Chapter 17: Principal’s Office

Nakarating sa Principal ang nangyari sa kantina. Pinatawag ni Principal Del Mundo sina Carl at Ken, pati ang mga basketbolista. Sumunod ang mga babae para kung kailangan ang tulong o explanation andun sila. Iniwanan ni Mam Ramos ang klase at sumunod sa opisina ng Principal.

Pinaupo ni Principal Del Mundo ang mga bata at pina tahimik muna bago kausapin. Tiningnan nya isa isa eto at para alamin kung magsasabi ba eto ng totoo at may aamin sa nangyari kanina sa kantina.

“Ano ang nangyari sa kantina Kenneth. Alam mo na nasa top kayo at pwedeng mawala yun sa misconduct nyo.” sabi ni Principal kina Ken at Carl.

“Maam, may tissue po kasi na nahulog sa orange juice ni Andrea.” sabi ni Ken.

“Maam alam po namin na gawain yan ng mga barkada ni Bernard at Mark kasi nakikita po namin na binabasa po nila at nirorolyo ang tissue paper at patay malisyang hinahagis sa kisame. Tatagal po sya ng isa o 2 araw na nasa kisame bago po bumagsak.” paliwanag ni Carl.

Nagpaliwanag din si Andrea sa principal na nakita din niya na ganun ang ginagawa ng grupo ni Bernard. At kaya napikon sila Ken at Carl at pinagsabihan si Mark pero inambahan ni Mark si Carl. Umaawat si Kenneth at siya ang nasapak ni Mark kaya nagdugo ang labi ni Ken.

“Mark, magpaliwanag ka!” Nakatungo si Mark, umiiling iling, pamangkin ni Principal Del Mundo si Mark at star player din ng Rizal high, matangkad at mabilis kumilos at sya ang nagdadala halos sa koponan nila.

Ngayon lang may nakapagsabi at nagkusang magtapat sa principal kahit marami ng insidente sa issue na tissue paper na lumalagpak, maging ang mga guro an kumakain sa kantina, minsan may nalagpak at di nila matukoy kung sino ang may gawa.

Si Dennis ang nagpaliwanag sa Principal. Sinabihan ng Principal na mag apologize si Mark kay Andrea, at kina Ken at Carl. Pinatawan ng suspensyon si Mark, Bernard at ibang kasangkot, at di sila makakalaro sa susunod na laban nila sa JRU. Katwiran ni Principal Del Mundo , hindi lang naman sila ang player at marami ding magagaling na manlalaro ng basketball ang rizal high. Tama lang ang kanyang ginawa at hindi nya pinanigan ang pamangkin.