Chapter 28: Flirting
"MOM?" May pag-aalinlangang tawag ni Cloud sa ina na kanina pa nakatitig sa kanya. Gusto niya itong yakapin ngunit natatakot siya na baka hindi siya nito kilalanin at lalong magulo ang isip.
"Saan ka nanggaling? Bakit ngayon ka lang umuwi?" bahagyang bumagsik ang awra ng mukha ng ina nang makilala siya. "Maliit ka pa noong hinatid kita sa paaralan."
Nag-igtingan ang mga ugat sa leeg habang nakatiim bagang. Hindi ito ang inaasahan niyang reaksyon sa muli nilang pag-uusap ng ina. "Magpagaling na po kayo at pangakong hindi ko na kayo muling iiwan." Maingat niyang niyakap ang ina nang makitang may luhang pumapatak sa mga mata nito.
"Matagal kitang hinintay, Anak! Ang daddy mo ay pinatay nila, dito ka lang sa tabi ko upang hindi ka nila makuha sa akin." Naging malikot ang galaw ng mga eyeballs ng ginang at hinigpitan ang yakap kay Cloud.
"Pangako, pagbayarin ko siya at sa pagkulong niya sa iyo ng maraming taon sa bahay nila!"
"Matutulongan ka ng Tito Tony mo upang mahuli sila, Anak!"
Naikuyom ni Cloud ang mga palad na nasa likod ng ina. Lubhang nalason na ng kaaway niya ang isip ng ina. Binaklas niya ang braso ng ina na nakayakap sa kanyang batok. Mabagal ang kilos at pahintamad na tumayo. Nilingon niya ang kanyang yaya na umiiyak habang pinapanuod silang mag-ina. "Kayo na po muna ang bahala ulit sa kanya. Babawi po ako sa inyo kapag natapos na ang kaso."
"Anak, iiwan mo na naman ako?" Naalarma ang ina nang tumalikod siya
"Bibili lang po ako ng regalo para sa iyo, Mom." Pilit ang ngiti na nilingon ang ina. Malapit na ang kaarawan nito at 'yon ang naisip na idahilan dito upang mapanatag ang loob nito.
"Hindi ko kailangan ang reaglo, ikaw lang ay sapat na, Anak!"
"Ma, you know me," humakbang siya palapit muli sa ina at hinagkan ito sa noo. "Gusto mo bang magtampo ako at ayaw mong tanggapin ang aking regalo para sa iyo?"
Sunod-sunod na iling ang naging tugon ng ina sa kanya. Masaya na ito nang magpaalam siyang aalis na.
"I'm ready."
Naipilig ni Cloud ang ulo nang marinig ang matinis na tinig ng asawa. Bihis na rin ito upang sumama sa kanya. Ilang linggo rin silang hindi nagkita nito dahil marami siyang inasikaso. Naroon siya upang sunduin ito, ayaw niya sana munang isama ito pabalik sa Davao ngunit naging makulit ito at hindi niya matiis. Ang ina tuwing kaharap niya ay parang ngayon lang siya nakita muli. Malimutin ito sa present ngunit hindi makalimutan ang past na siyang nagpapahina sa isip at loob nito.
"Hello Mommy!" Parang batang yumakap si Ellah sa ina ni Cloud..
Pati mata ni Cloud ay nakangiti sa nakikitang senaryo sa kanyang harapan. Mukhang close na ang dalawa at normal ang kanyang ina kung ang kausap si Ellah.
"Kasama mo ba ang aking, anak, Hija?" nalulugod na tanonang ni Ann kay Ellah.
"Opo! Babalik din po kami agad." Hinalikan nito sa pisngi ang ginang bago humiwalay sa pagkayakap.
"Mag-ingat kayo, huwag mo hayaang kunin siya ng ibang tao para ilayo sa iyo."
Nakangiting tumango si Ellah at umaktong nanunumpa sa harap ng ginang upang mapanatag ang kalooban nito. Alam ni Ellah ang sakit ng ginang at ayaw nitang itrato ito na may sakit. Sa maiksing panahon na nakasama ito nang maiwan siya roon ay inalagaqn niya ito. Siya ang madalas na kausap at marami siyang natuklasan sa kabataan ng asawa. Hindi lang talaga maiwasan na nawawala ito sa sarili lalo na kapag naiisip ang nakaraan.
Hindi mabura ang ngiti sa labi ni Cloud kahit nakasakay na sila ng kotse. Napalis lamang iyon nang tinaasan siya ng isang kilay ni Ellah.
