Chapter 9 Andrea's POV

Nagmamadaling bumaba ng sasakyan ang dalaga nang makita sa tracking apps sa kanyang cellphone na tumigil ang kanina pa ay minamatyagang mga lalaki. May nakita siyang tila kaguluhan sa may di kalayuan kaya naisipan niyang mag usyuso.

"Di kaya nagkaroon na ng car accident ang mga hayop na iyon?" Hinala ng isip niya.

Na labis niyang pinangangambahan. Ayaw niyang masamang mangyari sa mga ito. Paano niya paghihigantihan ang mga ito kung mamamatay lang ang mga ito sa ibang paraan.

"Akin lang ang mga buhay ninyo. Ako lang ang may karapatang bawiin ang mga buhay ninyo mga hayop kayo!" Pangako ng dalaga sa sarili.

Nagmamadaling tumawid si Andrea papunta sa kabilang lane nang biglang mula sa kung saan ay biglang sumulpot ang rumaragasang motorsiklo at batid niyang masasagasaan siya noon kung di makapagpreno ang driver. Natulala ang dalaga at hindi na makakilos sa labis na takot.

"Mamamatay na lang ba ako ng di pa matatapos ang misyon ko sa buhay na ito?" Sabi niya sa sarili.

Labis ang kaba sa dibdib ng dalaga sa kaba nang marinig ang pagsagitsit ng gulong ng motorsiklong iyon. Gadangkal na lang ang pagitan ng motorsiklo at ng katawan niya. Kung di lang sa maagap na pag apply nito ng break baka lasug lasog na katawan na katawan niya ngayon.

"Miss, ok ka lang ba?" Sabi nito na halata sa boses ang pag aalala sa kanya.

Nag angat siya ng paningin para sinuhin ang taong muntik na makabangga sa kanya. Napakagwapo sana pero pinigilan niya ang sarili na magswoon dito. Wala siyang karapatan na magkagusto sa isang lalaki. Marumi siya. Hindi na niya iniisip pa na may isang lalaki na tatanggap sa kanyang nakaraan. Lalo na ngayon na nabahiran na ng dugo ang kanyang mga kamay. Wala na siyang karapatan pa na lumigaya. Dadalhin niya sa hukay ang mga taong siyang dahilan kung bakit nagkaganito siya.

"Ok lang po ako. Pasensiya na po sa abala." Saka nagmamadali na siyang nagpaalam dito nang makita sa tracking apps ng cellphone niya na papalayo na ang kanyang target. Napatingin ang lalaki sa hawak niya kaya napilitan siyang ioff yun. Saka na niya hahabulin ang mga iyon. Sa ibang araw na lang. Umayos siya ng tayo mula sa pagkakaupo sa pavement dahil sa pangangatog ng tuhod kanina. Mabilis naman itong umalalay sa kanya.

Kung sa ibang babae ay marahil kinilig na ito sa gesture na iyon ay iba sa kanya. Di na siya nakakaramdam ng kilig matagal na panahon na ang nakalilipas. Limot niya na ang damdaming yun. Tanging galit at ang pagnanais na makapaghiganti na lang ang namayani sa kanyang dibdib.

Nagmamadali na siyang umalis sa lugar na iyon. Nakita pa niyang inihahatid pa siya ng tanaw ng lalaking iyon hanggang sa makapasok siya sa kanyang kotse. Initsa niya ang shoulder bag sa may likurang bahagi ng kanyang kotse.

Naisipan niyang dumaan na muna sa department store para makapamili pa ng ibang gamit na magagamit niya sa kanyang binabalak. Kailangan niya ng mga damit at gamit bilang pag hahanda.

Sumaglit siya sa womens section ng gusaling iyon. Namili siya ng mga gamit na alam niya ay sobrang useful para mang seduce ng mga lalaki. Gagamitin niya ang kanyang alindog at ganda para maghiganti. Kung sa lakas lang din ang pag uusapan ay wala siya noon. Kaya gagamitin niya ang only weapon niya na alam niyang mas effective sa paglure aa kanyang mga subject.

Itinaas niya ang isang pares ng red bikini sa ere at sinipat. Inimagine ang sarili na suot ito. Napangiti siya sa sarili nang tila magustuhan niya ang naisip na hitsura suot ang bikining iyon. Namili pa siya ng ilang pares na ibat iba ang kulay at design.

"I need more of this bikini's." Sabi niya sa sarili. Sa kanya kasing pagmamanman sa mga ito ay napansin niyang naglalagi ang mga ito sa mga beach at naghohook ng mga babae. Mahilig ang mga ito sa magaganda at sexy na babae. Kailangan niyang mahuli ito sa mga bitag niya. Naghahanap lang siya ng magandang tiyempo. Katulad ng ginawa niya sa anak ng gobernador. Ilang buwan din siyang naghanap ng tiyempo para isagawa ang binabalak dito. Tumalim ang tingin ng dalaga nang maalala ang hayop na lalaking iyon. Isang hayok sa laman na kailanman ay hindi sapat ang sinapit nitong kamatayan para maibsan ang galit na nararamdaman ng dalaga para sa mga ito. Napangiti pa siya ng mapakla nang maalala ang mga nangyari bago niya maisagawa ang plano niya.