Chapter 10: Girl’s day out
Tinawagan ni Charlotte ang mga kaibigan na magkita kita sila sa may mega mall, mag window shopping sila at mag kwentuhan. Miss na miss na ni Charlotte ang mga kaibigan nya, tanging sila lang ni Verna ang madalas na angkikita at nagkakasama sa free time nya.
Sakay ng red sports car Mazda dinaanan niya si Verna sa bahay nito.
Binusinahan nya eto at sumigaw, “Mare, dito na ako!”.
Lumabas si Verna kasama si Bennie, nag kaway si Bennie kay Charlotte at hinalikan eto sa labi.
“Enjoy at Ingat sa pagmamaneho.” paalala naman ni Bennie kay Charlotte.
“Bye!” at tinapakan ang gasolina at umalis na sila patungo Mega mall. Ilang minuto lang mula sa kanila ang Mega Mall pero dahil trapik kahit saan inabot sila ng mahigit isang oras sa kalye. Alam ni Charlotte na ganito palagi ang situation kaya maaga niyang sinundo si Verna.
“Mare ko, si Bernadette ba nasabihan.”
“”Di ko alam mare ke Christine kung natext o natawagan ba nya.”
Nakarating sila sa Mega Mall, tinawagan ni Charlotte si Christine at Andrea, andun na daw ang dalawa sa 2nd floor sa may HM store. Agad nilang pinuntahan.
“Sorry, natrapik kami!”
“Kadarating din lang namin, nagkita kami ni Andrea papasok ng Mega, buti na lang at di ako nahirapan hagilapin bawat isa.”
Nagpalitan sila ng halik sa pisngi. Nag ikot ikot muna sila sa women’s wear at sa mga accessories at mga make up. Wala silang nagustuhan kaya lumipat ng ibang stoe, pasok sila sa Zara, ganun din walang nagustuhan, lipat na naman uli s iba, sa laki at lawak ng Mega mall at sa daming store ng mga branded names ginalugad nila ang buong Mall, sa building A atbuilding B at sa Atrium.
“Nakakapagod, halos 3 oras din tayong nag iikot ha ha ha !” sabi ni Christine.
“Kain muna tayo.” gutom na sabi ni Andrea.
“Baka naman pati restaurant mamili pa tayo hahaha!” npahawak sa noo si Charlotte.
Pumasok sila sa pinakamalapit na restaurant kung san sila nahinto ng pag shopping. Mabilis na umorder ng pagkain si Christine at mabilis din na serve ang kanilang inorder.
“Mga mare, ano balita ke Bernadette, may number ka ba o kung san sila nakatira ngayon.”
“Mare alam ko matagal na silang lumipat sa Marikina, kasi matagal ko ng di nakikita ang Papa at Mama nya sa simbahan ng Pasig.”
“San ba ang lugar ng kumbento na pinasukan nya, dito ba sa Pasig, tara puntahan natin mamaya.”
“Di lang ako sure, teka isearch ko sa google.” Ani ni Charlotte.
“Siya lang ang di natin nakikita, musta na kaya ang gaga hehehe!” biro ni Verna.
“Excited na ako sa reunion natin, musta na kaya ang ilang kabatch mate natin, may mga pamilya na din kaya!”
“Ilan kaya ang aattend?”
“Tawagan mo si Carl, malapit lang ang opisina nya dito sa Mega.”
Tinawagan ni Christine si Carl at sumagot naman eto.
“Pare andito kami sa Mega mall , daanan mo naman kami kung di ka busy.”
“Naku, mgamare di ako makakpunta may inaayos ako sa computer di pwede iwanan baka matanggal ako sa work pag iniwan ko eto, sensya na, regards sa inyo na lang, next time bawi ako!”
“Ok sige, sinabi mo yan ha!”
Umalis na ang magkakaibigan sa restaurant at umikot na naman sa mga stores, walang katapusan sa pagiikot ang ginawa nila habang nagkukwentuhan at naghahagalpakan sa mga naaalala nila, wala silang pakialam sa mga taong nakaksalubong nila, feeling nila high school pa din sila.
Closing time na ng sila ay magkahiwalay.