Chapter 10 Seduction
Kinagat ng dalaga ang ibabang labi pagkatapos niyang sumimsim ng kaunting alak mula sa kopitang hawak. Nakita niyang napalunok ang lalaking kanina pa nakatitig sa kanya. Sinadya niyang ililis ng bahagya ang slit ng kanyang dress para mas makita pa nito ang hugis ng kanyang perpektong hugis na mga binti.
Ito na ang hinihintay niyang pagkakataon para isagawa ang matagal na niyang plano. Ang lalaki na mismo ang lalapit aa kamatayan nito.
Pinapungay niya pa ang mga mata na muling sumimsim ng alak mula sa kopitang hawak at lalo pang iniliyad ang mayamang dibdib sa pag taas ng inumin niya papunta sa kanyang bibig.
Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pagtayo ng lalaki at marahan itong lumapit sa kanya.
"Hi miss beautiful." Sabi nito sa kanyang punong tainga na siyang dahilan ng pagtayo ng kanyang balahibo. Pero kahit sa gitna ng pandidiri dito ay di siya nagpahalata. Kailangan niyang maisakatuparan ang plano sa gabing iyon. Masyado ng mahabang panahon ang ineenjoy ng mga ito habang siya ay binabangungot pa halos gabi gabi dahil sa ginawa ng mga ito sa kanya.
Paseksing inikot ng dalaga ang inuupoan paharap dito at dahil sa nakatayo ito at siya ay nakaupo, kitang kita nito ang cleavage ng dalaga nang iliyad pa ng dalaga ang kanyang mga dibdib para mas lalo pa itong maulol sa pagnanasa sa kanya.
Nakita niyang napalunok ito na tila ba gusto ng sagpangin ang dalaga right at that moment.
"Gusto mong ituloy natin ang inuman sa ibang lugar?" Bulong niya dito kasabay ng pagdaiti ng kanyang dibdib sa mga braso nito.
Hindi ito sumagot pero ngumiti ito at itinuon ang paningin sa nakalitaw na mapuputing bahagi ng dibdib ng dalaga.
"One bottle of this wine please. Take out namin. " Utos niya sa bartender na nakaabang lang sa may di kalayuan. Mabilis itong tumalima. Maya maya pa ay dala na nito ang isang paper bag na naglalaman ng bote ng wine na inorder.
"Its my favorite brand. Hope you don't mind me choosing the wine na iinumin natin." Sabi niya na idinaiti pa lalo ang balakang sa harapan ng lalaki. Bilang reaksyon nito ay lalo pang hinapit ang dalaga palapit sa katawan nito. Damang dama ng dalaga ang kahandaan nito.
Ngali-ngaling tuhurin ito ng dalaga sa nadamang inis ngunit tiniis niya ang nadamang pandidiri. Kailangan niyang tiisin na muna ang nadaramang galit para dito sa ikakatagumpay ng kanyang misyon. Ikiniskis pa niyang lalo ang dibdib sa mga braso nito ng umabrisiyete siya dito.
"Dadalhin kita sa langit ngayong gabi." Bulong nito sa kanya.
"No babe, ikaw ang dadalhin ko sa langit ngayong gabi." Bulong niya dito sabay kagat sa tainga nito sapat lang para humingal ito sa sobrang pagnanasa na pinipigil.
'Or sa impiyerno maybe' Sa isip ng dalaga.
Sa lobby pa lang ng hotel na pinagdalhan nito sa kanya ay di na niya mapigilan pa ang binata sa ginagawa nitong panggigil sa kanya.
'Sige lang magsawa ka lang di ka na makakatikim ng ganyan sa impiyerno.' Usal ng dalaga sa sarili na lalo pang pinapainit ito sa panaka nakang pagkapa niya sa kahandaan nito. Lalo pa itong nag uulol sa pagnanasa sa ginawa niya.
"Here's your key sir." Narinig niyang sabi ng receptionist na nakatungo. Marahil ay naaasiwa ito sa nakikitang pakikipaglaplapan niya sa lalaking halatang halata na di na halos makatiis sa pagnanasa sa kanya.
