Chapter 4: Charlotte Benavides

Si Charlotte Benavides ang pang top 8 sa group namin, siya ang binansagang komikera ng group, di sya nawawalan ng idea pag dating sa pagpapapatawa, laging fresh at new ang mga antics nya, lahat sa klase namin ay naaaliw sa mga pinag gagagawa nya, nakakasakit man o hindi. Nakapagtapos siya bilang nurse sa University of Santo Tomas. Isa na siyang registered nurse pero di ginamit ang profession, naging free lancer siya. Matangkad, maganda, sexy at matalino, down to earth na tao may kaunting diprensya nga lang sya minsan bingengot sabi ng grupo. Kailangan pag kausap mo siya kaharap mo siya kapag nagsalita ka ng patalikod wala syang naririnig na, meron man o ayaw nya lang sumagot.

Sa ngayon si Charlotte ay engaged na sa boyfriend nya na Arabo. It took him 9 years to let Charlotte say yes. Ang dami ng nagastos ng Arabo sa kanya, binilhan sya ng sasakyan, bahay sa may Palatiw na ang tanging nakatira ay ang 2 golden retriever. Malambing kahit medyo magaslaw kumilos si Charlotte, palaging nasa top of the line ang mga get ups nya, mahilig din sa mga branded ika nga. Nasusunod kasi din ng Arabo ang luho nya sa katawan.

“Charlotte, musta na si Ahmed! Buhay pa ba, “ bulalas ni Chris . Sa group namin si Chris at Charlotte ang partner sa pagpapatawa. Hindi sila nauubusan ng kalokohan at gimik. Match sila pag dating sa ganyan, buhay na buhay ang class namin basta present ang dalawang estudyanteng eto.

“Buhay pa naman, laging lango sa kaligayahan, ang hitad na eto, yan mo pagdating sa reunion isama ko at mag dinner date kayo after our reunion. Ha hahaha, like mo di ba! totoy mola."

“Kainis ka, ibaba ko na nga ang phone.” Malanding sabi ni Chris.

“Di ka na mabiro fren. saka kilala ka naman ni Ahmed di yun papayag hahahaha. alam nya sasabunutan ko sya."

“Fren, San mo ba sya nakita ha curious Lang ako, di ako makapaniwala sa mga kwento mo parang di totoo hehehehe."

"Pag nagka anak ka fren join natin sa network ako ang manager pagkakitaan natin." hahahaha tawa ni Chris.

“Loko, bawal sa religion nila yun, as in magkaka anak pa ako e nasa 42 na ako, high risk."

"Malays! Swertehin makajackpot, kaya bilis bilisan mo habang May red flag is up pa. Saka ano ginagawa ng syensya, daming oil ni Arabo!"

"Swear dear, menopause ka na ba." tanong uli ni Chris.

" Hindi ah, nagkakaruon pa ako at malakas pa kaya pede pa makagawa kaya Lang ayaw ni Ahmed ng baby."

“Sayang naman, maganda pa naman ang lahi.,

“ Anyway so much sa kwentuhan, aattend ka ba ng reunion? “

“Nag usap na kami ni Verna, susunduin ko sya."

“Ok see you then, bye! Binaba ang phone.