Chapter 34 killing me softly

Bahagyang tumila at umalis na ang 2 sa Jollibee. Naglakad lang sila, magkahawak kamay habang seryosong nag uusap .

“Ken, kailan ang alis nyo.”

“Sa susunod na buwan na, yan ang alam ko, may buyer na din kasi ang bahay namin, di ko langalam kung kailan magbabayaran.”

Biglang tumulo ang luha, nakita ni Ken na nagpapahid siya ng luha. Hindi na niya tinanong si Bernadette baka umiyak ng tuluyan

“wag kang mag alala.” paalala ni ken.

“Di naman ako nag aalala kasi para sa inyo namang pamilya yan, napaganda nga ang lugar nyo.” kunwaring binigkas ni Bernadette.

“kapag nakarating naman kami dun, maghahanap agad ako ng university na pwede akong mag enrol at mag aral.”

Nagsearch na si Ken ng university sa Edmonton, dun kasi sila mag mimigrate sa Canada. Marami kasing Pilipino na din sa Edmonton at andun na ang ibang kamag anakan ng Papa nya kaya yun ang pinili ng mgamagulang niya.

“Mag aral ka ng mabuti ha, mga bata pa naman tayo.”

Sumagi na naman sa isip ni Ken ang katagang mga bata pa tayo, ang salitang di nya masyadong maintindihan kung ano gusto ipahiwatig ni Bernadette, ayaw din naman nya tanungin si Bernadette kung ano ibig ipakahulugan ng mga salitang yun.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan, wala silang masilungan at ang payong na dala ni Bernadette ay maliit para sa dalawang tao. Niyakap ni Ken si Bernadette para magkasya sila sa payong habang nakatigil sa gitna ng kalsada, naghihintay ng masasakyan. May pumara na taxi at isinakay sila.

Habang nasa taxi tumutog ang kantang “Killing me softly.”

“Strumming my pain with his fingers

singing my life with his words

killing me softly with his song

killing me softly

telling my whole life with his words

killing me softly with his song.”

“i felt all flushed with fever, embarassed by the crowd

i felt he’d found my letters and read each one out loud

i prayed that he would finish, but he kept just right on ......”

Lalong napaluha si Bernadette. Niyakap na lang eto ni Ken ng mahigpit.

“Kuya sa may tapat lang po ng bahay na puti, paki stop po sandali.” muestra ni Ken sa driver ng taxi, ibinaba nya si Bernadette at nagpaalam , sakay uli ng taxi.

“sir san na po tayo.”

“Kuya dyan lang po sa susunod na kanto kumanan po kayo dyan.”

Nakauwi na ang dalawa sa kani kanilang bahay.