Chapter 24: Field Demonstration
“Calling all students, the field demonstration will start in 15 minutes, be ready second year.”
Maingay na salita sa megaphone. Nagtipon tipon na lahat ng estudyante sa field oval. Freshman, second year, junior at senior.
Tumugtug ang music, chacha sa una, naging samba at modern dance ang ginawa ng second year.
Props nila kahoy na gamit sa arnis, binalutan nila eto ng 4 na kulay na crepe paper. Sabay sabay sila sa indayog at sa musika, perfect sa simula ng sa bandang huli na may ipapasabog sila ay hindi eto bumuka, at makikita mo sa mukha ng mga second year na estudyante at mga guro ang pagka dismaya, alam nila na demerits eto at posibleng matalo sila sa competition.
Sumunod na nag perform ay ang mga junior. Ang kanilang props ay hula hoop. Maayos ang lahat, masyadong makulay , napakagandang tanawin ang mga nasa unahan, nilagyan nila ang hula hoop nila ng bulaklak na crepe papaer , mabilis ang tempo ng musika na ginamit nila. Semi perfect na sana kaya lang ang iba nahuhulog ang hula hoop kaya medyo lumiit din ang tyansa nila makuha ang grand prize.
Ang Senior na ang susunod na performer, humilera na sila, nasa unahan si Andrea hawak ang apat na kulay ng pompom bilang representa ng bawat grupo, siya ang maliit habang nasa apat na group naman ng estudyante si Bernadette na hawak ang berde na pompom, Christine pula naman ang hawak , Charlotte, kahel at kay Verna luntian. Nagsimula ng tumugtog ang kanilang napiling musika at sabay sabay ang kanilang mga galaw. Enjoy na enjoy ang mga nanunuod, napapaindak sila at halos sumasabay sa kanila, lalo na ng magporma sila ng ibat ibang hugis gamit ang makulay na pompom, walang lumihis o naiwan sa kanila. Sabay na sabay sa tempo ng musika at sa bandang huli kinalong ng mga lalaki ang 5 babae sa unahan at inihagis pataas, sinalo at paglapag ng 5 babae ay nakatayo sila sa mga kamay ng mga lalaki. Nagsigawan at ang palakpakan ang lahat sa kanilang performance.
“Sana tayo naman ang winner last na natin eto,” Sigaw ni Christine. Nag krus mga daliri nila habang hinihintay ang last performer ang freshman, sila kasi ang winner last year na kumpetisyon.
Maganda na sana ang kanilang performance dahil makulay, maganda ang musika kaya lang may nahuhuli sa pag indak at may naiiwan at nahulugan ng props.
“We will announce the winner shortly after some tabulations from our judges.” Nakakarinding ingay sa megaphone.
“And the winner of this year Field Demonstration are the Seniors. Congratulations Seniors!”. Sigaw ng Principal.
Talunan sa tuwa ang mga senior high na estudyante, di magkamayaw na sigawan at palakpakan sila.
“They deserve it.” Narinig ni Ken sa mga dumadaan.
“Ang galing naman nila tinodo na nila yata ang powers nila.” Naulinigan ni Charlotte sa mga nag uusap na freshman.
Masayang masaya ang magnificent 8, di nasayang ang kanilang paghihirap sa pagtuturo sa mga kabatch at sa pag gawa ng props.