Chapter 19: Lovebirds
Nagpahatid si Bernadette kay Kenneth sa pag uwi dahil magtatakip silim na at ikinatuwa ng grupo ang naging reaksyon ni Kenneth sa gusto ni Bernadette.
“Mukhang may lovebirds na tayo!” aniya ni Charlotte.
“Hindi ah!” nag blush si Bernadette.
“Uy guilty!” tukso ni Christine.
Nagkatawanan ang lahat, nagkanya kanya na silang pag uwi, sumakay ng jeep sina Verna , Andrea, Charlote at Carl, samantalang sinundo ng pulang sasakyan ang kambal.
“See you, bye! Nice game!”. Sigaw ni Chris habang papalayo.
Naglakad lakad muna ang dalawa sa may tapat ng eskwelehan at bumili ng ensaymada sa tapat na bakery, bilin kasi ng Papa ni Bernadette na bilhan sya nito pagkatapos ng basketball. Malapit lang ang bahay nila Bernadette sa eskwelahan, sa umaga lang sya sumasakay ng jeep kapag medyo alam nyang male late sya ng pasok.
Binalangkas nila ang tulay, habang naglalakad hinawakan ni Ken ang kamay nito. Hindi na sila dumaan sa ligaw ligaw na paraan, mutual understanding na lang MU, sulyap at simpleng pasaring nagkakaintindihan na ang 2. Parang sa kanila ay feeling is mutual kapag silang 2 lang ang magkasama at kapag kasama ang mg akagrupo ay very casual lang sila.
“Bernadette, may balak ang pamilya namin na mag Canada.”
“Kailan ang balak nyo.”
“Nag apply na si Daddy nung isang buwan at ang sabi nya pinakamatagal na ng processing ay 1 year to 6 months kapag kumpleto ang mga dokumento.”
“Ganun ba, so hindi ka na dito mag kokolehiyo kasi sayang kung mag enrol ka pa?”
“Malamang yun, san ka mag kokolehiyo?” tanong ni Ken kay Bernadette binitawan ang kamay , malapit na kasi sila sa bahay ng dalaga.
“Di pa ako sure, nag exam na ako sa mga schools waiting pa ako sa mga resulta.”
Nasa maliit na balkonahe ang papa ni Bernadette ng makita sila. Medyo may katabaan ang papa ni Bernadette, malaki ng kaunti ang tiyan, dating graduate din ng Rizal high.
“Magandang gabi po.”
Magandang gabi naman Ken. Tuloy ka!
“Maraming salamat po pero uuwi na din po ako gabi na po.”
“Ok sige, mag ingat ka! Di na kita pipilitin at talagang gabi na baka hinahanap ka na din.”
“Opo!”
Pumasok na ang mag ama sa bahay.
“Anak, nanliligaw ba si Ken sa iyo!” nabigla si Bernadette sa tanong ng ama.
“Hindi po Papa.” mahinang sagot ni Bernadette.