Nang sa pagpasok pa lang nito sa kwarto ay biglang kinarga na nito ang dalaga pahiga sa kamang naghihintay. Parang di na ito makapaghintay. Masisira ang planu ng dalaga kung di niya ito mapigilan. Wala siyang laban sa lakas nito pag nagkataon.
"Ayaw mo bang maligo na muna?" Suggestion niya dito.
"Oh sorry babe my apologies. Sa sobrang gigil ko sa iyo di na ako nakatiis. Gusto mo sabay na tayo maligo?" Sagot nito.
"No, mauna ka na. Maghahanda lang ako dito." Sabi niya dito para bigyan pa ang sarili niya ng kunting oras para makapaghanda.
"Sure, i won't take long." Mabilis na itong nagpunta sa banyo.
Napangiti naman ang dalaga ng lihim. Inilabas na niya ang alak at nagsalin sa kopitang nakita sa minibar ng kuwartong iyon ng hotel. Lumingon siya sa pintuan ng banyo at nang makita na hindi nakatingin ang lalaki ay pinatakan niya ng gamot ang kopitang nasa harapan.
Ilang saglit lang ay papalabas na ang lalaki sa pintuan ng banyo na nakatapis lamang ng tuwalya.
Pasimple namang uminom ang dalaga ng alak mula sa kopitang hawak at pasimple niyang itinaas ang mahahabang mga biyas sa isa pang upoan sa katabi sanhi para masilip nito ang mapuputing mga singit mula sa pagkakaangat ng mga biyas niya.
Nilapitan siya nito at hinaplos ang mga binti niyang nakapatong sa upoan.
"Stop seducing me or else di na kita hahayaang makashower." Humihingal na sabi nito.
Paseksing tumayo ang dalaga. Masisira ang plano niya kung itutuloy nito ang sinasabi.
"Ubusin ko lang to shower na muna ako ng mabilis." Sabi niyang tinungga na ang laman ng kopitang hawak. Iniabot niya dito ang isa pang kopita na pinatakan niya ng gamot kanina. Walang pag aatubiling tinanggap nito iyon ngunit inilapag lang nito iyon sa ibabaw ng mesa.
Nag isip ng paraan ang dalaga para siguradong mainom ito ng lalaki.
Nagsalin siya ng kunting alak sa kopitang hawak at hinablot ang suot na towel ng lalaki. Kasabay noon ay binuhos niya sa kaselanan nito ang lamang alak ng kopitang hawak niya. Dinampot niya ang kopita nito na inilapag sa lamesa kanina at iniabot ulit dito iyon.
"Bottom's up babe. Sabay tayong uminom." Sabi niya sa malanding boses na itinuon pa ang kopita nito sa bibig ng lalaki. Nakuha naman agad ng lalaki ang ibig niyang sabihin. Kasabay ng pagsimsim ng lalaki sa kopitang iniabot niya ay lumuhod ang dalaga upang dilaan ang wine na pumapatak sa kahandaan nito. Sa ginawa niya ay mabilis na natungga ng lalaki ang kopitang hawak dahil sa labis na excitement. Natatawa ang dalaga sa ginawa nito.
'Tagumpay!' Sabi niya sa isip.
Ang gagawin na lang niya ay hintayin ang gamot na umepekto sa katawan nito.
"Shower na muna ako ha." Paalam niya dito at paseksing naglakad na patungo sa pintuan ng banyo.
Ilang saglit lang ay nakita niya mula sa pintuan ng banyo na naghikab na ito at humiga sa kama. Ito na ang hinihintay ng dalaga na mangyari. Lumabas siya sa banyo nang makita na mahimbing na itong nakatulog.
Inilabas niya mula sa kanyang bag ang mga kadenang inihanda niya para sa pagkakataong iyon. Itinali niya isa isa ang mga kamay at paa nito sa paanan ng kama tulad ng ginawa ng mga ito sa kanya noon sampung taon na ang nakakaraan.
Kayang kaya na niyang kitilin ang buhay ng lalaking iyon sa pagkakataong iyon pero nagtimpi pa siya. Matatawag lang yung paghihiganti kung magawa din niya ang pagpapahirap na ginawa ng mga ito sa kanya noon.