Chapter 24: Mahirap pakibagayan
"AYAW kong sumama ang loob ni Raiko kaya sana ay mag-ingat ka sa mga bibitawan mong salita. Manatili ka rito ng ilang araw habang abala pa ako sa pag-asikaso sa problema."
"Huwag kang mag-alala, may puso pa rin ako at pinsan ko si Raiko. Isa pa ay hindi rin ako magtatagal dito. Ngayong napatunayan kong mabuti kang tao ay panatag akong iwan sila sa pangangalaga mo." Hindi maiwasan ni Ellah ang maging bitter.
"Baka nakalimutan mong asawa na kita kaya kung nasaan ako ay dapat naroon ka rin."
Nagpigil si Ellah na ilabas ang saloobin na nagpapasikip sa kaniyang dibdib. Bumabas siya sa kama at humarap sa bintana upang itago ang pamumula ng mga mata sa mapanuring tingin ni Cloud. Sa halip na salungatin ito ay iba ang namutawi sa kaniyang labi.
"Kailangan ako ni Daddy."
"May tao na akong iniwan doon at—"
"I want to go back in Davao, sa ayaw at sa gusto mo." Matigas na putol niya sa iba pang nais sabihin ni Cloud.
"What's wrong with you? Kailangan mo ba talagang pairalin ang katigasan ng ulo mo sa pagkakataong ito? Stop being selfish, Ellah!" tumaas na ang timbre ng boses ni Cloud at napapatid ang pasensya dahil hindi na naman maintindihan ang asawa.
Marahas na nilingon ni Ellah si Cloud at galit na hinarap ito. "Alam kong hindi maganda ang tingin mo sa ugali ko at mababa ang tingin sa aking kakayahan! But I'm not selfish! Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon kaya huwag mo akong sabihan na selfish! Dahil kung makasarili ako, hindi ko gagawin ang lahat ng ito!"
"If you're not selfish, then, stop being stubborn!"
Inis na tumalikod siyang muli at tangkang iwan na si Cloud ngunit mabilis nitong hinuli ang kaniyang kanang kamay. "Let me go."
"No... Mangako ka munang hindi tatakas para lang masunod ang kagustohan!" madiin na turan ni Cloud ngunit nanlaban ito at ginigiit at gusto.
"Jerk!" she hissed, pabagsak siya natumba sa higaan nang pabalya siyang ibinalik doon ni Cloud.
Alam niyang galit ito pero hindi siya papatinag. Babangon sana siya upang itulak din ito ngunit mabilis itong dumagan sa kanya. Kinagat niya ito sa balikat dahil hindi siya makawala sa mahigpit nitong yakap sa kanya. Umaray lamang ito ngunit hindi umalis sa ibabaw niya. Naudlot ang tangkang pagsipa sa pagkalalaki nito dahil naunhan siya. Mabilis na ibinuka nito ang dalawa niyang hita gamit ang mga paa nito at pumagitnan doon.
"Huwag mo akong sisihin kung nagiging marahas na naman ako sa iyo." Malamig na bulong ni Cloud bago sinibasib ng halik sa labi ang asawa.
Tila nauupos na kandila na bumigay ang kanyang katawan nang magsimulang lumikot ang kamay ng asawa sa kanyang katawan. Ang labi nito ay humahalik sa kanyang leeg. Dama niya ang pananabik ni Cloud na maamgkin siya nitong muli. Ngunit ayaw niyang madarang, asawa naman niya ito pero nakukunsensya siya kapag naalala si Raiko. Pakiramdam niya ay pinagtataksilan nila ito sa kaalamang ang pinsan niya ang mahal ni Cloud.
"Cloud... Please, stop!" kulang sa lakas na pakiusap nito sa asawa. Pakiramdam niya ay nagkakasala siya sa pinsan.
"I want you!" he whisper on her ear in husky voice.
