may umaaligid sa paligid. Isa pa ay may surveillance camera sa kaniyang silid. Ipinilit ang bagay na iyon ni Tony para umano sa kaniyang kaligtasan. Kung hindi pa niya unang nalaman ang tungkol sa pamangkin ay baka naniwala siya sa pagmamagandang loob nito sa kaniya.

"Mas nakakabuti po na walang alam ang asawa at anak mo upang hindi sila magalaw ng kalaban."

Tumango si Ted kahit hindi siya nakikita ng kausap.

"Gagawa ako ng paraan upang mapabilis ang paglilitis sa kaso mo kasabay ng kaso ko. Dapat ay kapani-paniwala na hindi mo pa rin alam ang tungkol sa akin." Bilin ni Cloud sa kausap.

Humiga si Ted at nagkunwaring kumakanta upang makita sa cctv na bumubuka ang bibig niya dahil doon. Hinayaan niya lang ang pamangkin na magsalita at alam nito ang sitwasyon niya sa loob.

"Tatawag na lang po ulit ako kapag may bagong update. Ingat na hindi ma-detect iyang micro chips na ginagamit mo ngayon." Paalala ni Cloud bago pinutol ang linya ng katawagan.

Tama lang na naibalik ni Ted ang chips sa suot na relo nang dumating ang kaniyang bisita.

"Maayos lang ba ang trato nila sa iyo dito?"

Nakangiting tumayo si Ted at tinanggap ang pakipagkamay ni Tony sa kaniya. As usual, may kasama na naman itong reporter upang e feature sa balita ang tungkol sa kaniya.

"Salamat sa pagdalaw at sa protection. Kung wala ka ay baka hindi maging maayos ang kalagayan ko dito."

Malapad ang ngiting nakapaskil sa labi ni Tony habang tinatapik sa balikat si Ted. Kasabay niyon ay ang pagkislap ng camera na dala ng isang reporter.

"Sino pa ba ang magtutulongan? Naniniwala ako na wala kang kasalanan. Kailangan nllang natin maidiin sa kaso ang taong gustong sumira sa iyong pangalan."

Tiim bagang na tumango si Ted bilang pagsang-ayon sa kausap. But deep inside of his heart ay gusto na niyang sakalin ang kaharap hanggang sa mamatay ito.

"Kumusta ang usad ng kaso?" tanong ni Ted.

"Hindi maganda, bumabaliktad na ang lahat."

Nangunot ang noo ni Ted, "ano ang ibig mong sabihin?"

Pinalabas muna ni Tony ang reporter at ayaw nitong marinig ng huli ang tungkol sa kaso. "Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari, pero mukhang noon pa may gustong sumira sa pangalan mo."

Dumoble naman ngayon ang guhit sa noo ni Ted at nagugulohan sa mga sinasabi ni Tony.

"Alam naman natin noon pa na may galit sa iyo si Conrad. Hindi ko alam kung paano isinangkot ka niya sa isang illegal niyang gawain."

"Ang ibig mo bang sabihin ay sa akin na ngayon ipinapaako ang naiwan ni Conrad?" himig nagagalit na tanong muli ni Ted.

"Huwag kang mag-alala, gumagawa ako ng paraan upang malinis ang iyong pangalan." Mabilis na turan ni Tony upang pakalmahin ang kaibigan.

"Mga hayop sila, gusto ko nang makaharap sila sa hearing ng kaso!" Kuyom ang kamao na pahayag ni Ted.

Lihim na napangisi si Tony sa nakikitang galit sa mukha ng kaibigan. "Minsan ay kailangang gumamit na bakal na kamay upang turuan ng leksyon ang kaaway." Makahulogang payo ni Tony.

"Tama ka, hindi nila kilala kung sino ang binabangga nila! Hindi nila ako maloko ng matagal kaya humanda siya kapag ako ay gumamit na ng bakal na kamay!"

Natuwa lalo si Tony sa narinig. Pero bigla rin napaisip dahil malaman ang mga sinasabi ni Ted. Para bang sa ibang tao ito galit at hindi sa taong sinasabi niya.

"Kung gagamit ka ng bakal na kamay sa kaaway, make sure na malinis upang hindi bumalik sa iyo." Payo ni Tony.

"Tama ka, kaya pinauubaya ko na muna sa iyo ang lahat. Pinakikilos ko na rin ang tao ko upang hanapin ang kapatid."

Muling napangisi si Tony at gusto ang ginagawa ng bayaw niyang hilaw. Hindi na siya nagtagal sa loob ang nagpaalam na. Kailangan niyang tutukan ngayon ang paghahanap sa tatlong taong nawawala lalo na ang nagpanggap na doctor.