"Thank you," sinsero nitong pasalamat sa asawa. Ginagap ang kamay ni Ellah gamit ang kanang kamay na hindi nakahawak sa manubela. Sinulyapan niya ito, "thank you dahil tanggap mo ang aking ina." Dugtong niya habang nakatingin sa unahan nang pinukol siya ng nagtatanong tingin nito.
Kagat ang ibabang labi na pinakatitigan ni Ellah ang katabi. Malaki na ang pinagbago ng pakitungo nito sa kanya. Kung dati ay ang sungit nito sa kanya, ngayon ay naging showy na at mabait. Marunong na rin ito magpasalamat kahit maliit na bagay lamang ang kanyang nagawa. Hindi mahagilap ang sariling dila sa kung ano ang isagot dito, kung kaya pinisil na lamang niya ang kamay nito bilang tugon.
May time na naging demanding siya at pinagbibigyan nito. Katulad na lang sa atensyon, gusto niyang alam niya kung saan at ano ang ginagawa nito kapag hindi sila magkasama. Pero ngayon ay kinukontrol niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang mapatid ang maiksing pasensya nito sa kanya. Pinayuhan din siya ni Raiko at nagka idea siya sa kung ano ang iba pang ugali ng asawa. Naging malinaw na rin sa kanya ang relasyon ng dalawa na ikinagaan ng kanyang loob.
"And what is that?" puna ni Cloud sa kakaibang ngiti sa labi ni Ellah. Nakatigil sila ngayon sa gitna ng kalasada dahil naka red ang signal.
"Huh?" Wala sa sariling nilingon ang asawa. Nakatitig ito sa kanyang labi na bahagyang nakaawang.
"Sino ang iniisip mo at ang ganda ng ngiti mo?" Pinadaan niya ng daliri ang mapulang labi ng asawa.
Naitikom naman agad ni Ellah ang labi at bahagyang inilayo ang mukha sa kamay ni Cloud. Bigla siya nakaramdam ng hiya na baka nabasa nito ang pilyang iniisip kanina. Ini-imagine lang naman niya kanina kung ano ang parusa pinapataw sa kanya ng asawa, sa tuwing gumawa siya ng bagay na hindi nito nagustohan. Biglang namula ang kanyang pisngi lalo na nang mapatitig siya sa kissable lips nito.
Napangisi si Cloud nang biglang umiwas ng tingin sa kanya ang asawa. Kahit hindi sila laging magkasama ay alam na niya ang ugali nito at kahinaan. Muling ibinalik ang tingin sa daan nang umusad na ang mga sasakyan sa unahan. Nakatutok sa daan ang mga mata ngunit ang kanang kamay ay humaplos sa makinis na hita ni Ellah, na lantad sa suot nitong maong short. Kahit tinapik na nito ang kamay niya ay hindi siya nagpatinag. Sinulyapan lamang niya ito at lalong lumawak ang ngisi niya nang mapasinghap ang asawa.
"And how is it?" Mapanukso niyang tanong dito bago inalis ang kamay na nakapatong sa pagitan ng mga hita nito.
"I want more!" Mapang akit na sagot ni Ellah, ayaw niyang magpatalo kapag naging mapanukso ang asawa.
Naningkit ang mga mata at mabilis na itinabi ni Cloud ang sasakyan sa hindi mataong lugar. Hindi na nakahuma si Ellah sa sunod na ginawa ng asawa. Pahaklit na hinila siya nito at inupo sa kandungan nito.
"Nagbibiro lang a— uhmm, Cloud," hindi na niya nagawang magreklamo pa nang sinibasib siya ng halik sa leeg habang ang dalawang kamay nito ay kumubkob sa magkabila niyang dibdib. "Baka may makakita sa atin." May kasamang ungol na sikmat nito sa asawang ayaw magpaawat sa ginagawa sa kanyang katawan. Tila itong sangol ngayon na naghahanap ng gatas. Madali lamang nitong naitaas ang kanyang pang-itaas dahil maluwag iyon at hanging blouse. Ngayon niya napagtantong walang pinipiling lugar ang asawa kapag nagbigay ng parusa.
"Kaya dapat huwag kang manyak sa public place," bulong ng kunsensya ni Ellah sa kanyang isipan.
Naputol lamang ang foreplay nila ng asawa nang may kumatok sa bintana ng kotse. Tinted ang kanilang sasakyan kung kaya hindi sila nakikita mula sa labas.
"Isturbo!"