"Hindi ako si Raiko, Cloud." Lumuluhang sambit ni Ellah sa mahinang tinig lamang. Gusto niya itong pagbigyan ngunit nasasaktan siya sa isiping si Raiko ang nasa isip nito habang siya ang kaniig.
"Bakit mo naman naisip na maging ikaw si Raiko?" flat ang tono na tanong ni Cloud kay Ellah.
Hindi na napigilan ni Ellah ang luha na tumulo pagkakita sa reaction ng mukha ni Cloud. Tila bigla itong nag-yello at nagalit dahil sa kanyang sinampit kanina. "Alam kong hindi ko siya kayang pantayan diyan sa puso mo." Garalgal ang tinig na anito habang nakayuko upang itago ang pagluha.
"What are you talking about?" Mahamig sa tinig nito ang iritasyon. Hinawakan sa magkabilang balikat si Ellah at pinaharap sa kanya. "Look at me!"
Napapiksi siya sa tono ng boses ni Cloud. Kapag ganoong tono nito sa pagsalita ay alam niyang galit na ito. Takot siyang magsalubong ang kanilang mga mata kung kaya nanatili siyang nakayuko.
"Damn it!" Naihilamos ni Cloud ang palad sa kanyang mukha nang nagkaroon ng tunog ang hikbi ng asawa. "Bakit ka ba umiiyak?"
Itinulak ni Ellah ang asawa at padapang humiga sa kama. Isinubsob ang mukha sa unan at impit na umiyak. Ayaw niyang magsalita dahil mababasag lamang ang kanyang tinig.
Walang idea si Cloud kung paano pakitungohan ang damdamin ng asawa ngayon. Magulo ang isip at nagpasyang lumabas muna upang magpalamig. Hindi siya marunong mag-handle ng ganoong emosyon ng babae. "Pupunta lang ako sa silid ni Raiko."
Galit na naibato ni Ellah ang unan sa sahig nang marinig ang pagbukas at sara ng pintuan. Abot langit ang sama ng kanyang loob habang tumatangis. Nanghihina na umupo siya sa kama at iniyakap ang mga braso sa dalawang tuhod. Nagmistula siyang basang sisiw na nilalamig.
"Bakit ka nandito?"
"Anong klaseng tanong 'yan?" Hindi pa rin nawawala ang nadaramang iritasyon ni Cloud.
"Nag-away ba kayo?" tanong muli ni Raiko sa kaibigan habang mataman itong tinititigan.
"Tsss! Bakit ba ako narito?" Pumapalatak na wika ni Cloud. Naiirita siya at hindi malaman kung para kanino.
"Ang gulo mo," nakangisi na puna ni Raiko sa binata. "Sinasagot mo ng patanong ang tanong ko sa iyo."
"Bakit ka ba kasi nagtatanong? Dati pa naman akong napunta rito kahit anong oras kong gustohin."
Lumapad ang pagkangiti ni Raiko habang pinagmamasdan ang mukha ng kaibigan. "Hindi mo dapat siya iniiwan lalo na kung masama ang kanyang loob."
"Tsk! Bakit ba ang hirap ninyong intindihin na mga babae?" Reklamo nito habang nakasandal sa dingding.
"Ano ba kasi ang nangyari?" naintriga na rin si Raiko. Pakiramdam niya ay nadagdagan ang kanyang lakas ngayon danil masaya siya sa nasasaksihan.
"Tsk, never mind." Walang gana na sagot ni Cloud. Ang isip ay nasa asawa, iniisip kung umiiyak pa rin ba ito.
"Hey!" Sikmat nito kay Raiko nang tumama sa kanyang dibdib ang balat ng saging na ibinato nito sa kanya.
"Lagot ka sa akin kapag pinaiyak mo ang pinsan ko!" birong totoo nito kay Cloud.
"Tsss, hindi ko nga alam kung bakit siya umiiyak at ayaw namang sagutin ang tanong ko." Bulong ni Cloud na umabot sa pandinig ni Raiko.
