Chapter 35 the bid goodbye
Muling nagkita kita ang magbabarkada, present lahat, dumating din sina wendi at joseph kahit di nila close ay niyaya ni Ken.
“Guys, paalis na kami sa susunod na araw, linggo ng umaga ang lipad namin pa Canada. Wish me naman Good luck.”
“Good luck ‘tol! Ingat sila sa iyo dun!” pabiro ni Carl.
“Wish you and your family the best on your journey.” Bigkas naman ni Charlotte.
“Basta P’re wag mo kaming kalimutan ha.”
“Kung mag aasawa ka dun Pinay ang kuhanin mo ha!” biro ni Verna. Sabay sulyap ke Bernadette.
“Ken ingat ka dun!” yun lang nasabi ni Bernadette.
“Wendi, di ba nag aapply din pamilya nyo sa Canada as immigrant?”
“Naka process pa din halos 2 months na kaming naghihintay kaya nga kakausapin ko si Ken!. Sabat naman ni Wendi.
“San kayo mag migrate sa Canada?” tanong ni Joseph
“Sa edmonton kami papunta!”
“Ah ok, madaming pinoy immigrants din sa lugar na yun balita ko.”
“mabuti na yung maraming pinoy para feeling mo nasa Pinas ka pa din.”
“Dalawin kana lang namin dun, malay mo makapag tour kami ng Canada or kapag nag punta uli kami ng USA nila Daddy.” sabi naman Chris.
“Tara, order na tayo ako naman ang mag treat binigyan ako ng pera ni Mama.” sabi ni Ken. Pumunta na sila sa counter para umorder ng pagkain.
Kwentuhan lang sila at pagkatapos kumain ay nagpaalam na ang iba,
“Ken good luck na lang at Happy trip, may projects pa akong gagawin need to submit on Monday.”sabi ni Charlotte.
“Happy trip Ken!”aniya ni Andrea.
“Happy trip ‘tol!” Sabi naman ni Chris papaalis kasabay si Christine, kumaway na lang sya kay Ken.
Umalis na din ng sabay si Wendi at Joseph. Tanging si Carl, Bernadette at Ken ang naiwan.
“Tol, san ang university na papasukan mo dun.”
“Wala pa akong napipili pero nag search na ako.”
Maya maya sinundo na din si Carl ng ama niya, naiwan ang 2.
Niyaya ni Ken si Bernadette manuod ng sine. Nanuod sila ng english movie, walang maintindihan ang dalawa sa pinapanuod kaya hindi pa tapos ang palabas lumabas na sila. Malakas ang ulan sa labas, tag ulan na yata.
Sa labas may mga nakaparadang taxi at pinara ni Ken ang isa.
“San po Tayo sir!” Di tiningnan ng taxi driver ang 2.
“Sa motel po. Sa malapit lang po.” bigkas ni Ken sa taxi driver.
“Magpalipas lang tayo dun sandali habang malakas ang ulan.” sabi naman ni Ken kay Bernadette. Pumayag naman si Bernadette baka mag uusap lang sila.