Chapter 21: toss and turn

Halos mag uumaga na di pa makatulog si Ken, iniisip nya si Bernadette, sa isip nya gayun din kaya si Bernadette, iniisip siya.

Pabaling baling sya, tatayo , hihiga, gigiling sa kanan, sa kaliwa, di sya mapakali. Nasa isip nya ang maamong mukha nito, napaisip sya totoo kayang mag mamadre si Bernadette. Nang hawakan nya ang mga kamay nito, napakalambot, halos hinaplos haplos nya ang kanyang palad sa pisngi nya para maramdaman nyan dinadampian ng malambot na palad ni Bernadette ang mga pisngi nya. Ang balingkinitan na beywang nito at ang bango ng hininga parang laging naka breathe freshner, kay sarap halikan.

“Pwede ba kitang maging girlfriend?” tanong ni Ken kay Bernadette kahit alam nyang MU na sila gusto kasi ni bob na maging official boyfriend/girlfriend ang relationship nilang dalawa, habang nagsasayaw ng sweet kanina sa JS Prom.

“Bata pa tayo!” yan lang ang naging sagot ni Bernadette, di ko yun malimutan kaya napaisip ako sa sarili kanina, may pag asa kaya ako , mahirap sa tingin ko ang MU pedeng humanap pa sya sa iba.

Kinuha nya ang unan at niyakap yakap at halik halikan eto, feeling nya kasama nya si Bernadette at kasayaw pa din. Umaga na sya dalawin ng antok.

Bukas pa ang ilaw sa kulay pink na kwarto ni Bernadette habang tulog na si Belinda ang nakababata niyang kapatid. Lumabas sya sandali para kumuha ng tubig sa kusina at nag palamig ng kaunti sa sala, natutulog na ang kanyan Mama at Papa, nauuhaw ba sya o hindi, habang hawak ang isang basong tubig o di nya alam ang nararamdaman.

“Pwede ba kitang maging girlfriend.” tanong sa kaniya ni Ken kanina, di nya makalimutan sa isip nya.

Naalala lang nya ang sagot nya na mga bata pa tayo. Naiinitan sya kaya kumuha sya ng feather na pamaypay sa may drawer, project nya ang pamaypay na eto sa home economics. Mabilis ang paypay nya pakiramdam nya di sya mauubusan sya ng hininga. Bumalik na sya sa kwarto at humiga, panay sagi sa isip nya nag mga katagang binaggit ni Bob. Sa isip nya wala naman masama sa sinabi ni Bob bakit di sya mapakali.

Paypay sya ng paypay hanggang sa makatulog sya, umaga na ng sya ay makatulog.