Chapter 26: Pagkanta
"Boss C!"
Hindi na nilingon ni Cloud si Amalia na bumati sa kanya. "Bantayan mo siyang mabuti, baka malingat ka at makalabas siya ng hideout."
"Patutulogin ko siya, boss kapag matigas ang ulo niya." Pumitik sa ere ang dalawang daliri ni Amie habang nakangiti. Dagli ring nabura ang ngiti sa labi nang makita ang malaking tao na pumasok sa tarangkahan. Nangungusap ang mga mata na tumitig siya sa taong bagong dating. Ngunit ang isinukli nito sa kanya ay walang emosyong mga titig.
"General!" Sumaludo si Cloud sa bagong dating.
"Nagmamatigas pa rin siya." Tukoy ni Max kay Lucas.
Napabuntonghininga si Cloud, "ako na ang bahala sa kanya."
Tinanguan ni Max ang binatang abogado bago tumuloy sa loob upang kamustahin ang mga tao na naroon. Siniguro rin ang kaligtasan ng mga ito habang wala ang ibang detective dahil busy sa pag-aasikaso ng kaso ni Cloud.
Napalabi si Amalia nang lagpasan lang siya ng makisig na general at ni hindi napansin ang kaniyang beauty. Kailangan pa niya yata itong galitin para mapansin siya.
Paulit-ulit na nagmura si Ellah nang malaman na umalis na si Cloud at hindi siya isinama. Halos kulong sila sa bahay dahil bawal lumabas, iyon ang pinakaayaw niya kung kaya doble ang inis na nadarama para sa asawa. Daig pa niya ang nabitin sa kama dahil hindi manlang nagpaalam sa kanya bago ito umalis. Gusto man niyang umalis ngunit mahigpit ang bantay. Hindi na niya ulit nakakusap ang pinsan dahil namamahinga ito.
"Huwag nang matigas ang ulo, manatili tayo dito hanggang sa kailangan natin lumabas upang dumulo sa paglilitis ng kaso ng iyong asawa." Maawturidad na wika ni Don Felipe kay Ellah nang humingi ito ng tulong upang makalabas.
"Paano po si Daddy? Baka siya ang balikan ng kalaban? Wala siyang laban at walang nagbabantay sa kanya." Naiiyak na tanong nito sa abuelo. Totoong nag-aalala siya sa ama na walang malay hanggang ngayon.
"Wala tayong magagawa sa ngayon kundi ang magtiwala sa asawa mo." Malungkot ang mukha ng Don, hindi masabi sa dalaga ang ibang pang kasong kinasasangkutan ng ama nito.
...
"BAKIT ngayon ka lang?" Hindi maipinta ang mukha ni James habang nakahalukipkip sa kinaupuan.
"Marami lang ginawa." Pabaliwalang sagot ki Cloud habang hinuhubad ang suot na jacket.
"Ang sabihin mo, umiskor ka pa kung kaya natagalan ka." Nakangisi na ngayon si James habang nakatingin sa gusot na pulo shirt ng kaibigan at ang marka sa leeg.
Hindi napigilan ni Cloud ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi dahil pinaalala ng kaibigan ang ginawa niya kanina. Muling lumitaw sa balintataw ang hubad na katawan ng kaniyang asawa.
"Tsk!"nakangising pumalatak si James. "Minsan lang kita makitang ngumit, ngiting manyak pa?" Buska nito sa kaibigan. Gusto niyang batukan ang kaibigan nang lalong lumawak ang ngisi nito.
"In love ka na nga at hindi mo na maitago ang ngiti mo." Umiiling na ani ni James at nawala na ang inis para dito. Ang usapan lang nila kanina ay hanggang tatlong oras lang ito mawala. Pero halos dose oras na bago nakabalik.
Mabilis na napalis ang ngiti sa labi ni Cloud at bumalik sa pagiging pormal. Walang salita na umupo siya sa sofa at hindi na muling tumugon sa pambubuska ng kaibigan.
Ilang sandali pa ay sabay na silang umuwi ni James. Nakasalubong nila sa hallway ang bantay na pulis. Pagdating ng bahay nila ay ang galit na mukha ng hepe ng pulis ang bumumgad sa kanya.
"Huwag mo akong tignan ng ganyan dahil wala akong utang sa iyo." Inunahan na ni Cloud ang hepe.
"Nasaan si Miss Ellah?" nangangalit ang bagang ng hepe dahil sa halit.
"Mrs." Pagtatama niya sa tawag nito sa kanyang asawa.
"Tinakasan mo ba ang tauhan ko kanina?" Pag-iiba nito sa tanong.
"Huwag ka puro bentang at tanong, gawin ninyo ang inyong trabaho dahil wala sa usapan na kailangan kong sagutin ang lahat ng katanongan mo." Sarkastikong tugon nito sa hepe.
