Chapter 1 Crime scene
"What took you so long?" Parang nauubusan na ng pasensiya na salubong sa kanya ng kanyang chief.
"Sorry chief, nagsusurveilance kasi ako sa bagong kaso natin. Di nga ba at kayo pa mismo ang nag appoint sa akin na maging head sa investigation sa kasong yun?" Sagot niya sabay salute dito.
"Bakit po ba? May problema po ba tayo?" Takang tanong niya dito.
"Ayan! Ayan ang problema natin.." Sagot naman nito na iniharap sa kanya ang laptop na kanina pa nito pinakatitigan mula pagkadating niya.
Agad na binasa ng binata ang nilalaman ng balita na alam niyang siyang dahilan ng pagpapanic ng hepe. Agad-agad din nabago ang reaksyon ng mukha ni Jake nang mabasa ang nilalaman ng column na yun. Mula sa pagtataka ay nauwi sa pagkagulat ang nakarehistro sa mukha ng lalaki.
Ayun kasi sa balita ay pinaslang umano ang anak ng isang kilalang pulitiko sa kanilang lalawigan. Pero ang higit na nakakabigla sa kanya ay sa kaalamang isa sa pinakamatalik niyang kaibigan ang naging biktima sa pagkakataong iyon.
"At alam mo ba ang mas nakakagulat?" Untag ng hepe sa kanya.
"Na recover sa crime scene ang isang bote ng alak na nakasaksak sa 'behind' niya." Dagdag pa nito na may kaalamang senyas sa kamay na di na hinintay pa na makasagot pa ang binata.
"Behind as in sa puwit?" Gulat na sabi ng binata na di agad nakuha ang sinabi ng hepe.
"Mismo!" At natampal pa nito ang noo nito. "Ano ba kasi kasalanan noong biktima sa suspect at ganun na lang kalaki yung galit nito sa kanya para gawin ito sa biktima."
Nahulog sa matinding pag iisip ang binata. Sa pagkakilala niya sa kaibigan ay aaminin niya na mahihirapan siya sa panghuhula kung sino ang may gawa noon sa kaibigan. May di magandang reputasyon kasi ang kaibigan niyang pinaslang sa bayang yun. Madaming suspect kung iisa iisahin niya. But still, kahit na alam niya ang karakas ng kaibigan ay 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 pa din niyang papanagutin sa batas ang taong may gawa noon. No one is above the law, ika nga. Kahit ano pang kasalanan ang nagawa ng kaibigan niya dito ay di pa din tama na ilagay nito sa mga kamay nito ang batas.