Chapter 22: Saturday Afternoon
Magkikita kita sa plaza ang magnificent 8, si Bernadette na lang ang kanilang hinihintay kumpeto na sila.
“Pre, bakit di mo sinundo si Bernadette. Ang sweet nyo sa JS Prom ah.’ Biro ni Carl.
“Kayo na ba?” sinundan ni Chris.
“Hindi ah, bata pa daw kami!” mahinang sagot ni Ken ewan kung may nakarinig.
“Verns, dinala mo ba ang props na gagamitin natin.” tanong ni Charlotte.
“Andyan lahat sa bag na brown, may dala na din akong cartolina, gunting, pandikit na gawa sa cornstarch at crepe paper na iba ibang kulay.”
“Good job Verns, lab kita talaga.” Sagot ni Andrea. Habang papalapit na si Bernadette.
“Sorry guys, na late ako hehehe, inutusan pa kasi ako ni mama.” paliwanag ni bernadette kahit di naman totoo na inutusan sya, nahihiya lang sya na sabihin late talaga sya.
“simulan na natin ang paggawa.” sabi ni Ken.
“Pahiram ng gunting.” sigaw ni Christine sa di kalayuan, naghiwahiwalay kasi sila, nag grupo grupo para mabilis matapos sa paggawa ng props na gagamitin sa field demo. Partner nya si Verna sa paggawa ng yellow pompom.
Samantalang si Chris at Charlotte ang sa red pompom. Ginala nila ang mata at may napansin.
Pagbibiro ba ni Chris. “May isa dyan di mapakali, di makakibo simula kagabi, sino kaya yun.”
Palagi si Charlotte may sagot o pangsunod na sasabihin. “Di kaya nakatulog sa kakaisip.”
Tahimik sina Ken at Bernadette, walang imikan, alam nila sila ang tinutukso ng grupo. Sila ang ginawang magpartner sa props na green na pompom.
“Nakakauhaw, bili ka naman Carl ng merienda natin sa tapat may sari sari store akong nakita.” Sabi ni Christine.
“Samahan na kita Carl, tapos na rin naman ang gawa natin, nagugutom na din ako.” sagot ni Andrea, sila ang magkapartner sa paggawa ng orange pompom at nauna silang makatapos.
Kailangan nilang makagawa ng 50 piraso bawat kulay kaya halos inabot na sila ng gabi sa plaza. Nagpaalaman na sila. Sinakay ni Chris ang lahat ng pompom sa jeepney na inarkila nila papunta sa Rizal. Hinatid ni Ken si Bernadette sa bahay nila.