Chapter 8: Bernandette Aguas

Top 2 ng buong klase, matalino, maganda, payak at relihiyosang babae si Bernadette. Tuwing Linggo ay nasa simbahan sya at nagsisilbi sa misa. Nagtuturo din sya ng cathechism sa mga bata sa paaralan o sa kalye man. Relihyoso ang buong pamilya nya, isang minsitro ang papa nya at ang mama nya ay leader sa Catholic Women’s League sa simbahan. Panganay na anak si Bernadette sa apat magkakapatid .

Pangarap nya na maging madre o homemaker.

Nakapagtapos naman sya ng kolehiyo sa kursong Humanities at isang dean’s lister. Magna Cum Laude!

Simple lang ang pangarap ni Bernadette at simple lang din ang buhay ng pamilya nya. Di mahilig sa luho, bahay, simbahan lang sila. Maituturing mong boring ang buhay ni Bernadette pero dun sya masaya.

Minsan makikita mo si Bernadette nakikipag usap sa mga kapus palad at sa mga bata sa kalye, tawag na nga sa kanya ng mga yun ay Sister Bernadette. Kapag linggo may hawak siyang bibliya sa kanang kamay palagi.

Pumasok si Bernadette sa Sisters of Mary’s Convent nuong 1999.

“Dette, ano sabi ni Father Reyes sa proposal ko.” tanong ng Papa nya.

“Papa, pag aralan daw po nya kasi malaki din ang kailangan at mag request pa yata sya ng pondo ke Bishop.”

“Balitaan mo ako anak ha!” nakahiga ang ama at inuubo.

“Kailan ang graduation ni KENDRA!” Tanong ng Mama nya.

“Sa July pa yata, online class pa din sila ngayon, mas mahirap nga daw ang aral pag online di tulad ng face to face.” saad nya

“Ate, nabasa mo ba sa fb ang reunion ng batch mo?” tanong ni Belinda, kapatid ni Bernadette.

Nagkibit balikat lang sya.

“Umattend ka anak, minsan lang yan, ilang taon na ba!” tanong ng ama.

“25 years na Papa.” sabat ni Belinda

“Attend ka anak! Mag enjoy ka naman paminsan minsan.” paningit ng ina.

“Sama ako Ate ha, kaklase mo si Mr. Chris Roxas di ba, may mga artista siguro na kukumbidahin.”

tanong ni Belinda.

“Bahala na po Papa. Matagal pa naman.” sabi ni Bernadette.

“Umattend ka.” nakangiting sabi ng ama.