Chapter 9: Kenneth Gaston

Ang valedictorian ng Class ‘96.

Taong 1997 lumipad papuntang Canada ang pamilya Gaston, pagkatapos ng isang taon na pagtatapos ni Kenneth sa Rizal High. Hindi na siya nag first year college sa pilipinas kasi baka pagtuntong nya ng Canada ay magkaiba nag curicullum o mga subjects na kukuhanin nya. Sa Toronto, Canada na sila naninirahan at sa Toronto University nakapagtapos ng Civil Engineering si Ken. Ganap na syang Civil Engineer. Hindi na nag asawa si Ken sa edad na 43, binatang binata pa. May mga pamilya na din ang mga kapatid nya sa Ontario tanging sya lang ang walang asawa. Sabi nya sa magulang nya na nasa pilipinas ang kanyang mapapangasawa kaya mag babalikbayan daw sya.

Hindi malilimutan ni Ken ang pilipinas kahit saglit, lagi eto napasok sa isipan nya. Kung may pagkakataon at opportunidad na mganda sa kanya sa madadatnan nya sa Pilipinas dun na lang sya maglalagi at dadalaw dalaw na lang ang gagawin nya sa Canada. Masaya naman sya bilng single sa edad na 43 alam nya bata pa din sya. Always feeling young at heart, di nya maisip kung bakit umabot sya sa edad na eto na wala pang asawa, marahil sa isip nya ang iba nyang mga kabatchmates ay maypamilya na.

Habangnag sa surf sa fb, napabaligtad sya.

Nabasa nya ang homecoming ng Class ‘96, si Carl ang contact person at dali dali nyang kinontak si Carl. Busy ang phone, Marahil maraming kausap. Nag try uli sya busy pa din. Paikot ikot sya, di mapakali, kumakabog abg dibdib nya di nya malaman kung bakit. Dumayal uli sya ng numero ni Carl at swerte.

“Hello Carl!”

“Hello, may i know who is on the line.”

“Loko fren, si Ken eto, pa ingles ingles ka pa hahahha.”

“Kailan ang reunion, mag balikbayan ako ng February 6, free time ko yan, 1 month vacation leave.”

“February 14 Bro, eto ako ang main organizer tensyonado na ako hahaha.”

“Bakit?”

“alam mo na, kung andito ka lang siguro ikaw ang mamroblema.”

“Carl, mag pledge ako, magshare ako. Ok na ba ang CAD$10, 000.”

Napasigaw si Carl!

“Anak ng ..... Thank you Bro! Sinagip mo ako!”

“Kumusta na kayo pala, ang grupo, ang magnificent 8, sino sinong mga teachers natin ang attend.”

“Nagsend na ako ng invitation at personal kong pinutahan ang mga teachers ng batch.”

“Si Chris at christine, sina charlotte at Verna, andrea, wendi , joseph at iba?”

“Confirmed na sila Bro!”

“Si Bernadette ba aattend din!”

“Wala pa kamin balita ke Bernadette, lumipat na sila sa Marikina, hahanapin ko pa pero nakausap ko si Belinda yung sister nya, nag mensahe sa fb.”

“OK, sige iwire ko na lang ang pledge ko send mo saakin ang bank details mo.”

“Thanks Bro!” binaba ang telepono.