Nagtatagis ang ngipin na sinundan ng tingin ni Luis ang tumalikod na abogado. Mainit ang ulo dahil walang magandang impormasyon na maibalita sa kanilang pinuno. Hindi niya rin nakausap si Dark kanina dahil mahigpit ang bantay. Maging ang hepe na nakatalaga sa presinto ay may limit din ang galaw sa loob dahil all eye ang tao ni General Max dito.
Malalim na ang gabi nang muling kumilos si Cloud. Lalong naging mailap ang antok sa kanya ngayon dahil sa maraming iniisip. Dumagdag pa sa isipin ang asawa na mag-isang natutulog sa silid ngayon na sana ay kasama siya.
"Wake up!" Tinampal niya ang noo habang nakaharap sa malaking salamin. Maging siya ay napapansin ang sariling reflection sa salamin na may nagbago.
Ang mga mata na matalas kung maningin noon ay tila nangungusap na ngayon kapag sumagi sa isip ang asawa. Bago pa magmukhamg baliw sa harap ng salamin ay tumalikod na siya. Isinuot ang itim na damit. Ayos ninja siya ngayon at palihim na nilisan ang bahay. Nakita niyang gising ang pulis na nagbabantay sa tarangkahan. Sa sala ay mayroon rin at sa labas ng kanyang silid. Nakikita niya ang kilos ng mga ito dahil may cctv siyang ikinabit sa labas at loob ng bahay nang lingid sa kaalaman ng mga ito.
Marahang binuksan ni Cloud ang bintana upang hindi makalikha ng ingay. Walang kahirap-hirap na tinalon ang bintana mula sa first floor. Maging ang pagbagsak ng paa sa lupa ay mahinang yabag lamang ang narinig. Mabilis siyang lumayo sa tapat ng bintana nang mamataan ang isang bantay palapit sa kinaroonan niya. Napangisi siya nang kumamot sa batok ang pulis habang nakatingala sa kanyamg bintana. Isinara niya iyon kaya hindi halatang may taong dumaan doon. Nang bumalik na ito sa pwesto nito ay mabilis niyang inakyat ang lampas tao na pader at tumalon sa paibaba. Itinulak ang motor na nakatago sa likod ng bakod palayo sa kanyang bahay. Dumiritso siya sa ikalawa nilang hideout kung saan itinago si Lucas.
"Gising pa ba siya?" Tanong niya kay Ruel na siyang nagbukas ng gate.
Tumingin muna sa pambisig na orasan si Ruel bago sumagot. "Madalas ay umaga na siya natutulog at tila baliw na ito kakaisip paano makatakas."
Sinundan ni Cloud si Ruel na tumuloy sa pagpasok sa loob. Alas dose na gabi pero gising pa silang lahat. Si Cris ay gising din dahil ito ang taga timpla nila ng kape. Para silang nakipaglamay ng ilang gabi na kasama sina Jeydon at Dexter. Sina Micko, Ashton, James at Wigo naman ay nasa kabilang hideout. Ang mga asawa ng mga ito ay kasama kung saan ang mga ito mapadistino kung gustohin.
"Sigurado ka bang hindi tangkaing buksan ng bantay mo ang iyong silid? tanong ni Dexter kay Cloud.
"Alam nilang may alarm akong inilagay sa silid ko at ayaw kong magpaisturbo sa kanila.
"Good! Ikaw na ang bahala sa kaniya at matutulog muna ako." Paalam ni Dexter at ang asawa ay nasa isang silid at anak ng mga ito.
Dumiritso si Cloud sa silid ni Lucas at dim ang liwanag doon. Pagkabukas ng pintuan ay nakita niya agad si Lucas at gising pa ito.
"Da-dark?"
Lihim na napangisi si Cloud dahil napagkamalan siya nitong si Dark. Hindi pa niya inaalis ang itim na telang naka takip sa kanyang mukha. "Gusto mong itakas kita sa kanila?" pinaamo niya ang kanyang tinig.
"Ikaw ba talaga iyan? Paano ka nakapasok dito?" may pag-aalinlangan na tanong ni Lucas.
"Nakalimutan mo na yata ang kakayahan ko, Master." Ginaya niya ang kilos at tinig ni Dark. Hindi magkalayo ang laki ng katawan nila ni Dark kung kaya hindi agad mapansin kung sino talaga siya.
"Ikaw nga!" nagagalak na naibulalas ni Lucas.
"Shhhh!" Sinenyasan niya itong huwag maingay. "Kailangan mong mag-ingat, Master. Pinapapatay na ni Congressman lahat ng taong maaring sumira sa kanyang pangalan."
"Ano ang ibig mong sabihin?" Nanlalaki ang mga mata ni Lucas.
"Pinapatay niya si Mayor Kho dahil nadiskubre ng kalaban na ito ang nagbigay sa iyo sa apo ni Don Felipe noon.
"Hindi totoo iyan, hindi ikaw si Dark!" Nanlilisik ang mga mata na bulyaw nito sa kaharap.
Isang malakas na batok ang pinadapo ng palad ni Cloud sa matanda. Gusto niya sanang linlangin ito ngunit matalas pa rin ang memorya nito at mautak.
