Chapter 6: Carl Lewis Diaz
Isang computer engineer si Carl sa isang malaking company sa may Mandaluyong atnakatapos siya ng Computer engineering sa Mapua. May asawa at 3 anak, isang babae at 2 lalaki. Ang asawa nya ay si Leslie Rimando na galing din sa Rizal High. Niligawan nya eto ng makatapos ng kolehiyo sa Jose Rizal University at sila ay nagpakasal after 2 years na ligawan at suyuan.
Sa gulang na dalawamput tatlo ay maaninag mo kay Carl ang kasipagan dahil sa matitipunong katawan at magaspang na palad na pinanaday ng kahirapan. Marami na ring nasubukan na trabaho si Carl habang nasa kolehiyo pa lang. Minsan na syang naging service crew ng isang fastfood chain, waiter sa isang malaking restoran, delivery man ng LPG, warehouse man sa isang malaking mall sa Mandaluyong at kung ano anong klaseng trabaho para lang may ipang baon sa pag aaral. Pinahalagahan ni Carl kung gano kahirap ang buhay mag estudyante ng mga panahon na iyon at gaano kahirap kumita ng pera at pahalagahan ang bawat sentimo.
May fitness center sila Carl at Leslie at siya mismo ang trainor, ayaw na kasing mamasukan ni Leslie sa trabaho simula ng manganak at siya na ang nag aasikaso ng kanilang maliit na business.
“Babes, may reunion tayo sa Feb. 14 , ako ang isa sa organizer, help mo naman ako ha.”
“Sure Babes, i try to call all my batchmates to join and attend.” Ingleserang sabi ng asawa.
“Ilang araw na lang ang preparasyon, ilan pa lang ang tumatawag, malamang di pa nababasa ang fb page!”
“Don’t worry babes, just relax, it’s still early, we still have 30 days for the said event.”
“Kinakabahan nga ako, tawagan ko si Chris about sa singer at performer, please remind me.”
“Ok babes. we will go now, Carl james has an appointment with the pedia doctor. Dra. Andrea and after the check up, i promise the kids we will go to Mega Mall.”
Bitbit ang 3 anak para sa appointment sa pedia. Hinalikan ni Carl ang asawa ang mga anak bago umalis.
“Bye Daddy.” kumaway ng mga anak. Nag flying kiss ang anak na babae, tuwang tuwa si Carl sa mga anak nya.
Isang family man at devoted na asawa si Carl, every weekend pinapasyal nya etopagkatapos magsimba, kumakain sa labas, nanunuod ng sine at naglalaro sa arcade. Natatapos ang isang linggo nya sa ganito at masaya naman si Carl.
Tumunog ang cellphone ni Carl at binasa nya ang mga mensahe, may 10 mensahe sya galing sa mga ka batch mates nya sa high school, 6 ang nag pledge ng financial help at lahat ay aattend. Na relieve ng kaunti ang stress nya, malaki din kasi ang babayaran sa venue, bukod pa sa mga singers o performers na makuha ni Carl. Pinamahagi nya sa 2 babae ang responsibilidad sa dekorasyon at sa catering, mahal din kasi ang food sa Shangrila Hotel at pinayagan naman magdala ng ibang klase ng pagkain na wala sa menu at panghimagas o mga sweets, di nga lang kasama ang drinks.
“Hello Chris, si Carl eto.”
“Hello Carl, tatawagan sana kita buti nauna ka na.”
“May makuha ka bang singer wag naman si Regine Velasquez o si Lani Misalucha, mga de kalidad yun mahal bayad, wala tayong budget ‘Pre.”
“Don’t worry ‘Pre sagot ko na yan. Before giving out the invitations or announcement uli sa fb page siguro fully confirmed ko na kung sino pwede. Relax ka lang.”
“Thanks Pre!” at binaba na ang cellphone.