Chapter 40 Restless Ken
Ilang araw na sya sa Pilipinas, wala pa syang balita kung nasaan si Bernadette, bakit di siya mapakali sa kakaisip kung nasaan ang babae. Maraming katanungan , bakit nagtatago ba siya, bakit di man lang kumokontak sa mga kaibigan, nagpakalayo layo na ba talaga sya, may tinatago bang lihim at ayaw magpakita sa mga kaibigan, lalong gumulo ang isip ni kenneth.
Lumabas sya ng CondoUnit at naghire sya ng grab na dalhin sya sa bandang marikina, gusto nyang dalawin ang mga kamag anak nya dun, ilang araw na din kasi siyang andito ay wala pa siyang nadadalaw baka magtampo ang mga iyon lalo na angmga matatandang tiyahin nya.
Habangnasa daan ay may mga bata siyang nakitang nagtitinda ng mga bulaklak na roses sa kalye at pag stoplight ay tumatakbo sila samga kotse para mag alok ng tinda. Isang dalaginding ang lumapit sa kotse na sinasakyan nya, maamo ang mukha ng bata, naalala nya ang maamong mukha ni Bernadette, naiinis siya sa sarili nya at palaging si Bernadette ang nasa isip nya. Dumaan sa Riverbank ang sinasakyan nya at nakita nya na may mga bata na tila nakikinig sa isang ate na nakasuot ng puti na katulad sa mga madre.
Sinilip nya sa bintana at parang si Bernadette ang kanyang nakita. Kinabahan sya at sinabihan nya ang driver ng sasakyan na inupahan na ipara sandali sa may tabi at may titingnan lang sya sa parang maliit na plaza. Kumakabog ang dibdib nya, di nya malaman ano gagawin, sana tama sya sa nakita nya na si Bernadette yun. Pagdating nya sa may Plaza ay iba na ang babae nagtuturo ng katekismo sa mga bata, umalis na sya at bumalik na sa sasakyan. Hindi pa nakakalayo sa riverbank ay pumara na sya at humingi ng paumanhin sa driver ng Grab na hanggang dito na lang sya at di na tutuloy sa pupuntahan, binayaran nya ng buo ang driver kahit hindi sya nagpahatid, natuwa naman ang driver at nagpasalamat.
Pumasok sya sa loob ng Marikina riverbank at nag ikot ikot, ngayon lang sya nakapunta sa lugar na eto, maliit lang ang mall at maraming tao. Nakita nya nagpasukan ang mga batang nasa plaza kanina. Umupo sya sa mga bench duon at nagmasid masid sa mga dumadaan baka sakaling dumaan sa harapan nya si Bernadette.
“Angel, ang bait bait ni sister Bernadette, ang ganda pa, sana siya palagi ang magturo ng katekismo sa atin.” sabi ng isang batang nakaputing damit.
“Oo nga angel, kapag si sister Bernadette palaging maraming nakikinig.” sagot naman ng isa.
Tinanong nya ang mga bata kung ano ang name ng Bernadette na binabanggit nila. Di nagkakamali si Kenneth na si Bernadette nya ang pinag uusapan ng mga bata pero bakit ng puntahan nya ay iba na ang nagtuturo. Naghintay pa siya ng ilang oras nag baka sakali sya na makita si Bernadette o ang mama at papa nito sa Riverbank. Ng dumidilim na ng naisipan nyang umalis at umuwi sa inuupahan na Condo. Dali dali nyang tinawagan si Carl.
“Carl, nakita ko si Bernadette sa may Marikina Riverbank kanina.”
“Talaga, nagkausap na ba kayo.”
“Hindi pa nga, pag baba ko kasi ng Grab, nakaalis na sya, sure ako sya yun kasi tinanong ko sa dalawang bata ang name ng nagtuturo sa kanila.”
“Tsansa mo na Pare sana.”
“Bukas pare, samahan kita balikan natin. May time pa na kaunti bago ang reunion, sa umaga natin puntahan tutal sa gabi naman ang event.”
“Huwag na Pare ako na lang, busy ka masyado.”