Chapter 5: Christine and Chris Roxas

Kambal sila Chris at Christine, laging magkaaway sa klase di magkasundo kahit sa maliit na bagay, minsan top si Christine sa first quarter, si Chris sa second quarter or vice versa, Hindi sila nawawala sa top 4 at 5. Mayaman ang family Roxas, kaya naman silang pag aralin sa exclusive school for boys at girls kaya lang mas pinili ng ama na sa Rizal high sila mag aral, dun kasi graduate ng high school ang Dad at Mom nya, dun nagkakakilala at nagligawan.

Si Chris ay nagtapos ng Mass Communication sa Ateneo at dun na rin kumuha ng masteral at doctorate nya at sa ngayon nagtatrabaho sa abs cbn bilang executive, nung pangsamantalang nagsara eto, palagi mo sya makikita sa harapan ng studio may hawak na placard kasama ni Angel Locsin. Halos di na sya kumakain ng panahong yun lagi syang nasa harapan at sumisigaw. Magkakapit bisig nya mga artist at talent ng abs cbn feeling nya isa din syang celebrity. Mas gusto nyang maging artista kesa isa sa executive ng network. Simple ng bading na si Chris, di sya yung tipo na kahit executive ang position sa network ay di eto kalandian tulad ng ibang bakla. May boyfriend si Chris at matagal na rin sila, sa tingin na nga bakla na din ang live in partner nya.

Si Christine naman ay graduate ng Fashion designing sa Miriam College. katulad ni Andrea, natupad ang mga pangarap nila, isang siklat na fashion designer at model si Christine, madalas makikita mo face nya sa mga fashion magazines nung kanyang kabataan, ngayon may mga modeling offers pa din sya. May asawa at isang anak si Christine, babae din at mukhang susunod sa kanyang yapak. Isang Mrs. Christine Roxas Delgado na sya, engineer ang napangasawa niya.

May sari sariling buhay ang kambal pero every weekend si Chris ay ang pumupunta sa bahay ni Christine.

“Hoy bakla nagkausap na ba kayo ni Carl.”

"Hindi pa ateng, si Charlotte pa Lang."

"Nanghihingi sya sa iyo ng favor about sa mga singers at performers na puede sa reunion."

"Di pa kami nakakapag usap, try ko kasi alam mo naman Valentine’s Day yun madaming raket ang mga singers at stand up comedian halos fully booked yan pagdating ng love month pero I will try my best." sagot ni Chris.

“Hectic ang schedule ni Vice Ganda, maging ang kaniyang mga sidekick na sina Negi, fully booked, i try to call Allan K from other network to see if he can accomodate us.”

“Very good bro, try your best, sana may stand up comedian tayo para masayaang homecoming ng Class ‘96.”

“Call Carl na rin, tell him i will do my very very best, i will get busy this month and next month.”

“Love you my little princess, Tito is going to work home now, see you next weekend.” sabay kiss sa pisngi ng pamangkin.

“Ateng, don’t forget to call Carl and remind me ha.” At umalis na si Chris, nag aabang na kasi sa labas ang kanyang live in partner na si Edison.