"Tapos iniwan mo siya na umiiyak?" napahinga ng malalim si Raiko nang paaroganting tumingin sa kanya ang kaibigan. "Lumala yata ang sakit mo." Sarkastikong dugtong nito na ikinakunot ng nooni Cloud.
"Wala akong sakit."
"Sa katawan wala, pero sa emosyon ay lumala. Lalo kang naging insensitive at manhid." Patutsada ni Raiko dito.
"Hindi ko siya mami-miss kung manhid ako." Pangatwiran niya sa kaibigan.
"Iyon lang?" nanunubok na tanong ni Raiko sa kaibigan.
"Tsk!" iritadong palatak ni Cloud. "Alam mong siya lang ang hinayaan kong makapasok sa magulo kong buhay." Nagbuntonghinga siya nang mabasa ang expression sa mukha ng kaibigan, na hindi ito naniniwala sa kanya.
"No hard feelings sa ibang babae lalo na sa kama." Iniwas ang tingin sa mapanuring mata ng kaibigan matapos manulas sa bibig ang huling katagang nasa isip.
"Hoy," muli niyang binato ng saging ang kaibigan ngunit nailagan ng huli. "Hindi kasama ang puso sa pagtigas kapag nasa kama."
Napamura ng malutong si Cloud sa narinig. "Heck! Don't mention that, it's a private thing!"
Hawak ang dibdib habang tumatawa si Raiko. Ang mukha ng kaibigan ay namumula dahil sa nadaramang embarrassing. Gusto pa sana niyang tuksohin ito pero iba kapag napikon ang kaibigan. "Bumalik ka na sa silid ninyo at palambutin iyang puso mo."
"Stop laughing, nakakasama iyan sa iyo." Hindi maipinta ang mukha ni Cloud dahil sa tawa ng kaibigan.
"Oh siya, hindi na ako tatawa. Amuin mo na siya para hindi na nagtampo sa iyo." Tumigil na siya sa pagtawa ngunit ang mga mata ay nanatiling nakangiti tignan.
"Wala akong ginawa para sumama ang loob niya." Depensa nito sa sarili nang samaan siya ng tingin ni Raiko.
"Manhid ka talaga, nagseselos na ang asawa mo ay hindi mo pa alam." Naiiling na wika ni Raiko nang malaman na siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng hindi pagkaunawaan ang dalawa.
"What?" dumoble ang gatla sa noon na tanong nito sa dalaga.
"Marahil ay naisip niya na mahal mo ako higit pa sa kaibigan." Napailing si Raiko nang umawang ang labi ng kaibigan ngunit walang tinig na lumabas doon. Mukhang clueless pa rin ito hanggang sa lumabas ng kaniyang silid.
Napabuntonghininga si Cloud pagkaalala sa huling usapan nila ni Raiko. Marahan siyang humakbang palapit sa kama kung saan nakahiga ang asawa.
"Ayst, naturingan kang abogado pero ang slow mo bumasa ng feelings ng babae. Marahil iniisip niya talaga na ang tingin mo sa kanya ay ako." Parang echo na narinig muli ang pahayag ni Raiko sa kanya kanina.
Napatitig siya sa mukha ni Ellah na nanatiling nakapikit. Totoo na magkamukha ang dalawa ngunit hindi niya nakikita si Raiko sa katauhan nito. Pihikan siya sa pagpili ng taong mapalapit sa kaniyang buhay. Pero kay Ellah ay kusang nag-iba ang kaniyang panlasa lalo na sa isang babae. Marami na siyang naikamang babae pero puro one night stand lamang at ni pangalan ay hindi niya matandaan. Hindi na rin mailap ang ngiti sa kaniyang labi sa tuwing ito ang kaharap. Tulad ngayon, napapangiti siya habang pinagmamasdan ang maamong mukha nito. Alam niyang nagtutulog-tulogan lamang ang asawa. Marahan siyang umupo sa kama, sa bandang ulohan nito.