"Akala mo ba ay madali mo akong malinlang?" nakakainsulto ang tawa na ani Lucas.
"Hindi nga kita nalinlang, pero totoo ang sinasabi ko na patay na ang isa sa amo mo."
Kinilabutan na naman si Lucas sa paraang ng ngiti ng kaharap. Inalis na nito ang takip sa mukha kung kaya nakilala niya ito. Tila lalo itong bumangis sa kanyang paningin ngayon. Halos lumuwa ang kanyang mga mata nang itapat nito sa kanyang mukha ang hawak nitong cellphone. Malinaw na nakikita sa video ang nangyayari at ang tinig ng taong nagsasalita.
"Natagpuan ko na rin ang pamilya mo." Pinaikot ni Cloud ang de gulong na upuan kung saan makatali si Lucas. "Ang ganda ng anak mo, alam mo bang may gusto siya sa akin?"
"Hindi totoo iyan! Walang ibang nakakaalam bukod sa aming dalawa kung ano ang tunay niyang pagkatao!" Parang baliw na nagwala ito sa kinaupuan.
Tumawa ng malutong si Cloud habang binubulsa ang cellphone. "Sisirain ko ang buhay niya katulad ng pagsira mo sa buhay namin!" mala-demonyo ang titig na ipinukol nito kay Lucas.
"Huwag!" biglang umamo ang mukha ni Lucas at nagmamakaawa. "Gagawin ko ang lahat, huwag mong ipaalam sa kanya ang tunay niyang pagkatao!" bahagyang pumiyok ang tinig nito.
Pinaamo ni Cloud ang mukha at yumukod upang magpantay ang mukha nila ni Lucas. "Madali lang naman akong kausap. Mabait siya at palakaibigan. Baka maisip niyang magpakamatay kapag nalaman na ang tunay niyang ama ay isang hayop. Masakit na sa kanya ang malaman na isang kriminal ang kinikilalang ama, hahayaan mo ba na dalawamg beses madurog ang kanyang puso?" Nangungunsensya ang tono ni Cloud.
Mariin na umiling si Lucas, hindi magawang magalit sa kaharap dahil hawak nito ang kanyang kahinaan.
"Nagtataka ka ba kung paano ko nalaman?" Hinaplos niya ang ulo ng may edad ng lalaki. Tanging mga mata lamang nito ang nagsasalita na puno ng katanungan. "Matalino ako." May kayabangan na dugtong ni Cloud. Ang totoo ay hindi pa siya sigurado noong una. Hinuhuli lamang niya ang lalaki at kumagat naman agad ito. Nalaman niya na walang unang asawa ang congressman. Hindi rin nito kamukha si Eliza. Si Lucas ang una niyang naisip nang matitigan ang dalaga. Pinagtagni-tagni lamang niya kung ano ang nagbibigkis kina Lucas at Congressman Tony.
"Hayop ka!" bumagsik ang mukha ni Lucas dahil nainsulto ito. Hindi niya akalain na napakanta siya nito sa isang bagay na pinakalihim sa kaniyang pagkatao. Nagpadala siya sa takot nang makita ang mukha ng anak.
"Gago!" Isang malakas na suntok ang pinadapo niya sa mukha ni Lucas bago ito iniwan. Nilingon niya ito habang binubuksan ang pintuan, "humanda ka dahil kasama ka sa pagbalik ko sa Davao. Kapag nagkamali ka sa ipapagawa ko, idadamay ko ang anak mo."
Tigagal sa kinaupuan si Lucas, nasa mukha ang hindi makapaniwala. Na isang bata niya noon ang may hawak na sa kanyang leeg ngayon.
"Aalis ka na?" Nakakunot ang noo na tanong ni Jeydon kay Cloud.
"Tapos na ako dito, kailangan kong umuwi na."
"Uuwi sa bahay mo o sa kabilang hideout?" Mapanuksong tanong nito kay Cloud. Ito ang kauna-unahan na hindi ito titigil sa hideout nila. Halos ito ang tao dito noon at hindi inuuwian ang sariling bahay.
"Kayo na ang bahala rito, kasama naman ninyo ang mga asawa niyo dito." Pag-iiba niya sa usapan. Hindi siya komportable sa ganoong usapan.
"Cloud," tawag ni Ynrahd kay Cloud bago pa ito makalabas ng bahay. "Pwede ko ba masabunutan ng isa ang asawa mo?"
"She didn't meant to hurt him." Depensa agad ni Cloud. Alam niyang nagagalit ito ngayon kay Ellah dahil nagkapasa sa mukha si Jeydon.
"Whatever!" Nakaingos na umirap si Ynrahd kay Cloud. Hindi pa niya nakakaharap ang babaeng biglang sumulpot sa buhay ng arogante nilang kaibigan.
Hindi na pinakinggan ni Cloud ang iba pang sinasabi ng asawa ni Jeydon. May pagmamadali na umalis patungo sa lugar kung saan naroon ang isip.