Chapter 23: At the Church

Napakaganda ng simbahan ng Pasig, napakalaki at nasa sentro ng Kapasigan. Napaka tahimik at mataimtim ang misa ni father Diego. Patungkol eto sa pamilya at sa graduation. Minsan seryoso at maya maya nagpapatawa si father. Nagsisilbi ang pamilya ni Bernadette sa simbahan kada linggo. Nakasuot sya ng white pati si Belinda ganun din ang mga kapatid nyang lalaki na maliliit pa, habang ang mama naman nya ay naka uniforme na blue ng CWL.

Maraming estudyante ng Rizal high ang nakinig ng misa dahil alam nila na eto ay patungkol sa kanilang graduation. Marami din ang naka puti na blouse at shirt na puti sa mga lalaking estudyante, napakagandang tingnan, napuno nang puti ang simabahan dahil sa kasuotan. Puting bulaklak din ang mga nasa aisle na akala mo ay para sa ikakasal lamang. Maging ang saharapan ng misahan ay puro puti din na bulaklak.

“Good morning po!” bati nila Ken, Carl, Verna at charlotte sa magulang ni Bernadette.

“Good morning. Bless you all!” sagot ng mama at papa ni Bernadette.

Nasulyapan ni Bernadette na nakatingin sa kanya si Ken at kinindatan sya nito. Ngumiti lang sya. Kasama ni Ken sa upuan ang iba pa sa magnificent 8, habang sa kabilang dulo ng upuan andun si andrea at Christine. Taimtim na nakaluhod at nagdadasal.

“In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit, Amen”

“Amen”

“Tapos na ang misa at humayo kayo at magpasalamat.” Sabi ni Father Diego. Nagpalakpakan ang lahat at isa isang umalis ng simbahan habang di pa tapos ang kanta ng Choir.

“Kain muna tayo sa Jolibee. “ sabi ni chris.

“Wala kaming dalang pera.” sabat ni Andrea kay Chris.

“Ako ang mag treat sa inyo, tara na.”

“Pre, yayain mo si Bernadette, ipagpaalam mo kay papa at mama nya, kakain lang kamo ang grupo.” Tukso ni Carl kay Ken. Hindi nagdalawang isisp si Ken at pinuntahan niya si Bernadette habang umalis na ang grupo papuntang Jolibee, linggo ngayon at maraming tao kaya umuna na sila para makakuha ng upuan.

Hinawakan ni Ken sa kamay si Bernadette habang papatawid ng kalsada patungong jolibee.

“Mga fren paghusayan natin bukas sa field demo ha, dapat tayo naman ang winner last year natalo tayo sa freshman.’ sabi ni Charlotte.