Chapter 30 Graduation Practice
Hindi na pinagsuot ng uniform ang mga ga graduates, sinabihan sila na magpunta na lahat sa oval at wag na sa kani kanilang classroom. Excited na ang magnificent 8 mag martsa, ang kanilang kinasasabikan. Alas 8 ng umaga, marami ng estudyante sa oval para sa praktis. Hindi nila ininda ang init kahit tirik na tirik. May mga baon silang extra shirts, sumbrero o payong at snacks.
“Sa wakas natapos na din ang paghihirap.” aniya ni Chris.
“Nakahinga na tayong lahat.” bungad ni Verna.
“Ang init ng oras ng praktis pero ok lang, nakakaexcite. Pre kabisado mo na ba ang speech mo.” sabi ni Carl kay Ken. Pinagpapawisan sa init ng araw. Inaayos ngmga teacher ng 4th year ang linya at ang pagpasok nila sa kani kanilang upuan. Ang upuan ng mga magtatapos ay sa unahan at sa mga magulang at bisita ay sa lukiran ng mga estudyante.
“May program na ba na dinistribute.”
“Wala pa, ang alam ko ngayon ibibigay sa praktis natin mamaya.” sabat ni Bernadette.
“Nasaan kaya si Charlotte. Di ko pa nakikita.”
“As usual nagma make up haha ha!” Sabi ni Chris palagi nya kasing tinutukso si Charlotte at si Charlotte ay sanay naman na sa kanya.
“Joshua, ano yang bitbit mo tulungan na kita.”
“Mga invitation natin, sa akin inatas ni Mam Rowena na magdistribute kasama ko si Minerva ng ibang section at si Marion.”
“Pakitulungan naman kami di kasi namin kilala lahat at kung pano maibibigay sa kanila.”
“Ganito Josh, habang di pa nagsisimula ang praktis, punta tayo sa grandstand. Manhihiram ako sa principal’s office ng megaphone para maipamahagi na natin yan, kasi mamaya pag nagpapraktis na baka di na natin yan maipamigay, magalit ang mga magulang ng gagraduate.”
“Salamat Pre.”
Nahiram ni Ken ang megaphone sa Principal at sa wakas naipamahagi nilang lahat ang invitation, ang ibang wala ay kinuha ng mga kaklase at sila na ang bahalang mag abot sa kanila.
Alas 10 na ng umaga nagsimula ang praktis di na naman nasunod ang 9 o clock, pilipino time talaga.
Naging maayos ang takbo ng praktis, iaabot ng principal ang diploma sa kaliwa at kakamay sa kanang kamay, lalakad ng kaunti sa gitna at iaayos ang cap.
Nang tinatawag na ang top 10, nagsigawan ang lahat. Sinabihan sila ng mga adviser na pumalakpak lang at wag sumigaw. Syempre praktis yan pwede sila sumunod pero sa mismong araw ng graduation masunod kaya? Tanong ng marami.
Nag break ng alas dose at sinabihan ang lahat na bumalik ng 2pm.
Alas dose ng hapon, nagbalikan na ang mga graduates maliban sa ilan na hindi na bumalik para sa praktis. Praktis ni Ken ang kanyang valedictory address speech at ang part ni Bernadette. Si Mam Ramos ang pumapel na principal at si Mam Annabeth naman ang taga basa ng mga pangalan. Naging smooth at mabilis ang praktis. Eksakto alas 5 na ng hapon natapos ang praktis.
“Bro, see you tom.”
“See you all tom.”
Nagmegaphone si Mam Ramos.
“Kenneth Gaston at Bernadette Aguas kindly see me in the classroom?”
“Pinatatawag kayo ni Maam Ramos. Mauuna na kami ha.”
“See you tom na lang sa graduation.”