Chapter 7: Verna Dimaguiba
Mahirap ang pamilya nila Verna, top 7 siya ng nagtapos ng high school, naging scholar sya ng Rizal Technological College kumuha ng kursong business administration major in Accountacy. Nakapasa ng board at ganap na accountant si Verna, may sarili na syang firm sa kanilang bahay, dun sila nagtayo ni Bennie ng opisina sa maliit na espasyo ng kanilang tirahan. May 7 anak , 6 na babae at 1 lalaki, di titigil ang asawa nya ka kakabuntis sa kanya hanggat di siya nagkakaanak ng lalaki, kaya umabot sa 7 ang anak nya. Sapat lang ang kita nilang mag asawa sa pang araw araw na gastusin sa bahay. Malakas lang ang kanilang business kapag malapit na ang bayaran ng tax. Malaki at masaya ang pamilya ni Verna, wala na siyang ibang gugustuhin pa, matiwasay at naitataguyod naman nila ang kanilang mga anak.
“De Ocampo and Dimaguiba Accountancy Firm”
“Papa, aattend ako ngreunion ng batch namin ha!” pabungad ni Verna, inunahan na nya ang asawa sa pagpapaalam habang malayo layo pa. Habang hawak ang pangalawa sa bunsong anak ay nagtitimpla ng gatas para sa baby. Maliliit pa ang ibang anak ni Verna , ang panganay nya ay 17 years old na at nasa kolehiyo , 2 ang nasa high school at sa Rizal High din, 2 ang nasa elementarya at isa nasa nursery at may 1 year old na baby.
“Kailan yun!”
“February 14.”
“Hay salamat, malibre ako sa dinner date natin, joke!” sabi ni Bennie sa asawa at mangisi ngisi.
Mabait , malambing, maaalahanin si Verna sa asawa habang si bennie ay kabaligtaran, kung ano lang sya iyun na iyon, typical na sa asawa ba, kakayod para sa pamilya.
“Mama, sino ang kasamamo at sino ang sususndo sa iyo.” bulalas ni Bennie.
“Sunduin ako ni Mareng Charlotte.”
“Okay, good, kami na lang ng mga bata ang mag valentine’s date, sunduin kana lang namin.”
Napatawa si Verna, kahit papaano nawala tensyon, minsan kasi may toyo o sumpong si Bennie, very moody, kaya maaga pa lang nagsasabi na siya at nirerecord para di na siya makapagsabi na di nya ako pinayagan.
Tinawagan niya si Charlotte.
“Mare kong sexy, pinayagan ako ni Bennie.”
“For Christ sake, pag di ka pinayagan, uumbagin ko yang si Bennie, Verna may mga damit ako dito na minsan ko lang naisuot baka may kasya sa iyo, wag ka nang bumili.”
“Thanks Mare, yan din sana sasabihin ko sa iyo, kasi nag inquire ako sa dress shop na malpit dito sa amin sa gown o terno, ang mahal ng tahi. Sayang pera hahaha!”
“OO mare, punta ka na lang pag free time mo, magsukat ka. Kung malaki o maliit, ma remedyuhan habang may oras pa.”
“Sige, salamat! Love you talaga mare ko.”
“yehey! Tuloy na tuloy na tayo.”