Napangiti si Ellah dahil mahamig sa tinig ni Cloud ang iritasyon at nabitin ito. Napatitig siya sa pagkalalaki nito, namumukol iyon at halatang galit din dahil naudlot ang nais gawin. Inayos niya ang sarili at pinakalma ang asawa bago buksan ang bintana.
"Ano ang kailangan mo?" tanong ni Cloud sa pulis na laging nakabuntot sa kanila kapag nasundan sila.
"Alam mo ba na magdamag kaming hindi nakatulog sa kakahanap sa inyo?" Nasa tinig ng pulis ang galit habang ang tingin ay na kay Ellah.
"Baka gusto mong butasin ko iyang mata mo?"
Mabilis na umiwas ng tingin ang pulis kay Ellah nang makita na binunot ni Cloud ang baril nito. "Naghihintay na si Hepe sa airport."
Walang salita na isinara ni Cloud ang bintana bago pinaharurot ang sasakyan. Naiwang nakanganga ang pulis. Hindi na muli nagsalita si Ellah. Takot siya na baka lalo lamang madagdagan ang init ng ulo ng asawa kapag nagsalita pa siya. Hindi siya pwede magpasaway ngayon lalo na at dalawang ulo ng asawa ang galit ngayon.
Kasama sina Jeydon at Dexter na bumalik ng Davao. May escort na rin sila na tauhan ni General Max para masiguro ang kanilang kaligatasan sa teretoryo ng kalaban. Diritso sila sa court room nang makarating doon. Agad na inilatag ang mga inihaing kaso laban kina Cloud at reklamo ng mga pulis na bantay sa kanila mula Manila. Lahat ng reklamo ng pulis ay madali lamang naidepensa nila Jeydon. Mabilis natapos ang pagdinig at nire-schedule ang hearing on the next day.
"Kailangan niyo nang magseryuso sa sunod na hearing dahil may ilalabas umano na ebedinsya laban sa iyo, Cloud." Paalala ni Dexter kina Cloud at Jeydon.
"Yakang-yaka ko iyan, ako naman ngayon ang maging bagsik na magtatangol." Tumaas-baba ang mga kilay habang nakatingin kay Cloud na ani ni Jeydon.
Pumapalatak si Dexter bago tumalikod at nagpatiuna sa parking lot. May mga humarang sa kanila na taga media ngunit hindi nila pinagbigyan ang mga ito sa interview. Niyakap ni Cloud ang ulo ni Ellah at itanago sa kanyang braso habang inaakay ito sa paglalakad. Marami ang kinikilig sa pagiging protective ng nasakdal na abogado, nang mapanuod ang balita sa tv.
"They look perfect couples, totoo nga ba na ang asawa niya ang salarin sa pagkabaril sa kanyang ama?" basa ni Tony sa caption na binabasa sa diyaryo kinabukasan. "Mga inutil!" Galit na nilamukos niya ang diyaryo.
"Lahat kayo ay mga inutil!" Ibinbato ni Tony ang hawak na papel sa kaharap ng hepe ng pulis. "Wala ka manlang magandang balita at kahit isa sa kanila ay hindi mo natunton?" halos bumuga ng apoy ang mga mata na nakatingin sa iba pang tauhan na nasa kanyang harapan.
"I'm sorry, Congressman. Madulas talaga sila kung kaya natatakasan kami palagi. Bakit hindi mo na lang sila ipatumba nang matapos na ang problema mo sa kanila?" mungkahi ng hepe kay Tony
"Bobo ka talaga kahit kailan!"
Napayuko ng ulo ang hepe nang bulyawan siya ni Tony. Nakaramdam ng panliliit lalo na at nasa paligid ang kanyang tauhan. Wala siyang nagawa kundi ang manahimik at yumuko dahil pet lamang siya ng huli.
"Sino ang pagbintangan kapag namatay siya? Hindi mo ba naisip na kasiraan ko kapag nangyari 'yan?" patuloy na bulyaw nito sa tauhan.
"Sir," may pag-aalinlangan na tawag ng guard kay Tony mula sa malayo. " Dumating na po ang inyong bisita."
Bahagyang kumalma si Tony sa narinig. "Umalis na kayo at gawin ng maayos ang mga trabaho ninyo!" Masama ang tingin na utos nito sa mga tauhan. Tama lamang na nakaalis ang mga tauhan nang makapasok sa gate ang panauhing hinihintay. Malapad ang ngiti at may galak na sinalubong si Congressman Ted na nagmula pa sa Cebu.