Chapter 18: Basketball tournament
Napakaraming estudyante sa Gym, punong puno, laban kasi ng Team Rizal High Warriors at Team JRU Falcon.
Napansin ng ibang estudyante na wala ang mga start player na si Mark, Bernard at Joshua. Nagkaruon ng bulong bulongan na pinatawan ng suspensiyon ni Principal Del Mundo. Napapaisip sila kung mananalo kaya ang team warriors sa laban ngayon. Tumunog na ang buzzer.
Nagsimula na ang Game, hawak ng Team Rizal high warriors ang bola. Tahimik sa simula ang mga estudyanteng nanunuod at tuwing hawak ang bola ng team warriors ay sigawan sila.
“Shoot, James!” sigawan ngmga estudyante nagsisimula pa lang ang laban mainit na agad ang mga estudyante.
“James, 3 point.”
Sigawan at palakpakan ang lahat. Kapag hawak ng kalaban ang bola ay sigawan pa rin sila.
“Boo! Boo! Wala yan!” panunukso ng mga taga rizal High. Mayrun mga taga JRU din na nanuod subalit homegrown ang court kaya natatalo sila sa mga kantyaw at sigawan.
Maraming 3 points ang naipapanalo ng taga Rizal High kaya sa 2nd quarter ay lamang sila ng 15 points. May 15 minutes na break. Magkakasama ang grupo na dumating ng mag break sa basketball.
“Ang pogi naman ng naka jersey no 18 ng JRU, katakam takam.” Bulalas ni Chris, bahagyang kinurot sya ng kakambal, tinawanan lang ni Charlotte at Andrea. Siksikan sa Gym at nakipagsiksikan sila para makapwesto sa unahan kasi alam nila magiging crucial na ang laban sa 3rd quarter kanilangan nila maisigaw on top of their lungs na manalo ang Rizal high.
Nag bell na hudyat na uli ng start ng game. Hawak naman ng JRU ang bola, di pa man nakakapunta sa court ang team JRU sigawan na uli ng pambubuska ang mga taga Rizal High. Bumabawi din lang sila kasi pag sa JRU ang homecourt at mas masahol pa dahil nung huling laban ng matalo ang jRU sa home court ay pinagbabato ng plastic drinking water ang mga players ng Rizal high kaya sinuspende ang paglalaro sa court ng JRU.
May intermission performer sa bawat quarter at ang saya saya ng Gym, parang piyesta. Sa 3rd quarter ay halos 6 na lang ang tambak na puntos ng taga Rizal High. Medyo kabado ang ilang estudyante kasi kulang ng players at ang 3 star player ay hindi naglalaro pero andun sila sa bench.
Start na ang 4th quarter kabado na ang lahat, maaring manalo o matalo depende na lang kay Coach Tenorio.
“Shoot that ball.”
“Depensa! Depensa.”
“Go shoot!” “Boo! Boo!” di magkamayaw na mga sigaw ng mga estudyante. Palakpakan sila kapag di nakakashoot ang mga kalaban sa free throw, sobrang pang aalaska ang ginagawa ng mga estudyante ng rizal high sa JRU.
Habang busy sa kakapanood ng basketball ay di pansin ng grupo ang paghahawak kamay palagi ni Ken at Bernadette. Maghihiwalay lang sila kapag pumapalkpak at balik hawak kamay.
Natapos ang laban sa score na 87-85, 87 ang rizal high at 85 ang JRU. Isa isang naglabasan ang mga estudyante sa gym.
“Ang galing ng laban, go rizal high warriors!” sabi ng mga lumalabas ng gym.
“Ano kaya nangyari kina Bernard, Mark at Joshua, may pilay kaya sila at di nakapag laro, buti na lang naging winner pa din ang Warriors!