Chapter 20: Junior Seniors Prom
Invitation to the Junior Seniors Prom
8pm Main building
Powered by Faulze Image Mobile
“Charlotte, ready ka na ba!” Pasabay naman ako pasabi sa Daddy mo pede kaya.” Ani ni Verna.
“Naka ready ka na ba, mine make up pa ako ni Mommy, malapit ng matapos. Daddy pwede po daanan natin si Verna para may kasabay ako.”
“Yes darling, sabihin mo in 15 minutes andyan na tayo.”
“Narinig mo Verna, in 15 minutes daw. Ready ka na ba?”
“OO ready na.!”
Dumating kami ng Rizal High ground ng 7:55 pm, napakarami ng estudyante, ang gagara ng mga kasuotan, may kumikinang, halos puro bago ang lahat na suot at parang fiesta, ang ingay ng music , nakakaindak kahit di pa nagsisimula. Pinatugtog ang “High School Life “ kanta ni Ms. Sharon Cuneta, nagsigawan ang iba. Sinundan ng “ King and Queen of Hearts” lalong naguumapaw sa saya at sigawan, may mga pumapalkpak pa. Ang stroblight ang dami, may sumasayaw pa na iba’t ibang ilaw, may bubbles effect pa sa entrance, nakakabingi ang musika, nakakengganyo, pagpasok mo pa lang mapapasayaw ka na agad, may kukuha ng ticket mo para sa snack at parang di alintana ng mga fourth year students ang snack , gusto lang nila sumayaw at mag enjoy.
Sa Rizal grounds nagtipon tipon muna para sa entrance, bawat isa may ticket, at sa ticket kasama na ang snacks. Isa isang tinatatakan ng mga teachers na assigned sa JS Prom.
“Charlotte, napakaganda mo naman. Sayaw kita mamaya ha!” sabi ni Bernard ang masugid na manliligaw ni Charlotte. Inismiran lang eto ni Charlotte.
“Hi, Andrea, di kita makita hahaha, sana nagsuot ka ng heels. Pero in fairness ha, beauty tayo palagi.” sabat ni Christine.
“Asan na kaya ang mga boys natin, nakita mo na ba Bernadette?” tanong ni Verna
“Di ko pa sila napansin, daing pa natin, mas maaga pa tayo.” sagot ni Christine.
“Bulaga! Kanina pa kami, hello! Halos nakita na namin ang lahat ng girls.” sabi naman ni Ken, nakasuot ng pink polo shirt at with matching necktie pa.
“Nakita nyo ba si Maam Edwina, nasa entrance, parang Estudyante ang suot, isasayaw ko nga mamaya hahaha.” sabi ni Marcos.
Nakapasok na lahat ang mga Seniors at mga guro. Nagsimula na ang performance ng mga Junior at sumunod na ang party, ang sigawan ng estudyante di magkamayaw lalo na kapag sweet at mellow ang musika, panay hagilap ng boys na maisasayaw na babae.
“May i dance with you.” sabay abot kamay ni Ken kay Bernadette. Tumayo si Bernadette habang hawak ang kamay para sumayaw. Nilagay ni Ken ang kanang kamay nya sa bewang ni Bernadette at ang isa sa may balikat. Malumanay ang musika. “Don’t break my heart” ni Toni Braxton yata ang pinatugtog ng dj at ilan lang ang tumayo para sumayaw. Nasundan pa eto ng “Endless Love”.
“Tingnan mo ang 2, sweet na sweet!” sabi ni Christine.
“Inggit ka.” sabat ni Chris kaya hinampas eto ni Christine.
“Ikaw bading ha sobra ka na, sumbong kita ke Dad mamaya.”panunukso ni Christine.
Natapos ang musika, nagpatugtog na naman ang Dj ng magaslaw na musika, tayuan na naman ang mga lalaki, kahit walang partner na babae o tinanggihan sila sayaw pa din, kese hodang walang partner basta i enjoy nila ang gabi.
Hatinggabi na natapos ang JS Prom at isa isa ng nag uwian, nagpaalaman sa bawat isa, naiwan sina Ken at Bernadette na nakaupo at tila may pinag uusapan.